Though it was windy (at lunch time) and raining the whole night.... I might still say that it's a fantastic day. :)
Just like what we agreed, I still don't know how to start and put back the pieces of what occur yesterday. It's a wonderful day.. though we're all exhausted coz napakahaba and matraffic ang biyahe but it was fun. It's been awhile that I never got bored while driving, Jeff is crazy and I'm insane... hahaha!
We met at Gilmore with RC coz my cd-rom broke down a few days ago. Ang usapan namin is 10:00 am. While driving to Gilmore, they told me that they might be late (hay! ba't kasi di muna chineck yung pump no?).. Medyo traffic din sa EDSA, so medyo petiks lang coz I have all the time and I know I would't be late ;) I arrive at Gilmore around 10:30, I was almostly done with my business at pc madness nung dumating sila. Good enough coz akala ko mapapanis ang byuti ko kakahintay. Kala nila galit na ako.. kunyari lang.. galit-galitan lang. hehehe! Syempre, at first.. parang naiilang ako pero ilang minutes lang kasi ilang beses ko na din naman nameet si rc.. si bomby lang talaga yung first time. Ewan ko, pero parang at ease ako kasi kung ano siya nung kausap ko sa ym.. ganon pa din siya in real life. Funny and sensible.. Tama nga si ate, tatawa lang ako ng tatawa pag nagkita kami. Naalala ko tuloy yung buhok ni rc, mangiyak-ngiyak ako kakatawa don. Ang babaw pero magaling tong si pogi magpatawa eh... pogi, rememeber.. yung guy na kawawa naman ang butiki pag nalaglag sa buhok nya. hehehe! I feel comfortable being with them.. talking to Jeff.. and I have to thank Ate Thess, if not from that tuksuhan and simpleng meet lang sa conference, I wouldn't feel like this. Basta.. I'm happy.
~One of my friends have a business at Gilmore kaya sinamahan din namin siya. *Grabe.. nanlulumo ako sa ganda ng pc ni papa.. Gusto kong makicomputer!!!* ~
Natapos kami around 4pm.. and they are all dead hungry!! buti ako kumain muna sa bahay. hahaha! Eh pupunta pa kami sa house nila rc sa cavite, dapat lunch yon eh.. naging dinner na. It's already raining when I was driving to Cavite, buti na lang may dala akong doughnut kaya medyo nagkalaman din ang tiyan nila. Sa EDSA pa lang natraffic na kami.. parang lahat ng dinaanan namin matraffic mas lalo na don sa Cavite. And now I know how they feel (yung mga ka-alimasag ko na taga-Cavite).. Nakakarelate na ako ngayon! Ang layo pala talaga pero nabilib naman ako. Isipin mo kung gano sila kalayo sa Manila tapos makikipag-meet sila sa min.. kukulitin namin pag eb tapos aabutin ng 2 am. Oh my God.. Nafeel ko yung sincerity and effort nila just to be there. Bow ako sa mga taga-Cavite na nakikipag-eb at dumadayo pa ng Manila. Sobra!
I never got bored sa traffic and haba ng biyahe... Kwentuhan lang kami ng kwentuhan.. about life, games, alimasag.. walang tigil sa tawa.. Oh I remember Achilles again, pati na yung pay parking ng mga bangka and bakawan don sa dinaanan namin. Maybe I was hallucinating too kasi gutom na din ako. Nagkayayaan pa sa Gerry's para lang sa sisig. Dinaanan din namin yung haws ni Aguinaldo, ang laki pala. First time ko lang nakita yon. Kala ko tutulugan ako ni Jeff sa traffic. He always tell me.. baka makaidlip siya (don palang sa EDSA).. wag akong magagalit pero di naman nakakatulog. Uy! nakarating na ako ng Island Cove!!! don lang sa gate. hehehe!
5:30 pm.. At last! Nakarating din kami sa haws ni papa rc. Nanood muna kami ng tv ng konti bago nag-dinner. Mag-aalas siyete na ata di pa din kami natayo sa dinning table. Ang sarap naman kasi nung food! waahh! I'm so forgetful this day.. yung calamares and adobo lang yung name na natatandaan ko. Pero natatandaan ko yung lasa nung dalawang name na nakalimutan ko. First time ko nakatikim nung isa, yon pa yung request ni Jeff. Ang sarap.. tamang-tama lang yung asim and tamis. Hay! Lahat sila masarap papa ymir! pramis!!
We left Ymir's house around 8. Walang tigil ang ulan. Hindi na masyadong matraffic, don lang sa part nung may Flores de Mayo.. oh yes! may nadaanan kami. Ang ganda naman ng Reyna Elena. Hindi bading yon ha! Nakakaawa sila pati yung maglalaba ng gown nila, naulan ba naman. Nadala din naman si rc sa Gerry's and guess what kung saan? Sa Libis. hahaha!! South to North! *napansin ko.. ba't ba ako nakiki-rc ng rc?!* lol! Gusto ko lang silang itour. Pagdating namin sa Gerry's, order kami ng sisig.. at ang mga pogi.. iced tea na lang daw ang ioorder instead sa usapan na mag-sa-san mig lite kaming lahat. Pero siyempre, ang usapan ay usapan! Walang mag-i-iced tea ng gabing yon. :D We have a reason to celebrate.. di ba RC? Naka-2 akong san mig lite last night and grabe.. nag-iinit ang buong katawan and mukha ko. hahaha! siguro kung nag pangatlo pa ako, baka alas 3 na kami aalis sa Gerry's. Oh no.. no.. no.. Di ko na kayang uminom ng ganon kadami. We talked about what we have in common, ang pagiging kaliwete. Dyosme! kala ko kaming 2 lang ni Jeff ang kaliwete.. pati pala si Ymir. Pero inggit ako sa 2 yan.. they can eat with spoon on their right hand. Nakakahiya nga kasi 1 bottle lang yung dalawa, at ako pa ang mag-da-drive. 12 am saka lang kami nagdecide na magsipag-uwian na. Saka ko lang naramdaman yung pagod... siguro tinamaan na din nung nainom ko. Binaba ko si Jeff sa lrt, buendia. Tapos si papa ymir naman, habang tinatahak namin ang Roxas boulevard, eh di ako tinulugan. HTML at blog ba naman ang pag-usapan namin. Nakakahilo ang html.. siguro, lasing na din ako. Di ko alam kung nagets ko yung turo nya about images.. pero ita-try ko na lang later. (ay! isa lang pala yung pic namin ni b2 my dear.. di kasama si papa ymir).
While driving home, nagtext si Jeff na nakauwi na siya.. si rc na lang ang hinihintay kong magtext. Around 1:30 am, nagtext na si rc na nasa haus na din siya. That's good. We all went home safe. At ang shop ko na namiss ko din the whole day.. eh naabutan kong may customer. I went home with pasalubong with my boys.. Namiss ko ang mga baby ko.. Depensa?! Oh no my dear.. I have to sleep early kasi ako ang magbubukas ng shop para makapagpahinga naman sila. I slept around 2:30, nafeel kong pagod na pagod ako. Nagising ako around 9 am. Napanaginipan ko pa si Bullit kanina. Ay naku.. ayaw ko na munang magkwento tungkol don sa panaginip ko. Ayokong magpadala sa panaginip ko coz it's bad. I had a great time yesterday.. Gusto ko pang ifeel yung good things na nangyari kahapon.
13 hrs and 30 minutes kaming magkakasama.. Grabe! ang lupit ng mini-eb na toh!
ah.. nawala pala sa kwento ko. Nilibre kami ni b2.. pahabol sa bday nya. hehehe!
No comments:
Post a Comment