May 25, 2004

Schat

I have a new puppy... her name is Schat. Half breed labrador daw. Iniisip ko kanina kung anong ipapangalan ko sa kanya until Jeff suggested na schat or achilles daw. Since gurl siya.. I chosed schat. Byuti sana or ganda kasi ang ganda nya eh... all white (ay.. naalala ko tuloy ang napirata kong miao miao na si kitty..) 2-3 weeks old kaya medyo peligroso. Ayoko sanang bilhin kasi natatakot akong mamatay kaso nung nakita ko din yung isang interesadong bilhin si Schat ko.. ay! kukunin ko na lang. Parang kawawa siya don.

schat.. yon din ang tawagan namin ni b2. galing kay ate suplada. Nakokornihan daw siya sa lalabs. Dyosme.. sangkatutak na tawagan. nagsimula sa b1 - b2, bombs, bomby, bitoy and bitay.. ngayon naman eh schat. Ayan.. para na tuloy kaming aw aw! :D

schat means love in dutch.

kain na nga lang tayo ng dutch ice cream!

Ay naku.. tong si rc and b2.. ang aga-agang mangalampag ng celfone. 6 am palang... panay na ang beep ng celfone ko. Langya naman kasing monitor yan eh. Pati ata ako mauubusan ng dugo kay rc.

At di sa inaasahang bagay yesterday, nakapanood ako ng Shrek without the boys. Nakakainip nga naman kasing maghintay madevelop ang picture kaya watch ever muna ang drama ko.

Malapit na din pala yung eb.. parang konti lang ata kami ah. Sana may makasunod pa sa Makati.

As I was thinking kanina pag gising ko.. Gusto ko ng mag-alaga ng pusa ulit!! Kaso aso ang sumulpot. Timing din. hehehe! Tapos bibigyan pa pala ako ng shitzu ni Matly! Sana lalaki para one big happy aw aw family kami. hihihi!

My day is good except nalagasan na naman ako ng simoleons (pera)... Bumili ba naman ako ng cage pati dog food. Ang arte pa ni schat kanina.. nainitan lang ng konti, umiiyak na. hmp! ASKAL na lang kaya ang alagaan ko? Isinama ko kasing bumili ng cage nya. Nadumihan pa! Humiga ba naman sa gatas nya. Ayan.. nabasa tuloy. Naku.. eto ang disadvantage pag may alaga ka. Nagiging katulong ka na. Tagalinis ng poopoo.. tagapunas ng weewee.. taga-ayos ng pagkain nya... tagaligo. Abah.. nagboyfriend na lang sana ulit ako. hahaha!! Ay! wag na lang. Atleast yan, loyal sa kin at di ako ipagpapalit sa iba!

Inggit ako sa sister ko.. nagwork lahat ng sims sa kanya. Kaya di ako nakapagblog yesterday kasi ininstall ko lahat ng expansion sa kanya. Hay! ako na kumpleto ang cd eh di makapaglaro ng sims! :(

3 comments:

Jeprocks said...

Bwahahah tama nga yan... mas loyal pa ang mga hayyyuuuppp kesa sa tao (patingin naman ng picture ni schat) :D

Thess said...

I agree with you...unconditional love talaga ibibigay sa iyo ni SCHAT! whohooooo, nice name....really nice ^_^

ayan, magkakaroon na ng ka penpal mga anak ko ( gizmo, danielle & jacob )...turuan mong mag dutch si schat ha

Joanne said...

nyahahaha!!!

'te sups, turuan mo muna akong magdutch bago sila. hehehe!