May 20, 2004

Uneasy

May nakachat ako kaninang "newbie" sa alimasag. I'm a bit confused... Is he for real or just one of those alternicks? The way he chat with me eh parang matagal na kaming magkakilala pero hinuhuli nya ako.. or naghuhulihan kaming dalawa. I was thinkin' awhile ago na si Bullit siya eh, parang at ease atsaka.. basta.. He's at Makati daw... 23... Hmmmmm......... Parang tumataas ang kilay ko. Naisip ko naman.. tulog pa si Bullit kasi anong oras na yon nakauwi kanina (uy! bakit ko daw alam! hahaha!) Ewan ko.. may sistema sa katawan ko na alam ko minsan yung ginagawa nya kaya pag bad mood ako.. isa lang ang ibig sabihin non! waaahhh!!! :(

back to him.. Natatawa lang ako sa kanya kasi tinitingnan nya yung profile ko sa alimasag.. pati pangalan nung avatar ko kilala nya. bwahahaha!! some people find it scary pero ako.. wala lang kasi ginagawa ko siguro yon. Di naman sa nang-uusyoso, siguro pag curious tayo sa isang tao or kausap.. gagawa tayo ng paraan para makilala siya di ba. Kahit glimpse lang ng pagkatao nya. Some people find it scary dahil feeling nila, nihahack na sila. hahaha! Paranoid.. Para sa kin, If someone will hack my account para makiusyo lang.. no big deal yon. Wag lang nyang papakialaman.. Ok lang basahin. :D

Di dapat ako mag-oonline ngayon.. hanggang bukas. Dapat talaga... Dapat nasa Laguna ako ngayon at nakikipagbinyagan. Lekat naman kasi tong technician ko. Inabot kami ng 5 am sa isang pc. Ewan ko ba.. pag masyadong matalino or maalam ang tao.. laging delayed ang gawa. Actually, magaling siya pagdating sa computer eh. Di ko lang maintindihan kung bakit nya pinapatagal ang installation. Kung tutuusin.. 3 games lang yung nainstall nya and pati na din yung OS ng pc. He started around 7pm and we're finished at 5 am. 10 fucking hours! and eto pa ha.. nasira pa yung isang cd rom ko. Nagpopcorn ba naman yung cd na sinalang. Oh my gulay.... Kelangan ko talagang pumunta sa gilmore para ipatingin yon. Oh siya.. sabihin nating may topak ang pc... pero bakit ganon siyang magtrabaho. Sinabi ko naman na may lakad ako ng 8 am at sa Laguna pa yon. Nakatulog na ako ng 6:30 am. Ganon pala talaga pag nalipasan ka na ng antok. (11 pm pa lang kasi eh antok na antok na ako), parang katulad din pag nalipasan ng gutom.. mawawalan ka ng gana. 11 am, ready to go na ulit ako.. pero dito na lang ako sa shop. Actually, pangit ang gising ko and bad mood din ako kanina. Parang nagising lang ang dugo ko nung nakausap ko yung "newbie"... kaya naisip kong magblog and alimasag na lang.

Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin.. baka daw iban ko siya pag nagpakilala siya. hahaha!!! para namang ako ang may-ari ng alimasag. As I said earlier.. ako'y isang hamak na tanod lang. Isang masungit na tanod, that's how I see myself.. masungit and mahigpit :( Pero pano na ang mga rules kung di masusunod? Pano na ang alimasag kung puro OT posts? Matutulad na lang sa ibang forums na walang kwenta. Minsan, I feel sad when some crabs criticize me for being like that.. Iniisip ko na lang, kilala naman ako ng mga true friends ko sa barrio.. and I think some crabs understand me coz I'm just doin my job. Para sa kin, di na job yon. It's a duty coz napamahal ang Alimasag sa kin.

2 comments:

Thess said...

Hindi ka na nakaalis?

| think you should consider finding a new technician OR lay dow your rules, beside you're the one paying for the work.

Joanne said...

Hindi na 'te.. ngarag ngarag nga ako ngayon eh. waahhh!!! I have no choice!! Wala akong makilalang matinong technician :(