May 30, 2004

Lakwatsera

Around 4pm, umalis na ko ng haus to meet Segova and Neo at Megamall. Nagmeet kami ni Neo sa Megamall, and after 10 mins, si Segova naman. It was the first time na makita ko si Segova but then we get along well. Siguro, ganon talaga ang spirit ng Alimasag.. kahit first time mo palang nami-meet, parang palagay na ang loob mo. We arrived at St. Paul, Pasig. 10 minutes before the recital started. Buti lumabas si Lucci at nakita kami. Pagpasok namin, I know si Giray na yung lalaki na naka-black. Ang gagaling ng mga students, may lalo na si Winnie (pianiste).. I guess, wala pa siyang 12. At an early age, hall of famer na siya. :)
The recital end around 8:00, diretso na agad kami nila Neo and Segova sa Makati. Nauna na kami kila Giray and Lucci. Halos sabay-sabay lang kami nila kuya DA dumating, nauna ng mga 30 minutes sa amin si Joe, and then dumating na din si Bengskie. 6 lang pala kami :( I am still expecting na hahabol sila Posh and Rye. Pero ok lang.. magulo pa din. Kanya-kanyang kwentuhan sa pc games and ps2. Umalis sila Segova and Bengskie pagkadating nila Lucci and Giray, parang salitan lang. Of course, may pic kami. Hintayin na lang nating maubos ang laman ng film. ;) Around 11, adjourn na kami, may pasok pa kasi si Neo tapos nakisabay na si Joe sa kanya and then sila Lucci and Giray eh low bat na din. Kaming 2 na lang ni Kuya DA ang go na go pa din :D We decided na sa Magallanes, Select na lang muna kami tumambay. Kwentuhan.. inuman.. di naman nakakasawa kasi matagal din kaming walang contact ni Kuya. I had 3 cans of san mig lite.. grabe naman! lasenggera na ako! For the past few weeks, lagi na lang akong hilong natutulog. Ngayon lang ako nasarapan uminom ng beer... at ayoko namang kagiliwan na araw-arawin. Di ako masyadong nakatulog pag-uwi namin. Tambay pa ako dito sa shop hanggang 3 am.

At 8:30 in the morning.. kahit hilo-hilo pa ako kelangan kong bumangon kasi magkikita kami nila Jeff and Ymir. Ang daming activities! Nagkita kami sa Baclaran around 10.. Siguro kung di nakadikit ang i***g nitong si rc, pati yon makakalimutan nyang dalhin. lol! peace papa! Oh siya.. nakalimutan ko ding dalhin yung installer! hehehe! We proceed to Gilmore again.. to help our friend, and dinaanan ang installer dito sa shop but before that naglunch kami sa SM Bicutan at bumili ng towels ng mga babies ko tapos si "swipe it baby" Jeff naman eh mouse na walang ball! hahaha! naalala ko tuloy yung joke na yon. :D Syempre, pagdating dito sa shop.. di kumpleto kung di ko ipapakita sila schat and achilles.. nakakahiya.. kadudungis ng mga bata.

Balik ulit sa Cavite, pagdating kila Ymir.. konting pahinga.. konting butingting.. kainan na :) Ansarap talagang magluto ni Tita Alice. Di lang talaga ako nakain ng shrimp.

[to be continued again]

No comments: