Hay! I don't know how to start.. So many good things happened this day. I just had my hair trimmed. Pagdating ko don sa saloon, sabi ng hairdresser ko, ang bilis daw humaba ng buhok ko. 2 months ko ba naman siyang di dalawin. For the first time.. nanggigil siya sa balahibo ko sa batok ... pati patilya ko, gustong ishave. hahaha!
I'm glad coz wala pa ding nagloloko sa mga pc. Thanks God... I still have peace of mind. Ang lakas ng ulan kaninang pag-gising ko, late afternoon na nung nagkaron ng customer sa shop. I thought bokya na naman kami.. buti na lang. :)
Talked to Jun on the phone awhile ago. It's been so long since we talk ng ganon katagal, long distance pa. Parang mag neighbor ulit kami. hahaha!! I never expected this day could be so brilliant... but mas namiss ko siya. Wala siyang ginawa kanina kundi tumawa.. kausapin ba naman ako in a praning mood. hehehe! ewan ko lang kung di siya mapraning din, but I'm serious when I ask him na papadalhan ko siya ng stork. kung pumayag siya.. dyosme! Magpapadala talaga ako. hahaha!! Natatawa lang ako pag sinasabi nya na magseselos siya achuchuchu... Hindi pala natatawa.. kinikilig ako. hahaha! Aba! may asim pa siya sa kin ha! :D Sabi nga nung bestfriend ko kanina.. first love never dies. hehehe! at bumawi ako ng "hoy! di siya ang first love ko ha!!" Let us just say na first serious relationship. ;) Syempre, I won't forget him kahit mag-asawa na ako coz I wouldn't be complete kung di siya naging part ng buhay ko.
My friend went here with her bf. Bilib din ako sa 2 yon. Destiny nga siguro. Isipin mo naman, nung elementary kami eh enemy no. 1 nya yon. Tapos ngayon, loving loving na sila. :D Tambay lang kami on one of our favorite hangout.. sa Select. After that, dinaanan namin yung bestfriend ko and tambay ulit sa Magallanes. Syempre, ako ang matagal na nawala (pahinga ako sa barkada for 3 months, I guess) kaya ako ang nainterview tungkol kay Bullit and my new found happiness. They never thought na mabilis akong makakarecover. My friend, Ivy told me na sobrang tatag ko na daw ngayon.. Sabi ko, hindi tatag yan.. Kayabangan lang yan. hahaha! Who told you na nakarecover na ako sa break up namin.. I haven't overcome his lost.. I'm just facing it bravely. It still hurts me waking up every morning with the thought that he's not here beside me. It still hurts me when I think about him. My God.. I still love him. Pero sabi ko nga, yang pagmamahal na yan, nandyan lang yan. Di na mawawala yan. I just have to face the reality that he's gone and maybe, he had found his own happiness coz if he does.. I'll be happy for him. She asked me.. So, Gusto mo pa siyang bumalik sa buhay mo? My answer is.. NO. I love him pero kung dadanasin ko ulit yung hirap na naramdaman ko.. Wag na lang. We had our second chance.. it didn't worked out.. So, tama na yon. Uulitin lang nya yung ginawa nya kaya ayoko na lang. I want to be with him for the rest of my life.. kung puede sana but there are some aspects na hindi talaga puede.. Kaya di ko ipipilit ang gusto ko. I would be much happier kung wag na.
Matatag na ba ako or nagyayabang-yabangan lang. Ah ewan.. basta.. I'm happy with my life right now. Single but not alone. I'm glad may mga bago akong nakilala.. may nagpapasaya sa kin. As I am thinking now.. di lang siya ang found happiness ko.. madami pang source dyan.
We talk about relationship at ang iniingat-ingatan naming dignidad bilang babae... just thinking how our parents strive so hard to put us to where we are now.. nakakapanghinayang kung magpapakababa kami para sa walang kwentang lalake. She talks about those gurls na naghuhubad daw sa chat.. sa webcam. Ganon daw palagi yung kausap nung bf nya sa ym... She tells me na minsan.. gusto nyang pantayan yung ginagawa ng ibang babae just to please her man. Nasabi ko lang.. don't stoop down to their level. There are many ways to please him, pero kung magpapabastos ka.... don't you ever do that. He must accept you for being you.. He loved you dahil ikaw yan. Kung naghahanap siya ng bagay na wala sayo.. Let him go coz he must accept you for being you.
hay! ako ba yung nagsasalita? Siguro nga ako yon.. hahaha!
Nagdadalawang isip ako kung matutulog ako ng maaga kasi may lakad ako ng morning.. hehehe! groggy na naman ako nito bukas. I'm going to meet my new found happiness... a very dear friend kahit di ko pa nakikita. He makes me feel happy everytime we chat.. I wouldn't regret being teamed up to him. Sabi ko nga kay ate.. he's different. May sense siyang kausap.. be it kalokohan, mapa-politics, lovelife or kung ano man. Minsan na lang ako maka-meet ng tao where you can talk everything under the sun. Try ko din ang outerspace next time. hehehe!! Subukan natin kung papalag si pogi. :D
No comments:
Post a Comment