I don't know what I feel pero ang ganda ng umaga ko.. :)
May topak na naman ata ako.
Actually, there's really nothing to blog. Napapraning lang ako. hahaha!
Napanaginipan ko si Bullit kanina.. nagkabalikan kami, at ang first thought in the morning.. "bat bad trip ata ako pag-gising.. hay! buti.. alas 8 na." Ngayon ko lang narealize yung panaginip ko. hehehe!! It's Monday today!! Dapat maganda ang pasok ng week ko. :)
Sabi na eh.. kaya ayaw kong magblog kasi matatabunan na yung pic ng crush ko. Hay! Ganyan talaga. Malapit na din pala siyang umalis. Oh well.
I feel restless, andito na naman ako sa tapat ng computer.. 8 hrs ago, nandito din ako. Sana lalaki na lang to para eto na ang kasama ko for the rest of my life! hahaha!! Hopeless case na ako.
First day of school dyan sa tapat ko. Hay! sana naman masilayan man lang ang kagandahan ko para may customer naman ako.
Matraffic na naman dito sa min, Hay! Actually, di naman nakatulong yang Skyway na yan. Ang mahal-mahal ng toll. Puede mo ng pang-brunch and dinner yun sa Jollibee kung balikan ka don everyday.
Ang wish ko lang today.. Sana bumalik si Chim, ang bagong assistant ko dito sa shop. Pag di na siya bumalik.. Naku! Kelangang kong gumawa ng paraan para makalakwatsa :( Mga 3-4 lakwatsa, I just want to spend some time with Ate Suplada at makalakwatsa kami kung saan-saan. :) Siguro, papakiusapan ko na lang si Owen pag di bumalik si Chim. Feeling ko kasi eh di nya kakayanin dito sa shop, though di ganon kahirap ang trabaho dito.. yung interest nya sa computer eh wala. I am observing him yesterday, di siya mahilig sa games. Ako na nga ang nakikipaglaro ng Counter sa mga bata. At ginagawa nila akong adbot kasi di naman talaga ako magaling dyan.
For 1 week without any assistant in my shop, I found out na kaya ko naman pala. It just affects my social life at ang bisyo kong lakwatsa. Maybe, I'm over with the disappointment thingy with the 2 boys. Actually, I miss them already. I saw Kim yesterday, ayon.. tambay-tambay lang siya. Parang namiss ko naman siya.. si Jason din pero sayang.. wala na yung trust ko kay Jason. Hay! That's life.. people come and go. Sometimes they stay for awhile.. some are for lifetime (though medyo mahirap hanapin yung lifetime).. But still, I'm thankful that I meet them coz I learned something in life from them.
What I learned last week...
Don't be too mabait ~~ kahit anong bait ng mga yan, maii-spoiled sila.
Call my father on the fon yesterday and greeted him... Hay! I want to spend the day with him or visit him man lang sana sa Greenhills. Gusto ko sana siyang makasama kahit sandali lang.
When he got back from Mindanao, 4 years ago.. Mas lalo kaming naging bonded ni papa. Siguro, nung bata pa kami.. di siya ganon ka-showy sa feelings nya, ngayon.. iba na siya. Nakakatuwa nung matuto siyang mag-text 2 years ago.. Mom, ko kasi.. until now eh takot gumamit ng celfone. Everytime we text, before the conversation ended, sa dulo non.. may I love you. Sometimes, he'll just text me "hi! anong ginagawa mo? I love you. I miss you" Daddy's gurl! Sweet naman si papa.. natatawa na lang si Mama pag sinasabi ko sa kanya yung message ni papa. Nung dumating siya from Mindanao last week, dumiretso muna kami sa haws ko. Nilutuan pa ako ng dala nyang alimasag. Hindi ipinagalaw ni mama sa mga tauhan namin yung crabs kasi alam nyang luto yon ni Papa.. Minsan lang yon kaya dapat kaming magkakapatid lang ang kakain. :)
Namiss ko tuloy yung sinigang ni Papa, malapot ang sabaw na tama lang ang asim and alat... atsaka yung fried chicken na iniinjection sa loob yung patis and kalamansi para di malansa. Magaling kasing magluto si Papa, pang-kusina talaga. Di naman nakakapagtaka kasi ang lalaki naming magkakapatid, si bunso lang ang sexy. Nagugutom tuloy ako.
No comments:
Post a Comment