Jun 29, 2004

I'm fillin' tayerd.....

1:30 pa lang, parang pagod na pagod na ako.
Siguro dahil ilang weeks na din na di kumpleto ang tulog ko.
Kung pangbawi sa mga 4 hrs na tulog ko nung mga nakaraang araw..
Naku! baka magbalanse pa ko.
Buti nilayasan na din ako ng ubo't sipon.. minsan, dinadalaw-dalaw ako.
Pero tinatapatan ko na agad ng ascorbic acid.

Medyo may naaninag na akong solusyon sa problema sa videocam.
Na-enlighten ako kahit papano sa advise ni Pogi. :)
Thanks Jeff! Mwah! ~~~ Yan ang di ko nasabi sa kanya kanina kasi na-lowbat ako.
Nung tinawagan ko ulit, nakatulog na ata ang nilukob ng ubo't sipon na si Pogi. :(
Kawawa naman, iba na ang boses kanina.
Parehas sila ni Ate Sups..
Nakokonsensya tuloy ako.. baka nahawa sila sa kin 2 weeks ago kasi ako ang malala non.

Medyo matao ngayon pero nakakasingit pa naman akong magblog. Pakonti-konti.. May mga bagong mukha na. Kahit wala pang signboard sa labas, medyo nakakatuwa ang spread of the mouth na advertisement. :)

Sana bago bumalik yung customer kong mag-ama eh nakaligo na sila.
Baka tumakbo yung mga customer ko pag naamoy ang pabango nila na napakasarap sa ilong, para ka na ding pumunta sa tambakan ng basura.
Wala ng tatalo pa sa baho nung 2 yon.
Kanina, kausap ko si Jeff sa ym... buti na lang di maayos ang webcam kundi.. makikita nya kung pano tumirintas ang noo ko habang katabi ko ang bata at di rin nya maririnig ang sinabi ko sa munting anghel na rumolyo ata sa pinaglinisan ng isda. (at habang tina-type ko to.. SPEAKING OF THE DEVIL! pumasok na ang bata without the erpats... at kakatapos ko lang makiusap na maligo muna siya at kinumbinsi sya na di tatakbo ang kontyuter ko. Sumunod naman. Hay salamat!).
No joke.. true story to.

Minsan ang pang-isang buwan kong pabango dito sa shop eh di na umaabot ng 2 linggo... at ang mga cologne at pabango ko, malapit na din akong bumili, minsan kasi wala silang kamalay-malay eh pinipisik ko ang pabango ko sa kanila para di naman ma-turn off ang papasok na customer.

Hay! Kalahati pa lang ang araw ko.. Pero feeling ko.. Pagod na pagod na ako! :(

at sa pang 3/4 ng araw ko, I received an unexpected --- errr.. expected call.. Hmmm.. Actually, I was expecting it last sat or sunday pa. It was a call from Jun. Routine na ata namin yon. I thought he'd received my email that's why he call, di pa pala. I haven't text him for a week kasi.. lam mo na.. napraning na naman ako. He asked me kung ba't di na daw ako nagtetext or tawag man lang.. Gusto ko man sabihin na nagkasakit na naman ako sa utak, eh di ko na tinuloy. Ayaw ko siyang bigyan ng problema pa. Bumili na naman si kumag ng BMW. hay! I'm happy for him, atleast kahit nacarnap yung honda nya eh nakabangon agad siya. :) Natutuwa ako sa kanya.. parang gusto ko tuloy siyang padalhan sa Hawaii ng libro ni Bob Ong.

Jun 28, 2004

Good morning!

Maganda ang gising ko...
I install my webcam... and here's a snap shop..

medyo nakangiti pa ako dyan kasi yan ang first pic taken from that crap.



masyadong madilim.. pano ko kaya aayusin ang brigtness nito..
pindot dito..
pindot doon..
wala pa ding nangyari..
mag-install kaya ako ng bagong ilaw dito sa shop.
hmmm...
inabot ako ng isang oras...
ang aga-aga.. Punyeta! sumakit ang ulo ko! :D




11:55 pm

Kakainstall lang namin kanina ng bagong ilaw dito sa shop.. para sa webcam..

eto ang result..



at dahil patawa si Bullit sa text nya.. about the bunot.. Naisip kong magpacute sa snapshot na to.. hehehe!

....ng dahil sa bunot!
....at nagpacute ako... :D




di ko lang maiconnect sa internet.. sana may makausap akong pogi dyan na makakatulong sa kin. :D

Jeff!! I need yer help!!

Jun 27, 2004

Too Tired...

Ewan ko ba.. Parang pagod na pagod ako today. Nagbukas na ako ng shop around 10 am. Parang gusto ko pang magbabad sa kama kaso di naman puede. Kala ko dati, pag nagkaron na ko ng sariling negosyo.. di na ako magkakayod marino tulad dati. Pero ganon din pala. Buti pa don sa business ni mama, puede akong di pumasok pag pagod na pagod talaga ako the whole day. Dito, ihi lang ang pahinga ko. (ay! may iba akong naaalala.. bwahaha!) Sana before wednesday, mapanood ko yung Chronicles of Riddick. As in magsasara ako ng 9:30! Pramis! (to myself)

Matuloy kaya sila friendly friends dito next week? Naku.. Magluluto talaga ako pag puede sila. :)
Syempre, konti lang ang maiinvite ko kasi di naman kami kasya sa munting dampa ko.

I had a great time last night. Nakakatuwa yung munting salo-salo namin ng mga friends ko. hay! pictures! sana bigyan nila ako. Oo! di ko pa kayang kantahin yung "Almost over you!". hehehe! Tama nga si Jeff sa sagot nya sa crabalita.. nagyayabang-yabangan lang ako. :(
Ngunit datapwat subalit... alam kong malalagpasan ko din ulit to. Kuntento na ako sa crush crush. Hanggang don na lang muna ko.

Nagswimming pa kami ng family ko sa laguna yesterday. Nagdrive ako back and forth... pero enjoy naman. Minsan lang naman kasi maglambing si mama na sumama ako. Nakakatuwa yung mga pamangkin ko habang nagsi-swimming.. pag tinitingnan ko si mama na nilalaro yung mga apo nya, naiisip ko.. sana magkaron na din ako ng little joanne na nagpapasaya kay mama. Wish me luck! Kelangan ko pa atang tumulay sa alambre bago mangyari yon o sumayaw kay Sta. Clara.
Oo nga naman.. bago magkaanak.. hahanapan ko muna sila ng tatay nila. hahaha! AS IN NILA.. dahil pangarap kong magkaron ng isang basketball at volleyball team, isama mo na din ang referee. lol!

Bakit ba ang sarap magcompose ng blog pag online? Puede ko namang gawin to sa notepad at isalin na lang dito pag online na.

Natatawa ako sa 2 customers ko. Actually mag-ama sila. Ang kwento nyan eh.. yung tatay, sinusundo ang anak dito sa shop last week dahil alas 9 na. Ang time ng anak nya bago matapos is 9:15. So, syemppre.. nahiya ang ama sa akin at nakinood sa anak. Kinabukasan, ganon ulit ang drama ng mag-ama. Nakinood na si tatay sa laro ng mga bata bago umuwi. The third day, at dahil naengganyo siya.. akala ko susunduin ang anak nya.. Umupo sa isang computer, maglalaro daw siya. Inextend pa ng 30 minutes yung laro ng anak nya at naglaro siya ng 1 hr. Kinabukasan.. mas maaga pa siyang dumating sa anak nya dito sa shop. Siguro kung susumahin ko yung oras ng laro nya.. Umaabot siya ng 3 hrs sa laro everyday (pero di tuloy-tuloy). Inumpisahan nya ng Counter strike, tapos Vice city naman, at ngayon.. naloloko siya sa Need for Speed. At ang anak, di na binibigyan ng pera (minsan na lang maglaro) kasi siya na ang naglalaro. Ngayon, di na siya ang nangsusundo. Siya na ang sinusundo ng asawa nya... kasama ang bunsong anak nya. Hahaha!

Naku! Yari ang Zoe.. nandito ang isang bf kanina. Nakaninong kandungan kaya ang bruha?! Tsk.. tsk.. Nakakaramdam ako ng bibisita within this week.

Gusto kong maligo! gusto kong magbabad sa tubig at magkuskos!! Kanina ko pa iniimagine ang sarili ko na nagsa-shower pero ala namang shower sa bahay. Kanina ko pa din inisip na ba't di kaya bumili ako ng outlet para sa shower. Ano nga bang tawag don? Magpalagay kaya ako non sa bahay para masarap ang paligo.

Hmmm... Good idea yan panget. Sige! Pag mayaman ka na. :D


Jun 25, 2004

Konting Topak Na Lang

Medyo nahihimasmasan na ako sa bullit-topak ko..
Ba't ko nga naman babalikan pa yung tapos na.
Ang wish ko lang para sa sarili ko.. mahanap niya ako. :D
Si "niya" na hindi ko alam kung kakilala ko na or makikilala ko pa lang. Pero kung ako ang hahanap.. nyak! baka magkamali na naman ako! I'll just leave it all to God. Siya lang ang nakakaalam non kung sino ba talaga pero sana wag na akong magkakamaling pumili ulit. Kakamali ko.. baka tumandang dalaga na ako... at mag-isa. :(
Ayokong tumandang nag-iisa.. Pramis!

Buti nandito kanina si Owen at nakapunta ako sa SM... at nakabili na rin ng pang-remembrance kay Ate. Ang daming magandang palabas! waaahhh!! Almost one month na kong di nakakapanood! :( Maybe, that's why I feel sick in the head. Sana before this week end, makapanood man lang ako kahit yung Volta man lang or yung Chronicles of Riddick.

Tawa ako ng tawa sa Bob Ong, yung "Ang paboritong Libro ni Hudas" pa lang ang nababasa ko. Though patawa talaga siya and medyo exaggerated yung ibang jokes, na-dig ko yung lalim nya. Mas lalo na don sa tinatanong nya yung kasama nya sa langit kung siya ba talaga ang diyos. Madami siyang sinabi.. tungkol sa connection ng bawat bagay sa mundo pati na sa galaxy. Pero ang tanong eh naniniwala ka ba na may diyos? Napaisip ulit ako na God is so great... di lang great.. amazing pa. God is so good. Yan ang napag-isip isip ko ngayon.

At ang barbero na multi-tasking na parang microsoft windows.. Hahaha!! tawa ako ng tawa dito. My day is great.. kahit konti lang ang customer.
I'm still thankful coz I'm alive and functioning well.

Magaling na ang sipon ko.. yihiii!! puede na naman akong umariba ng kanta. nyahaha!! kahapon, super bingengot ako. Kumpletong tulog lang pala ang katapat nito. :D
Kaso kawawa naman si pogi.. nahawaan ko ata last sat. :(

Losing some...

I have a good news. For the past few days that I undergo diet.. I lose 2 kilos na din. Salamat kay Batman! Naisip ko kanina.. kung nakalose na ako ng 2.. makakaya ko pa yung ilang milyong fats na ibuburn ko. hehehe! :D

Medyo mahina ang shop ngayon. Kaya medyo nadedepress din ako.

Lumabas kami ni Bullit yesterday, bday din nya. Actually, lahat ng bagay na ginagawa namin before.. nagawa namin sa buong maghapon. As usual, nainis na naman ako kasi napakabagal kumilos. Hay! Parang napakabigat ng gotli. Kung di lang nya bday.. baka sinimangutan ko na si panget. Sinamahan nya ako sa Gilmore tapos pumunta kami sa ghills and bumili ng mga bagong games sa pc. Pinuntahan ko din si papa sa stall nya pero di na sumama si panget kasi nahihiya kay papa. Ok lang.. Madami kaming kwentuhan. Umuwi muna kami sa haws nila tapos nagburn ng mga cd's. Wala naman siyang lakad kaya niyaya ko sa shop. Sandali lang kami dito,tapos pumunta na kami sa Baywalk. Lakad-lakad lang.. kwentuhan. Minsan natutulala ako. Andami ko kasing iniisip.. yung problema dito sa shop. Yung mga bagong games na kailangan iinstall.. yung mayor's permit.. Minsan, niyuyugyog na nya ako pag nakatulala ako. Naiinis naman ako kasi nasa momentum ako ng pag-iisip eh. Pag uwi, dumaan kami sa Kowloon sa Makati, bumili kami ng favorite siopao namin. Tapos kinain na lang namin sa tapat ng house nila. Tapos after that... hmmm.. sana di na lang natapos ang gabi.

Unknowingly, naa-update ko pala siya sa buhay ko through text. Nakakapagtext pa pala ako sa kanya. I was surprised coz he still knows everything about me. Napaka-dull nga naman kasi ng buhay ko.

Jun 22, 2004

Ayoko Na

One year na din pala nung mas magulo ang isip ko kesa ngayon.
Maybe, if he didn't let me go.. baka magkasama pa din kami.
Ngayon lang ako nanghinayang.
Last year, ang haba-haba ng buhok ko.
Who am I gonna choose? The one who loves me or the one I love?
Mas pinili ko yung mahal ko.
After 6 months, naghiwalay din kami.
That's life. Sometimes you have to gamble,
when you lose your card.. kelangan gandahan mo yung balasa mo para manalo ka next time.
What if napagod na ako kakabalasa? Ah.. ayoko na munang magsugal. Lagi akong talo. Tsk!

Tinawagan ko siya kanina, kinantahan ko pa ng happy bday.
Siguro magkikita kami non bukas.
I want to go back to the past..
Kung may part sa buhay ko na gusto kong ulit-ulitin eh yung inlove pa kami sa isa't isa.
I can still remember us last year, inside my car at nasa tapat lang ng bahay nila.
Kwentuhan lang ng kwentuhan.
He's advising me na ayusin namin ni Chris yung problema, balikan ko daw si Chris. Bakit ko babalikan yung taong nag-dump sa kin? Grabeng pride. Di ko ugali na ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa taong ayaw sa kin! Siguro, nararamdaman din ni Chris na magkakabalikan kami ni Bullit. Wala naman akong balak balikan si Bullit, kasi kung ako ang papipiliin, masaya na ako sa piling nya. Magulo lang ang isip ko non pero ang loyalty ko eh nasa kanya. Nung nakikipagbalikan si Chris, ayaw ko na... dahil masarap ang "pride chicken".. Pano nya ako naigive up ng ganon lang kadali.
After a month, nagkabalikan kami ni Bullit.

How could a good love goes wrong?
I miss him.
Oh my God, kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal.. lumalabas at lumalabas pa din kung ano ang totoo.

Puede palang mangyari yung mahal ko siya pero ayaw ko siyang makasama sa buhay.
Siguro, parehas ko lang ginagamit ang puso at utak ko ngayon.
Minsan nanaig ang puso.. minsan yung utak.
Natatakot lang siguro akong mag-isa.
Or namimiss ko lang yung may kasama ako... di lang kasama.. kaagapay sa hirap at ligaya.

Parang gusto kong bumalik ulit sa Bicol.
Baka pagbalik ko, bumalik din kami sa dati.
Sana di na lang ako nagbakasyon don nung November.
Simula ng pagbalik ko dito, don na naging magulo.
Baka kelangan ko ulit ng isang buwang bakasyon.
Baka don nya maisip yon pag wala na talaga ako.

Wala na siya.
Kelan ko kaya masasabi sa sarili ko na nakalagpas na ako sa trauma na to?
I'm giving up on love. Ayoko na.
Yan na ang pinaka-malaking pagbabago sa kin ngayon.

Jun 21, 2004

Crazy Monday

I don't know what I feel pero ang ganda ng umaga ko.. :)
May topak na naman ata ako.
Actually, there's really nothing to blog. Napapraning lang ako. hahaha!

Napanaginipan ko si Bullit kanina.. nagkabalikan kami, at ang first thought in the morning.. "bat bad trip ata ako pag-gising.. hay! buti.. alas 8 na." Ngayon ko lang narealize yung panaginip ko. hehehe!! It's Monday today!! Dapat maganda ang pasok ng week ko. :)

Sabi na eh.. kaya ayaw kong magblog kasi matatabunan na yung pic ng crush ko. Hay! Ganyan talaga. Malapit na din pala siyang umalis. Oh well.

I feel restless, andito na naman ako sa tapat ng computer.. 8 hrs ago, nandito din ako. Sana lalaki na lang to para eto na ang kasama ko for the rest of my life! hahaha!! Hopeless case na ako.

First day of school dyan sa tapat ko. Hay! sana naman masilayan man lang ang kagandahan ko para may customer naman ako.
Matraffic na naman dito sa min, Hay! Actually, di naman nakatulong yang Skyway na yan. Ang mahal-mahal ng toll. Puede mo ng pang-brunch and dinner yun sa Jollibee kung balikan ka don everyday.

Ang wish ko lang today.. Sana bumalik si Chim, ang bagong assistant ko dito sa shop. Pag di na siya bumalik.. Naku! Kelangang kong gumawa ng paraan para makalakwatsa :( Mga 3-4 lakwatsa, I just want to spend some time with Ate Suplada at makalakwatsa kami kung saan-saan. :) Siguro, papakiusapan ko na lang si Owen pag di bumalik si Chim. Feeling ko kasi eh di nya kakayanin dito sa shop, though di ganon kahirap ang trabaho dito.. yung interest nya sa computer eh wala. I am observing him yesterday, di siya mahilig sa games. Ako na nga ang nakikipaglaro ng Counter sa mga bata. At ginagawa nila akong adbot kasi di naman talaga ako magaling dyan.


For 1 week without any assistant in my shop, I found out na kaya ko naman pala. It just affects my social life at ang bisyo kong lakwatsa. Maybe, I'm over with the disappointment thingy with the 2 boys. Actually, I miss them already. I saw Kim yesterday, ayon.. tambay-tambay lang siya. Parang namiss ko naman siya.. si Jason din pero sayang.. wala na yung trust ko kay Jason. Hay! That's life.. people come and go. Sometimes they stay for awhile.. some are for lifetime (though medyo mahirap hanapin yung lifetime).. But still, I'm thankful that I meet them coz I learned something in life from them.

What I learned last week...

Don't be too mabait ~~ kahit anong bait ng mga yan, maii-spoiled sila.

Call my father on the fon yesterday and greeted him... Hay! I want to spend the day with him or visit him man lang sana sa Greenhills. Gusto ko sana siyang makasama kahit sandali lang.

When he got back from Mindanao, 4 years ago.. Mas lalo kaming naging bonded ni papa. Siguro, nung bata pa kami.. di siya ganon ka-showy sa feelings nya, ngayon.. iba na siya. Nakakatuwa nung matuto siyang mag-text 2 years ago.. Mom, ko kasi.. until now eh takot gumamit ng celfone. Everytime we text, before the conversation ended, sa dulo non.. may I love you. Sometimes, he'll just text me "hi! anong ginagawa mo? I love you. I miss you" Daddy's gurl! Sweet naman si papa.. natatawa na lang si Mama pag sinasabi ko sa kanya yung message ni papa. Nung dumating siya from Mindanao last week, dumiretso muna kami sa haws ko. Nilutuan pa ako ng dala nyang alimasag. Hindi ipinagalaw ni mama sa mga tauhan namin yung crabs kasi alam nyang luto yon ni Papa.. Minsan lang yon kaya dapat kaming magkakapatid lang ang kakain. :)

Namiss ko tuloy yung sinigang ni Papa, malapot ang sabaw na tama lang ang asim and alat... atsaka yung fried chicken na iniinjection sa loob yung patis and kalamansi para di malansa. Magaling kasing magluto si Papa, pang-kusina talaga. Di naman nakakapagtaka kasi ang lalaki naming magkakapatid, si bunso lang ang sexy. Nagugutom tuloy ako.

Jun 20, 2004

La lang...

I love this songs...


Fra Lippo Lippi - Later

how could you come with me when you knew all along that you had to go... how could you you watch me sleep so close to you, pretending not to know. how could you memorize my name and forget who i am. How could you think you're still the same believing i can.

it's too late to stop pretending
it's too late for a new beginning
later than the sunset
later that the rain
later than ever to love you again

how could you ask for more with an innocent smile, trusting me to stay. how could you close the door and leave me here supposing im ok. how could you break down my disguise and uncover my fears. how could you look into my eyes ignoring my tears.

You don't know me ~ My Bestfriend's Wedding

You give your hand to me and then you say hello. And I can hardly speak, my heart is beating so and anyone can tell... you think you know me well but you don't know me.

No... you don't know the one, who dreams of you at night and longs to kiss your lips, longs to hold you tight. To you I am just a friend that's all I've ever been... Cause you don't know me.

For I never knew the art of making love. Though my heart aches with love for you. Afraid and shy I let my chance go by. The chance that you might love me too

You give your hand to me and then you say goodbye. I watch you walk away beside the lucky guy. To you will never know, the one who loves you so....Well you don't know me

---

loved this song.. but definitely not my song.. and never will be. ;)
I don't give up on love that easily.

Mary Chapin Carpenter -- I'll Never Fall In Love Again

What do you get when you fall in love?
A guy with a pin to burst your bubble
That's what you get for all your trouble.
I'll never fall in love again.
I'll never fall in love again.

What do you get when you kiss a guy?
You get enough germs to catch pneumonia.
After you do, he'll never phone you.
I'll never fall in love again.
I'll never fall in love again.

Don't tell me what is all about,
'Cause I've been there and I'm glad I'm out,
Out of those chains, those chains that bind you
That is why I'm here to remind you

What do you get when you fall in love?
You get enough tears to fill an ocean
That's what you get for your devotion.
I'll never fall in love again.
I'll never fall in love again.

What do you get when you fall in love?
You only get lies and pain and sorrow.
So, for at least until tomorrow,
I'll never fall in love again!
I'll never fall in love again!



nakakarelate ako sa kanta pero di don sa I'll never fall in love again... hahaha!!

Jun 19, 2004

Ms. Snob for Real

Ms. Snob, yan ang tawag ko sa kanya at first interaction with her at Alimasag. At dahil parehas kaming maldita at tsismosa.. we get along well. Bwahaha!! At first, I was praying na sana hindi alternick tong Ms. Snob na to kasi masu-super disappoint ako. I was thinking before na baka sila Kikay, Mak, Monamon, or Istariray siya.

I was at Bicol recuperating on my recent break up kuno with Bullit when she signed up at Alimasag.. one month ako don kaya pagbalik ko.. abah! may nagrereyna-reynahan sa Tiki room! aba't sino ba tong suplada_minsan na to. Pati ako nacurious. My first interaction with her is at Tally sheet thread at Tiki.. I got curious kasi yung isa taga Singapore tapos siya, taga Netherlands.. Ganon na pala kalayo ang inaabot ng barrio :) It all started there, sa simpleng tanong na at taga-saan ka naman suplada_minsan?.. hanggang sa nauwi sa pm.. hanggang sa natututo na din akong mag-ym. Kaya kung may sisisihin ako kung bakit ako natutong magym eh siya ang dahilan! :D
pis ate.. mwah! Grabe.. taon na din pala ang inabot ng pagbobolahan namin. hahaha!!!

Pag naiisip ko yung isang taon, parang feeling ko matagal na kaming magkakilala. I remember last year crying on her because of Bullit, crying on her again because Chris broke up with me.. and cry on her when I saw my relationship with Bullit was going nowhere again. Siguro nga, kung magkasama kami.. baka ilang beses na akong binatukan ni ate. Pero napuna ko lang.. di naman kaya siya ang malas sa lovelife ko? bwahaha!! oist! hindi ha! binigyan nya nga ako ng inspiration eh! hahaha!! Chika!!

Ang dami na din pala naming pinagsamahan.. ang dami na din pala naming pinagtsismisan.. hehehe! Hindi naman kasi mahirap makapalagayan ang Suplada, nakakatawa nga kasi akala namin dati eh friend siya ng ate ni Bullit.. but it's not because of that kaya kami naging super close.. Siguro, nakita ko lang sa kanya yung hinahanap ko.. yung alaga ng isang ate na hindi ako nagkaron kahit kelan. (mahirap maging panganay) Ewan ko lang kung ano ang nakita sa kin ng Suplading at nahumaling din sa kin.. bwahaha!! Siguro sa sobrang gigil sa akin eh napamahal na ako sa kanya. hehehe!


Back to suplada_kunyari.. When I saw her yesterday, parang di ako makapaniwala. Siya na ba talaga to? I hug her.. kahit sa leeg lang kasi nanlalagkit ako sa pawis dahil medyo malayo ang nilakad namin ni Jeff at hindi ako pumayag na hindi ko siya katabi!! Selos ako! bwahaha!!! Possessive sisterlet!

*Gusto ko lang sigurong bumawi. I was disappointed last week pa kasi dapat pagdating pa lang nya eh magkasama na kami kaso nagkaron ako ng malaking problema dito sa shop kaya di ako makaalis. Wala na lahat ng mga boys. As I have said last nyt to Jeff.. madami akong plans na lakwatsa. It's up to him kung makakasama siya pero gusto kong ilabas si Ate para di maaburido at di mamiss si Kuya Bait.*

Ayon, magkatabi kaming kumain.. picture dito.. picture doon.. Naalibadbaran na ata yung mga tao don sa resto kasi panay ang litrato namin.. at panay ang hingi ng pandan iced tea nila.. Pero promise! bad trip ako sa nagseserve sa min. Ayon, kanya-kanya kaming pasalubong. Ang bait naman ni Ate Suplada, lahat kami meron :)
After don sa Oodys, nag red.. ano nga pala yon? basta, nagvideoke kami. Masaya naman.. di ako makakanta ng maayos kasi masakit na ang lalamunan ko. Yan ang withdrawal symptom ng di pagyoyosi. Sana tuloy-tuloy na tong pagmamahal ko sa sarili ko ;) Iniwan ko muna ang Suplading at nakipagkwentuhan kay rc hanggang sa kakwentuhan ko na din si jeff tapos lumipat si rc sa tabi ni Ate. It was a wonderful night. I had 2 San Mig lite.. That's why it's wonderful! hahaha!! Joke lang. Basta.. Wonderful siya. :)

this is my horoscope yesterday.
Quickie:
The fog is going to dissipate. The brightness of the illusion will recede. Stay put.

Overview:
You're the happy recipient of hugs, love notes and tender embraces -- when you least expect them. Bring it on! Revel in it. It's your turn.


totoo kaya to?

Natutuwa naman ako kay Rye, panay ang yakap sa kin... parang feeling ko tuloy eh stuffed toy ako. hihihi! nakakatuwa yung environment kagabi. Wala ng ilang-ilang.. basta ako, di ako naka-feel na naiilang kasi comfortable ako with them. Iba-iba kasi ng kwentuhan eh.. nakakatuwa. Kaso sayang yung joke ko kay Daeng.. di kumagat na ako si rei. bwahaha!! Ay! naalala ko yung food ni Jeff, ang anghang! at san ka ba naman makakakita ng california maki sa thai resto no? hehehe! kamukha lang pala. :D and for the first time!! hindi pinag-usapan ang alimasag!! :) ay.. namiss ko din pala si Jeff, buti nandon siya... pati si ymir buti humabol.

Nung pauwi na kami.. saka lang nagsi-sink in na si Ate Thess na nga to.. ang nagsasabi na pango siya pero hindi naman. Ilusyonadang pango! hahaha!! Sige! makikiride na lang ako na dapat nakatagilid siya pag magpapapicture! Idinaan ko na si Ate sa haws nya (ayan.. puede na raid-in.. :) tapos si Jeff and RC eh sa kanto na lang nila.

my horoscope for today...

Quickie:
You are dreaming of a career in the arts. And someone else is dreaming about you.

Overview:
Nobody falls in love -- or stays in love -- like you. That said, better be on guard, because today could be the day you -- or they -- stop flirting and start planning.



Oh siya.. tama na ang ilusyon.. back to topic na ako!

I was talking to her kanina. Actually, morning pa lang eh telebabad na kami. Nakalimutan ko lang tumawag ulit kasi naadik ako sa Casino na bigay nya sa kin. Ayon, afternoon.. I call her again.. and eto ulit gabi bago ako magblog. Sobra naman! talo pa namin ang maglovebirds! Narealize ko lang kanina na para kaming mga teenager na telebabad... ganyan kasi kami non nung bestfriend ko.. walang tigil ang kwentuhan sa telepono kahit kakakita lang kanina.

She's one of my best and trusted friend.. Hindi matatawaran ang pinagsamahan namin nyan kahit virtual lang.. mas lalo na ngayon nagkita na kami. I'm looking forward to meet her again sometime this week... siguro dadalas-dalasan ko kasi may kasama na din ako dito sa shop. Gusto kong sulitin yung time habang nandito pa siya. :)


----

OT

Received a call from Jun 2 days ago.. next year na daw siya babalik dito sa Pinas. Well, medyo nakakatuwa yung entrada nya na "I call you because I miss you so much" kahit istorbo siya sa maganda kong panaginip. Oh siya.. sige na nga.. namiss din kita. hehehe! Sayang, nalowbat lang ako. At dahil natuwa ako, I emailed him my recent pics.

Kanina namin, si Bullit nangungulit na pumunta daw kami ng sister ko sa Libis kasi may concert. Mag-eenjoy daw kami, feel ko nga kasi maingay don sa background nya eh. Nakakatuwa din siya kasi naalala pa nya kami.. kami ha, hindi lang ako. Well, atleast he's still there. Honestly, ako na lang naman ang umiiwas eh. Siguro pag nakapagmove on na talaga ko saka ko siya yayayain.


Nga pala...

Thankful ako kay Jeff kasi pinapark nya ako don sa office nila.. kung sa G4 pa ako nagpark, medyo malaking hassle and malamang masyado akong nagwoworry non kung dun ako nagpark. Hay! I'm glad he offer it to me.. medyo dyahe pa nga ako nung una atsaka tinotopak pa ako kasi 2x na akong umiikot sa greenbelt at di ako makahanap ng parking. Yan ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat kaya di ako mahilig gumimik sa mga bars mas lalo na kung alam kong mahirap magpark! Sungit! Di na ako masyadong magkukwento about the eb kasi nasa blog na nilang lahat. hahaha! pero magagaling silang lahat! mas lalo na si papa jeff! hay! kaka-inlove! bow ako sa pagka-kikoy ni Jethro. hahaha!! I'm glad, at ease na siya sa company namin. :)

Jun 13, 2004

Unexpected visitor

As usual, nagising na naman ako nung may nagtext sa kin.. it was already 10 in the morning.. ibang # pero alam ko na agad kung sino. It was Bullit, nasa tapat ng bahay namin. Galing daw sila ng mga friends nya sa Tagaytay tapos don sila drinop malapit sa amin kaya pumunta na lang siya dito sa bahay. Nasa isip ko, baka makikitulog.. Hala! dali-dali kong inayos ang kama, pati yung kaha nung yosi na matagal ng nasa sahig, naitapon ko tuloy. Ok lang.. kumbaga sa pagkain, panis na yon.

Pagdating ko sa shop, nakikipag-usap siya sa labas namin.. Siguro, namiss din nila si panget... Ayon, kwento siya ng adventure nila sa Tagaytay tapos nagpunta din daw sila the other day sa Intramuros.. Nakakatuwa din, parang kelan hindi ko siya kilala. Pakiramdam ko, wala na siya sa buhay ko. Tapos eto na naman siya, kasama ko.. katawanan ko.
Puyat na puyat si papa.. sabi ko nga ihahatid ko na lang siya sa kanila kasi nakakaawa yung itsura, sabi nya.. wag na lang daw kasi kaya siya pumunta dito eh para dalawin ako.. Di pagsilbihan siya. Natuwa naman ako. Medyo mapurol ata ang sungay ngayon ni panget. :D

Naglunch kami sa kila Tin tapos kwentuhan ulit ng problema dito sa shop. Hanggang sa pinilit ko na siya na idadaan ko na siya sa bahay kasi mukha na siyang plastado. Ayoko naman sa bahay ko kasi mahirap na.. Ayaw man nya kasi dadaanan naman daw siya ng friend nya dito eh pinilit ko pa din.. Di reasonable ang oras.. Habang on the way, kwentuhan kami tungkol sa Pugad baboy.. tawa kami ng tawa sa mga jokes ni pm. Die hard fan talaga. Napagkwentuhan ulit namin si Jun, ewan ko ba don kung bat gusto nya yon kesa kay Chris... samantalang ako.. wala akong gusto ni isa sa kanila. hahaha!! Dumaan kami sa Mc do tapos binilhan nya ako ng meryenda.. :) I appreciate yung pupukpukin nya ako kasi wala akong vitamins na iniinom, kahit ascorbic lang.. Kaya pag-uwi ko, bumili agad ako ng ascorbic at vit. e. Namiss ko yon.. yung kasama ko siya sa sasakyan.. yung kwentuhan na walang patid kahit abutin pa kami ng sikat ng araw. Namiss ko din yung kinakagat nya ako sa braso.. pati yung kinikiliti nya ako na halos magkanda-untog untog ako kakaiwas. Namiss ko yung company nya.

Dati, pag nabubwisit ako sa kanya at gusto kong makipagbreak.. ang rason lagi sa isip ko eh "siguro, mas maganda pa na maging magkaibigan na lang tayo.. masarap ka kasing maging bestfriend kesa maging boyfriend".. parang tama ata yung iniisip ko dati. Natatakot lang ako sa consequence dahil mahal na mahal ko siya at parang di ko ata kaya na makita siya na may kasama siyang iba.

Hay! si Bullit na namang kinukwento ko. 4 months na Jo.. move on.
Actually, I'm moving on kahit nandyan siya. Sayang yung pinagsamahan namin ng ilang taon na kahit friendship di kayang isalba. Siguro, di ko na masyadong mafeel yung pain kasi natanggap ko na sa sarili ko na tapos na ako sa chapter na yon. It's not all because of Bullit kung bakit ayaw ko na munang makipag-relasyon. Siguro, ayaw ko lang talaga muna.
Masaya naman eh.. I can be as praning as I can be..

Me and Bullit


it was taken yesterday..

Pictures! Pictures!

EB.. June 10, 2004

standing l-r
Acidburn, Mokong, Devil's Advocate, orthej, Neo, Tinik, and Giray
seating l-r
bgurl, utoyski, lucci, rye, skye, and wabi



EB.. May 28, 2004

joebruin, neo, giray, lucci, segova (standing), bengski, and DA



joebruin, neo, giray, lucci, bengski, segova (standing), and me



My babies...

Achilles... on his favorite position



Schat... sleeping in my arms



masyadong bright yung picture kaya di lumabas yung color ni Achilles.

Bangag na naman si schat..



nag-aamok si schat :D
naistorbo sa gising..








Jun 11, 2004

Mixed Up

Hay salamat! Nakaraos din ang gimik sa Alimasag, at nameet din nila si Tinik. Nakakatawa lang kasi akala ko alam ko yung location nung Superbowl, nawala-wala pa kami ni Tinik kakahanap. Yun pala, nasa kasuluk-sulukan siya ng G4. Aba... ngayon ko lang nalaman na meron pala non. Finally, nameet ko din sila.. Natutuwa ako kay kuya DA, kasi kahit di na siya active, isang text lang eh andyan na. Lumabas ang pakwela ni Garry.. sobrang komedyante! Sino ba yung may pic nya na minomodel nya yung mango monggo pudding? Grabe! tawa ako ng tawa sa kanya. Si Tinik naman.. sobrang kikay.. natatawa ako sa candid pic. Sana makahingi ako nung mga pics nila sa celfone. Si neo nga, ininggit pa si Jeff. hehehe! Siguro mga 6:30 pa lang, nandon na sila Ivy and Lucci, mga 7 na kami dumating. Pagkahatid ko kay Tinik sa Superbowl, pinuntahan ko naman si Jethro sa Burger King. Nung nakumpleto na kami, kanya-kanyang kwentuhan na.. Hanggang sa nagkaron ng hotseat.. tama ba namang igrill ang isa't isa sa lovelife! hahaha! Oh siya! mahal ko na siya! bwahaha!!! para matapos lang ang tanong tungkol kay Bombero. I'm grateful at di nila tinanong si Bullit. :D
Ang pinaka-nakakatawang sagot para sa kin, yung kay Giray.. Ang morocco.. bow! It's nice to see Tinik again.. di pa din siya nagbabago. I never had a dull moment with her. When we're on our way to Makati.. walang tigil sa kwentuhan.. puro update ng mga buhay-buhay. Minsan ko lang naman kasi siya makausap.. pero pag kausap ko siya, parang ang feeling ko, lahat puede kong sabihin sa kanya. She can keep secrets from me, as I am to her.

Crabelles and Crablets


Giray, oh his famous mango monggo pudding


bagay syang model ng pudding di ba? ;)


kinopya ko lang yung mga pics from rye.. thanks rye! :)




Namental Block na naman ako.. at may bago akong tagabasa.. si Tinik.. Nakalimutan kong magdala ng salamin.. naiilang naman akong magcontacts.

Around 10 pm.. adjourn na kami sa Superbowl. After that, nag starbucks na lang kami. Medyo nalugas na yung group kasi yung iba may pasok pa. Kami na lang nila Utoyski, tinik, DA, Mokong, Neo, Wabi, and Jethro ang nagkape. Kontin kwentuhan na lang, 11pm... umuwi na din kami kasi tong si Tiniksi eh may kameeting pa.

Yung mga friends ko naman, tumawag sa kin and nagyaya ng gimik kaya sumunod na lang ako sa Starbucks (din!). We decided na mag-Malate, bumagsak kami sa Tia Maria's. Ok lang yung crowd.. Holy pwet! naka 3 1/2 beer ako. Nakaya ko pa namang magdrive pauwi.. Gustong gusto ko lang makauwi at parang hinihila na ako ng kama ko. Praning din tong mga gurls eh.. Walang ibang topic kundi ang sex life nila.. Hay! as if meron ako! Sige.. kinig lang.. usually pag ganyan ang usapan, nakikinig lang ako. Konting pangbu-bwisit.. konting kantyaw.. Basta, di ako nagshe-share. hahaha!! No way! >:(

Kung di natanong si Bullit sa gimik with the alimasag people.. ang topic naman namin eh ang present relationship namin ni Bullit. Kasama na din ang lovelife ko... Hay! Ano ba naman ang ikukwento ko sa kanila kundi constant textmate lang kami ni bullit.. at ang lovelife... Next please. Ba't daw kasi ayaw kong tumingin sa iba. Ang sagot eh... "Tumitingin naman ako sa iba, pero yung tinitingnan ko.. sa iba nakatingin" :D hehehe! Why should I hurry in love anyway? Sangdamakmak daw yung cute sa Tia maria's... pati waiter pinatos pa! hehehe! di ko pansin.. enjoy na ako don sa katapat kong bote ng san mig lite at sisig.

Madami akong iniisip that night.. don nagsisink in yung pagkawala ng half sister ko last week. I called my father last week coz it's his bday (May 31).. ang saya pa namin non kasi nagpupustahan kami kung ano yung magiging anak nya, kasi pag babae.. talo ako. Excited din kasi ako. Iniisip ko kasi na eto na yung bagong family ni Papa.. sana ngayon, maging successful siya dito. Yung ganong feeling na masaya ka para sa kanya kasi nakikita mo na after 20 years eh makakapag-ayos na siya ng bagong buhay with his new family. Nagtataka lang ako last week kasi di man lang nagparamdam si Papa sa text, naisip ko na lang na baka busy sila kasi nakapanganak na. I never heard from him until yesterday na nagpapasundo siya sa airport. Syempre, ang unang tanong ko sa kanya eh kung kamusta na yung baby.. Mainit ang ulo ni father. Sa bahay na lang daw kami nag-usap. May pumasok sa isip ko na baka di pa nanganganak or the worst is... patay ang bata. Di ko na siya kinulit masyado. Pagdating dito sa bahay, inayos lang nya yung sugpo and crabs na pasalubong nya, nilutuan pa nga ako nung dala-dala nya tapos nagpahatid na siya sa Mandaluyong. Natatawa lang ako don sa moment na si Mama eh pumasok sa bahay ko tapos nandon din si papa. Naghahanap ng mayonnaise ang madir.. ano ba naman ang gagawin ng mayonaise na isang tao at ilang multo ang nakatira! hehehe! Nagpapacute ang madir kay father.. While on our way to Mandaluyong, don na nya sinabi sa kin yung nangyari. I can feel the sadness on his voice.. Yung disappointment na nalate lang ng ilang oras sa paglabas yung baby tapos nakakain ng dumi nya habang nasa loob pa ng tiyan ng nanay nya. Itim na itim na daw yung daliri nung bata nung nailabas. After 12 hrs, namatay na din si Lea.. her name. Ilang oras lang nalate! 9 months mo siyang hinintay, inalagaan.. tapos ganon lang. Di ko makalimutan yung sinabi ni papa. Sobrang painful para sa kanila.. Next month na lang daw siguro susunod si Tita dito sa Manila. Kaya daw agad umuwi si papa kasi araw araw na lang daw silang nag-iiyakan. I feel sad for my father.. syempre, sa kapatid ko din. Kahit half lang, galing pa din yon sa tatay ko. Maybe, may iba pang plan si God para sa kanila.. pero sana malagpasan nila tong pagsubok na dumating sa buhay nila. Sana makarecover agad sila.

Medyo disappointed din ako sa mga boys. Di na pumasok yung isa kanina.. lagas na kami. 2 na lang kami ni Kim dito sa shop. May nadiskubre kasi ako kagabi eh.. nung wala ako. Kaya pala ang laki ng bill namin sa kuryente. Pag wala pala ako, yung mga kaibigan nung isa sa mga boys eh libre sa laro. Minsan kasi nakikisama na lang ako sa kanila na kahit wala ng tao sa gabi eh hinahayaan ko lang sila na maglaro kahit abutin kami ng madaling araw (yung 3 boys ko lang). Lately, lagi akong wala sa shop.. siguro, ganon na nga ang nangyayari. Actually, di ko na siya kinompronta. Di ko lang kinakausap kanina kasi gusto ko, kung kakausapin ko sila eh sa closing time na para walang mapapahiya sa harap ng customer. Di na siguro siya nakatiis kasi guilty siya at alam nyang nakarating na sa kin yung ginawa nya.. di na siya pumasok. Nalulungkot ako kasi may pinagsamahan din naman kami ng mga bata na to. Di ko na din naman sila tinuturing na iba. Pero bakit may ganong mga tao? Umaabuso pag pinakitaan mo ng maganda. Minsan, naiinis ako pag dumadating sya dito sa shop.. late na nga siya tapos ang harap agad nya eh yung computer. Ano bang iniisip nya? Palaruan tong shop ko? Kinuha ko siya para magtrabaho.. di para maglaro. Kaya minsan, di ko na lang siya pinapansin. Hinihintay ko yung timing.. siguro eto na nga kasi si Tin pa yung nagsalita sa kanya kung ganon siya ka-iresponsable. Natatakot din ako sa sarili ko, natatakot ako sa galit ko. Baka kasi pag ako ang nagsalita sa kanya, isumpa nya na nakilala nya ako.

Hay buhay! parang life... Ganyan talaga. Charge to experience ulit.

Jun 10, 2004

Ouch!

Woke up at the message tone of my celfone... si Bullit, nagtext na naman. As usual, ang opening text namin na "panget!", pag nagreply ng panget ka din.. simula na naman ng mahabang textan to.. Ganon na nga ang nangyari, he asked me kung nakakuha na ako ng birth certificate. What's with birth certificate at matagal na akong kinukulit nito na kumuha kami. Hay! Dahil sa dami ng activities ko 'till next week, I turned down his invitation. At the afternoon, habang nagpapa-check up kami ng sister ko para sa brace ng ngipin namin, nagtext ulit siya ng "panget"... Day off ata si kumag. Sabi ko "panget ka ulit.. bakit?"
Wala naman daw.. pinakikinggan daw nya yung missin you ng case, mix something ng ibang singer.. gusto daw nya yon.. Alam ko, dyosme.. yan pa nga yung kanta natin nung nasa London ka di ba? Nakakarelate daw siyang masyado. Bakit di kaya sa atoys mo sabihin yan para kiligin naman siya? Ayon, umiikot-ikot na yung kwentuhan namin sa text, na nagbago na daw siya ngayon, naiisip na din daw nya yung magsettle down. Ouch! for sure nag-iisip na yon na magpapakasal sila nung babaeng ahas. Keber! Bahala siya sa buhay nya.. at kung ano-anong plano nya.. Ang nasagot ko lang sa kanya.. "buti ngayon, naiisip mo na yan". Wala namang halong pang-iinis or pang insulto sa kanya, pero buti narealize na nya yon and sana seryoso siya don sa sinabi nya about his plans. Wish ko lang sa kanya, sana nga matupad lahat yon para di naman kawawa yung babaeng papakasalan nya. Hanggang sa kumakain na kami ng sister and brother in law to be.. text pa din kami. Aba! Mahaba to! Nairita lang ako sa sinabi nya sa kin about my mom.. yung di daw ako binigyan ni mama ng support when I was looking for a job last January.. what does he expect para sa mama ko? Lahat ng gusto ko, isusubo sa akin? Although I know, she doesn't want me na magtrabaho sa iba.. naiintindihan ko yon. And he's right, madaming plan si Mama para sa kin kahit di nya sinasabi, why should I ask my mom kung anong gusto nya para sa kin eh buhay ko to. For so long, I want to be independent.. at matagal ko ng nakuha ko na yon since college, kung siya nga ayaw nyang pinapakialaman siya sa diskarte nya sa buhay.. ako pa! Ewan ko.. basta, iba ang takbo siguro ng utak ko. Wala siyang "K" na i-question ang Mama ko para sa ganyang bagay, dahil walang magulang ang hindi nag-iisip ng para sa ikabubuti ng anak nila.

Sobrang damage tong nangyari sa buhay ko. Alam ko bumabangon ako.. pero napakalaki ng epekto nito sa outlook ko sa buhay. Minsan, pag naaalala ko si Bullit, nalulungkot ako. Kung bakit ganon yung nangyari sa amin, binalikan ba nya ako dahil mahal nya ako or ano ba yung intensyon nya. Siguro nagpadala lang talaga ako sa tamis ng dila nya. Siguro, minahal din nya ako pero may katapusan din naman ang lahat di ba. Kahit yung mga bagay na ayaw mong matapos. Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko.. para akong nagdadalaga, kinikilig sa mga crushes... pero andon yung trauma. Hindi ko alam kung hanggang kelan pero alam kong tinutulungan ako ni God para makasurvive.

Minsan, tinatanong ko ang sarili ko.. ang pagmamahal ba eh may katapusan din? I thought love lasts forever. Still naive 'til now. :(

While eating, panay ang kwentuhan din namin ng sister ko. Bonding kami, ilang taon din akong naging absentee sister sa kanya. Sabi ko nga, nawalan ako ng time sa lahat kundi para kay Bullit lang. Natutuwa ako ngayon, kasi this past 2 years pag nalabas kami nyan eh siya na ang nagbabayad ng bill.. parang wala akong pera sa mga nakalipas na taon... laging naka-save sa kung ano-ano. As I recall, may isang xmas na wala man lang akong regalong naibigay sa mga inaanak and family ko. Though I have job, masasabi ko na walang wala talaga ako for the past 2 years. Ngayon ako bumabawi sa kapatid ko.. Ewan ko, kahit topakin yang si bunso, mahal na mahal ko yan. hehehe! Lagi kong sinasabi sa sarili ko, kaisa-isa kong kapatid na babae yan kaya dapat kong syang alagaan. Hay!

Medyo may hangover pa ako ng kapraningan ko kahapon.. super hyper ako sa lahat ng bagay.. Pati katakawan ko! ay! pano ba naman ako makakapag diet nito? :(

Lately, panay ang panaginip ko na may bf na daw ako. Siguro, the whole week, yon lang ang panaginip ko. Hmm... Am I longing for a companion na ba? Siguro... Parang nasanay na akong may kasama. Pero parang ayaw ko pa. Ngayon pa lang ako nag-eenjoy.

Alam ko may magtatanong, pano kung dumating na siya? Kaya naman siguro nyang maghintay di ba? :)

Nga pala.. I haven't smoke for 1 1/2 week na din pala.. Hahaha!! Ang galing! :D

Jun 8, 2004

Inlababo kunyari...

I feel praning tonight.. and I wonder why oh why!!!! bwahaha!! punong-puno ng kalokohan tong isip ko. hay! nangangawit na ang mukha ko kakangiti.. sabi nila pag ngiti daw ng ngiti.. inlab. ABABABABA!!!! ABA'T KANINO? HAHAHA!!! Secret!! mwahahaha!!! I'm inlove with someone whom the whole world doesn't expect! Aba'y bakit? Gwapito naman siya ah?! hihihi!! Kilig to the maxx. I saw a picture of us.. syet! katabi ko pa siya! hahaha!! oh my gulay! ang ganda ng ngiti ko don. hehehe! Pero pramis! walang halong pagnanasa yon. I just like him. Yon lang! Sabi ko nga kay bombi, puede ba yung mainlove ka pero hindi ka inlove? Infatuation lang daw.. sabay hirit siya na.. nagdadalaga ako. hahaha!!! Nagmumurang kamatis!!

May iba din akong gusto pero ayokong iprioritize, may masasayang kasi. Atleast yung isa, wala siyang kamuwang-muwang na ngitian lang nya ako, laglag pati panty ko. hahaha!!

natatawa tuloy ako sa sarili ko.. bukas bubusangot na naman ako... malamang!

Actually, wala akong balak magblog.. walang kakwenta-kwenta tong nangyayari sa kin eh.. routine lang. Gigising ng lunch time, magagalit sa mga boys.. mamaya lalambingin naman sila, dadalawin ang mga anak ko, magpapa-amoy aso kakayakap sa kanila, magsisira ng ayos na pc, manonood ng tv, magchachat.. hihintayin ang schat ko, mag-aalimasag, post dito, post doon, kakausapin siya, makikiusyoso ng blog ng may blog.. mapuputol kasi may gagamit ng pc.. nood uli ng tv.. laro sa pc... hay! ganon na lang palagi. Wala ng thrill. Di na din ako nati-thrill pag nasisira ang pc. Hay! ganon lang ang buhay ko.

---

katext ko pala si bullit kanina, eto na naman ako. may hinahanap kasi ako sa dati eh.. yung feeling na kinikilig or parang overwhelmed ka kasi sobrang inlove. hinahanap-hanap ko yon.. yung may kilig kahit common lang yung pinag-uusapan namin. di ko masabi kung wala na akong feelings sa kanya. siguro part na yung ng mechanism ko to let go. (well, that's good to hear jo.. you're starting to let go).


clap.. clap..clap

eto pang isa na medyo naparanoid ako kahapon, regarding jun. ban ata ako sa ym nya, nagtataka ako kung bakit. wala naman akong masamang ginawa sa kanya. Hmmm.... baka may gf na.. baka nagseselos.. or ano kaya? Ayoko na lang isipin. I don't care. Kung ayaw nya sa kin, mas lalong ayaw ko sa kanya! period! Parang gusto kong itext sa kanya na .. sorry jun, di na ako yung iniwan mong joanne na maaapektuhan kung ayaw mong kausapin. Sorry ha.. matagal ka na kasing di nag-eexist sa buhay ko.

I'm so rude! Bahala siya sa buhay nya.

Jun 6, 2004

Pugad Baboy

I'm at Netopia right now.. just finished watching Day after tomorrow.. still not contented, I'm going to watch Harry Potter later, on the last full show. Maybe, I need some rest... let me say.. I need a some air to breath. My pc's are all working fine now. Whew!

Bought Pugad baboy 16 awhile ago. Grabe naman ang pila sa National, it took me 15 minutes on the line... pero di naman ako nabored. Wish ko nga sana mahaba-haba pa yung oras kasi sinimulan ko ng basahin yung PB don pa lang! Keber ko ba kung makita nila akong natawa. :D
Oh eh ano ba! babayaran ko naman. hehehe!

Mahaba din ang pila sa ticket booth, so I bring out my PB and wish na sana hanggang Sucat ang pila. Hahaha! Hmmm... I still have 1 1/2 hour before the movie started, so I decided to eat at Wendy's.. buti wala ng pilang mahaba pero siyempre dahil sa kaadikan sa PB, it took me 1 hour to finish my meal. Super rest talaga! I may say.. this is the life. I'm contented with this.

I still have 1 1/2 hr para magsimula ang Harry Potter.. hmmm. ano kayang magandang gawin. ayokong magbabad sa kontyuter.

Jun 5, 2004

TGIS

Days are so fast.. I was listening at 89.9 last last night before I go to bed, nagtataka ako kung bakit classic yung pinapatugtog nila, I was thinking na wednesday pala. Oh my... friday na pala. Nawawala na naman ako sa kalendaryo. Ibang klase tong week na to. It is somekindda boring and very iritating!

Masaya lang yung pag kasama ko yung mga babies ko. Di ko na kasi sila kasama dito sa shop. Of course! di puede ang pets dito sa trabaho.. Ayon, don sila sa store ng sister ko.. mas malaki kasi yung space ni tin. The other day, tawa kami ng tawa kay Schat.. may ambisyon yata ang anakis kong maging langaw. hahaha! Ang dami kasing langaw don sa tindahan ni tin kasi naulan for the whole week. Syempre, may mga fly catcher sila, yung sa baygon na sticky. Umiiyak yung mga babies ko kaya pinalabas, ang sisterlet nagulat nung kinakalabit siya sa paa ni schat tapos nakalagay na yung papel na sticky sa mukha nya. hahaha! siguro, sinasabi nya kay tin.. "Tanggalin mo tong nasa mukha ko.. di ako makakita." hehehe! Napakahinhin pa naman ni schat, bugbog sarado yon kay Silver (aw-aw ni tin), si Achilles kasi lumalaban. Yon nga lang, ang liliit nila. Walang kalaban laban don sa 4 months na aso ni tin. Lagot yang Silver na yan pag lumaki ang mga babies ko. Grrr! >:[

I was talking to Ate sups yesterday.. naku! loka-loka na naman! hahaha! tama ang timing ko :) parehas kaming baliw. Si jeff na lang ang di ko nakakausap. hay! parehas kaming di maganda ang buong week. Minsan feeling ko nakahang ako.. yung may tali sa leeg. 4 days na akong iniindyan ng technician ko. Pag nagkakaproblema yung isang pc, parang di ko na alam ang gagawin ko. Nakakakunsumi!! Buti nagagawan ko pa ng paraan.

eto pang isang problema.. di mafinalize ang date to meet tinik.. lahat naman kasi may trabaho :(

Gusto kong makapanood man lang ng sine..

Gusto kong mag unwind!

The Essence of Being Single

A friend from Singles for Christ emailed this to me yesterday.. I find it interesting.. I just want to share this. hmmmm.... ;)


THE ESSENCE OF BEING SINGLE

All your life, you had specific dreams about what your family life
would be like when you finally married. You were so intent on what you wanted, you even made a list of qualities and characteristics you were looking for in a spouse, in a home, in your job, in your children.

But time passed, and that person you were so intent on didn't come
along. All of your friends got married, had children, had beautiful homes. And still you were single. You prayed and prayed for that person to come along, but nothing happened. You had a good job. You served in your church. You spent daily time with the Lord in prayer and studying the Word. You dedicated your life to serving God in every possible way, but still nothing. So you decided to take matters into your own hands, and you began an active search for a mate. And within a short period, you met someone who almost fit the bill.
Almost.
Sure, there were a few things Missing, a few rusty spots in that
person's character. But, after all, no one is perfect. Maybe your goals were too high. Maybe you'd been asking for the impossible. Maybe this was the person God wanted for you so your character could grow through dealing with his or her failings. Even though it often seems that God is slow to answer prayers, no matter whether it's about a mate, or a job, or our children, or our finances, or anything else, we have to remember that God doesn't wear a watch. Nor does He look at our human calendars. He sees with eternal eyes. He operates on an eternal timetable, according to His plan and His schedule. If God seems to be running late, don't get impatient and run ahead of him. Wait for the Lord's timing in everything. To the single folks out there, this is for you.

Being Single means you have the time to grow and be the person you want
to be.

Being Single gives you space to grow.
Sometimes, it is harder to grow
when you are too close to someone. Trees are planted far apart so they can spread their branches and become strong as they mature.

Being Single means learning to live by yourself.
However, that is no more difficult than learning to live with somebody else.

Being Single means freedom.
You are free to spend a week's vacation on the beach, to take
computer courses, to work late on an interesting project, to spend the day in bed with a good book or simply with a person who has read one.

Being Single means learning not to need a man/woman to make your life
meaningful but learning to live with a man/woman because you want to be with him/her.

Being Single means that sometimes you will wonder why you will bite your lip and feel wistful and wonder if marriage is better.
Ironically, yet quite happily, single is feeling good about being in control of your life. It is liking and respecting who you are and why you are.

Being Single is realizing that being married is not necessarily better,
it is merely different.

Being Single means that there could be something wonderful around the
corner and you can take advantage of it.

Being single means you are free to love again.

di naman kaya masyado akong bitter no? hmmm....

Jun 3, 2004

Hay!

Andaming problema ngayon sa pc. Nagtataka ako kung ba't nagka-crash ang counterstrike sa lahat ng pc. Tinawagan ko yung technician ko, bukas pa daw siya dadating. Kahapon ko pa siya sinabihan na may problema uli yung #2. Hay! Paano ba to.. Konti lang ang customer kanina.. sobrang tumal :( Wala akong ginawa kundi magreinstall ng counter strike. Ba't kaya nagkakaganto to ngayon? :( di pa pala ako naliligo!! Oh my gulay... Wala din maghapon yung mga boys, nag-enrol. Tapos tong panget na Matly na to eh anong oras na ko pinuntahan dito sa shop. Buti pa yung mga anak ko, nahugasan ko man lang yung paa. Samantalang ako, ni hilamos or punas, ala pa. Bwahaha!! Di bale, mamaya na lang pagtulog. Ang lamig pa!! :p

Namimiss ko ng magchat.. Ilang araw ko na ding di nakakausap sila Jeff and Ate. Pagod ako buong mag-araw, pero mas gusto ko to.. kesa naman nag-iisip ako ng walang kwenta. hahaha!

I must confess.. adik na naman ako sa sims hospital. :D
Level 6 na ako.. Yiheee!! habang nag-iinstall, naglalaro ako ng sims para di naman akon masyadong matense. Kasi pag nagka-crash ang games sa installation pa lang eh para akong pinagbabagsakan ng langit at lupa just like yesterday. Kasing lakas ng topak ko yung #2, kahit cd rom di na din binabasa. Gusto ko na ngang ibalibag sa inis eh. :(

Buti na lang di nagloko nung wala ako.. naku! BUTI NA LANG!

Jun 2, 2004

Kamukha ng baby ko...

Di ko pa kasi napapadevelop yung film.. nakuha ko lang sa yahoo yang pic pero ganyan na ganyan yung itsura nila, mas lalo na si Achilles.. white kasi si Schat.

I'm just too excited. :)

3 weeks na sila ngayon..




Starting Over

Nagmeet kami last sunday ni Bullit. He invited me for dinner, since nung sat pa naman siya nagtetext, kaya pumayag na din ako. Actually, I really want to meet him coz I want to know something... Something that might set me free.. We had dinner at Wendy's, frosty lang yung inorder ko coz I had dinner with the boys. We meet at Libis, close na yung ibang establishment kaya nag-Wendy's na lang kami. He's talking with our common friend on the fon. He sounds happy, sabi nya sa fon ang taba-taba ko na daw... then he gave me the fon. One of our friends are going to states na daw, sabi ko sa friend namin na pasalubungan na lang ako ng papa.. Nag-comment si Bullit ng "Papa naman ako ah!". Dinedma ko lang. I feel insecure and asked him.. as in sobrang laki ko na talaga no? Sabi nya.. nagloloko lang daw siya. Konti lang.. Mahahabol pa ng exercise. Alam naman nya na ayaw ko ng payat na payat.. gusto ko yung malaman para di mag-sag ang balat ko.


At Wendy's-- While eating, syempre.. kwentuhan.. kamusta na sa haws nila, kamusta na sila kuya, and his pamangkin. He told me that I can come over his place anytime I want (lagi naman nyang sinasabi..) Sabi ko.. wag na muna, siguro kelangan ko munang magpalamig, muntik na naman kaming mag-argue about what I tell him. He asked me, why does it have to be like that.. when lover's cannot be friends after the relationship ended. I don't know how am I gonna react on it, I'm afraid that it may lead us to an argument. I ask him to change the topic coz for sure, we will just ruin our night.

*For the the past months, I've been thinking about the reasons why we can't be together.. why we can't be friends after our relationship ended. When the situation arises, lahat ng naisip ko.. was gone. I am afraid to let him know how I feel..*

80's yung background song namin kaya medyo naging light ang usapan. Sometimes, we laugh at the song coz it reminds us of our younger years. We reminisce on our childhood days. Minsan, kahit alam mo na kung ano yung kwento nya or ano yung nangyari non.. parang ok lang. Minsan nakakatuwang isipin na tong tao na to.. naging parte ng buhay mo.. kasama mo dating magbuo ng pangarap para sa kinabukasan nyo... sinaktan ka.. iniwan ka... eto ngayon sa harap mo. Kasama mo uling tumatawa... sinusubuan ka.. hinahagod ang buhok mo.

Sayang.. for those wasted time and opportunities. If I wasn't just too hasty. Pero pano na ko magiging matatag kung di nangyari sa min to.

I was feeling torn apart yesterday. Hindi ko alam kung bakit. Ramdam ko naman kasi na wala na yung kilig. Wala na din yung hinahanap-hanap ko siya. I was thinking last night na ba't ba ako magagalit pa sa kanya, mas lalo lang akong maghohold on sa past kung ganon.. Maybe, I should always think that I wasn't the victim.. that I should be happy coz nakayanan ko nung nawala siya.. na mas madaming opportunity nung wala na siya. I know I'm on the 2nd stage of my healing process. Parang napilay na kamay yan eh.. kahit naca-cast na, minsan nadudunggol kaya sumasakit ulit.

Maybe what happen yesterday is... I let myself grieve the loss and what happened on the relationship. It wasn't just the painful feeling but it also evokes the love that we shared... and that's maybe the reason why I am feeling fine now, because the love that I felt soothes and heals me.

I felt the gratitude for the good times that we shared... and forgive him and myself for the mistakes. Maybe, my heart heal itself.