May 27, 2004

Irritated and Worried

Irritated

Gusto ko ng pigain tong si Matly, kanina pa nagpapacute. Gustong manood ng sine.. ala naman kaming anda. Gustong mag-internet, nagamit naman ako ng pc. Kung anong gusto kong gawin.. nakikisingit! hmp!



Worried

Coz my babies are sick. Di sila maganang kumain ngayon and nag-e-lbm.
Masyado na akong pagod for this day. Ang dami naming activities nitong mga aw aw.. nakakapagod talaga ang magpaligo ng aso.

Isa pa na ikinakadepress ko is nacarnap yung civic ni Jun. Di ako masyadong makatulog kagabi kakaisip na matatagalan pa talaga kung babalik siya dito... naiinis din sa mga carnapper. Nakakarelate ako sa nararamdaman nya coz nacarnap din yung fx namin. He called me mahal last night. Hah? Siguro, naglalambing lang siya. Hayaan na nga yung tawag na yon. Si jeff nga, schat eh.. di ba. Nakakamiss din pala yung mga tawagang yon. Parang it brings me back from the past. Nagtext si Bullit kanina.. ang ganda ng message. Hinahanap ko yung feeling before na pag nagtext siya eh tumatalon ang puso ko. Ngayon, parang ordinaryo na lang. Mas natutuwa pa nga ako kung si ano yung nagtetext eh. Kahit simpleng hello, ewan ko. Siguro, ganon talaga yon. Di na siguro yabang to ngayon. Siguro yung final test eh pag nakita ko siya... gusto ko din makita siyang may kasamang iba. Gusto kong malaman kung yabang talaga to or nag move on na ako. Pero pag naiisip ko yung babae nya sa tate.. natatawa na lang ako. Sa loob-loob ko, sige lang. Ngayon natutuwa ka kasi nasa iyo na yung taong yan. Tingnan natin pag ginive up mo ang states sa kanya at bumalik ka dito. Saka na lang ako tatawa.

Bad gurl!!! bad gurl!! Maybe, she deserves it. Pakialam ko ba sa buhay nila. Basta ang importante, alam ko na kung saan ako pupunta kahit wala na siya sa buhay ko. I hate him so much! Sana wag na akong makatagpo pa ng lalaking katulad nya.

Bukas na ang eb.. Sana madaming pumunta. Ano kayang damit ang isusuot ko? Ang daming happenings.. Magkasunod pa. Di bale, iiwan ko na lang sila schat kila Tin. Sana gumaling na sila bukas. Mamimiss ko naman tong dalawa na to.

Nagwoworry din ako about Joshua. Natatakot ako na kunin siya ng nanay nyang walang kwenta. Kung batas ang iisipin.. may habol siya kasi siya ang nanay pero pano nya bubuhayin ang bata. Wala naman siyang stable job.. Maayos na ang buhay ng bata sa amin. Di rin magiging masaya ang bata kasi kami na ang kinalakihang paryentes nya. Kung ako ang tatanungin, ayoko na din makipagbalikan sa kanya yung kapatid ko. Kung ganon lang naman ang gagawin nya sa kapatid ko. Wag na. He's life has been wasted for 3 years. 1 year na lang dapat graduate na siya.. mas pinili siya ng kapatid ko, pinaglaban siya sa magulang ko. Kung kelan stable na sila financially saka nya iiwan yung kapatid ko. Ngayong nakakarecover na siya, saka pa babalik ang pesteng babae na to. Pero pamilya sila, wala akong magagawa don. Pero sa nakikita ko para sa kapatid ko ngayon, masaya na ko para sa kanya. Ngayon nya naeenjoy yung mga bagay na dapat non pa nya dinaanan.

Ang sakit na ng ulo ko. Ayaw ko na munang mag-isip.

1 comment:

Thess said...

commenting on the first part:

mama Jo..ang dami mong fafah ha?!

( papatawa lang...i need to clear my head )