Medyo nahihimasmasan na ako sa bullit-topak ko..
Ba't ko nga naman babalikan pa yung tapos na.
Ang wish ko lang para sa sarili ko.. mahanap niya ako. :D
Si "niya" na hindi ko alam kung kakilala ko na or makikilala ko pa lang. Pero kung ako ang hahanap.. nyak! baka magkamali na naman ako! I'll just leave it all to God. Siya lang ang nakakaalam non kung sino ba talaga pero sana wag na akong magkakamaling pumili ulit. Kakamali ko.. baka tumandang dalaga na ako... at mag-isa. :(
Ayokong tumandang nag-iisa.. Pramis!
Buti nandito kanina si Owen at nakapunta ako sa SM... at nakabili na rin ng pang-remembrance kay Ate. Ang daming magandang palabas! waaahhh!! Almost one month na kong di nakakapanood! :( Maybe, that's why I feel sick in the head. Sana before this week end, makapanood man lang ako kahit yung Volta man lang or yung Chronicles of Riddick.
Tawa ako ng tawa sa Bob Ong, yung "Ang paboritong Libro ni Hudas" pa lang ang nababasa ko. Though patawa talaga siya and medyo exaggerated yung ibang jokes, na-dig ko yung lalim nya. Mas lalo na don sa tinatanong nya yung kasama nya sa langit kung siya ba talaga ang diyos. Madami siyang sinabi.. tungkol sa connection ng bawat bagay sa mundo pati na sa galaxy. Pero ang tanong eh naniniwala ka ba na may diyos? Napaisip ulit ako na God is so great... di lang great.. amazing pa. God is so good. Yan ang napag-isip isip ko ngayon.
At ang barbero na multi-tasking na parang microsoft windows.. Hahaha!! tawa ako ng tawa dito. My day is great.. kahit konti lang ang customer.
I'm still thankful coz I'm alive and functioning well.
Magaling na ang sipon ko.. yihiii!! puede na naman akong umariba ng kanta. nyahaha!! kahapon, super bingengot ako. Kumpletong tulog lang pala ang katapat nito. :D
Kaso kawawa naman si pogi.. nahawaan ko ata last sat. :(
No comments:
Post a Comment