Jun 11, 2004

Mixed Up

Hay salamat! Nakaraos din ang gimik sa Alimasag, at nameet din nila si Tinik. Nakakatawa lang kasi akala ko alam ko yung location nung Superbowl, nawala-wala pa kami ni Tinik kakahanap. Yun pala, nasa kasuluk-sulukan siya ng G4. Aba... ngayon ko lang nalaman na meron pala non. Finally, nameet ko din sila.. Natutuwa ako kay kuya DA, kasi kahit di na siya active, isang text lang eh andyan na. Lumabas ang pakwela ni Garry.. sobrang komedyante! Sino ba yung may pic nya na minomodel nya yung mango monggo pudding? Grabe! tawa ako ng tawa sa kanya. Si Tinik naman.. sobrang kikay.. natatawa ako sa candid pic. Sana makahingi ako nung mga pics nila sa celfone. Si neo nga, ininggit pa si Jeff. hehehe! Siguro mga 6:30 pa lang, nandon na sila Ivy and Lucci, mga 7 na kami dumating. Pagkahatid ko kay Tinik sa Superbowl, pinuntahan ko naman si Jethro sa Burger King. Nung nakumpleto na kami, kanya-kanyang kwentuhan na.. Hanggang sa nagkaron ng hotseat.. tama ba namang igrill ang isa't isa sa lovelife! hahaha! Oh siya! mahal ko na siya! bwahaha!!! para matapos lang ang tanong tungkol kay Bombero. I'm grateful at di nila tinanong si Bullit. :D
Ang pinaka-nakakatawang sagot para sa kin, yung kay Giray.. Ang morocco.. bow! It's nice to see Tinik again.. di pa din siya nagbabago. I never had a dull moment with her. When we're on our way to Makati.. walang tigil sa kwentuhan.. puro update ng mga buhay-buhay. Minsan ko lang naman kasi siya makausap.. pero pag kausap ko siya, parang ang feeling ko, lahat puede kong sabihin sa kanya. She can keep secrets from me, as I am to her.

Crabelles and Crablets


Giray, oh his famous mango monggo pudding


bagay syang model ng pudding di ba? ;)


kinopya ko lang yung mga pics from rye.. thanks rye! :)




Namental Block na naman ako.. at may bago akong tagabasa.. si Tinik.. Nakalimutan kong magdala ng salamin.. naiilang naman akong magcontacts.

Around 10 pm.. adjourn na kami sa Superbowl. After that, nag starbucks na lang kami. Medyo nalugas na yung group kasi yung iba may pasok pa. Kami na lang nila Utoyski, tinik, DA, Mokong, Neo, Wabi, and Jethro ang nagkape. Kontin kwentuhan na lang, 11pm... umuwi na din kami kasi tong si Tiniksi eh may kameeting pa.

Yung mga friends ko naman, tumawag sa kin and nagyaya ng gimik kaya sumunod na lang ako sa Starbucks (din!). We decided na mag-Malate, bumagsak kami sa Tia Maria's. Ok lang yung crowd.. Holy pwet! naka 3 1/2 beer ako. Nakaya ko pa namang magdrive pauwi.. Gustong gusto ko lang makauwi at parang hinihila na ako ng kama ko. Praning din tong mga gurls eh.. Walang ibang topic kundi ang sex life nila.. Hay! as if meron ako! Sige.. kinig lang.. usually pag ganyan ang usapan, nakikinig lang ako. Konting pangbu-bwisit.. konting kantyaw.. Basta, di ako nagshe-share. hahaha!! No way! >:(

Kung di natanong si Bullit sa gimik with the alimasag people.. ang topic naman namin eh ang present relationship namin ni Bullit. Kasama na din ang lovelife ko... Hay! Ano ba naman ang ikukwento ko sa kanila kundi constant textmate lang kami ni bullit.. at ang lovelife... Next please. Ba't daw kasi ayaw kong tumingin sa iba. Ang sagot eh... "Tumitingin naman ako sa iba, pero yung tinitingnan ko.. sa iba nakatingin" :D hehehe! Why should I hurry in love anyway? Sangdamakmak daw yung cute sa Tia maria's... pati waiter pinatos pa! hehehe! di ko pansin.. enjoy na ako don sa katapat kong bote ng san mig lite at sisig.

Madami akong iniisip that night.. don nagsisink in yung pagkawala ng half sister ko last week. I called my father last week coz it's his bday (May 31).. ang saya pa namin non kasi nagpupustahan kami kung ano yung magiging anak nya, kasi pag babae.. talo ako. Excited din kasi ako. Iniisip ko kasi na eto na yung bagong family ni Papa.. sana ngayon, maging successful siya dito. Yung ganong feeling na masaya ka para sa kanya kasi nakikita mo na after 20 years eh makakapag-ayos na siya ng bagong buhay with his new family. Nagtataka lang ako last week kasi di man lang nagparamdam si Papa sa text, naisip ko na lang na baka busy sila kasi nakapanganak na. I never heard from him until yesterday na nagpapasundo siya sa airport. Syempre, ang unang tanong ko sa kanya eh kung kamusta na yung baby.. Mainit ang ulo ni father. Sa bahay na lang daw kami nag-usap. May pumasok sa isip ko na baka di pa nanganganak or the worst is... patay ang bata. Di ko na siya kinulit masyado. Pagdating dito sa bahay, inayos lang nya yung sugpo and crabs na pasalubong nya, nilutuan pa nga ako nung dala-dala nya tapos nagpahatid na siya sa Mandaluyong. Natatawa lang ako don sa moment na si Mama eh pumasok sa bahay ko tapos nandon din si papa. Naghahanap ng mayonnaise ang madir.. ano ba naman ang gagawin ng mayonaise na isang tao at ilang multo ang nakatira! hehehe! Nagpapacute ang madir kay father.. While on our way to Mandaluyong, don na nya sinabi sa kin yung nangyari. I can feel the sadness on his voice.. Yung disappointment na nalate lang ng ilang oras sa paglabas yung baby tapos nakakain ng dumi nya habang nasa loob pa ng tiyan ng nanay nya. Itim na itim na daw yung daliri nung bata nung nailabas. After 12 hrs, namatay na din si Lea.. her name. Ilang oras lang nalate! 9 months mo siyang hinintay, inalagaan.. tapos ganon lang. Di ko makalimutan yung sinabi ni papa. Sobrang painful para sa kanila.. Next month na lang daw siguro susunod si Tita dito sa Manila. Kaya daw agad umuwi si papa kasi araw araw na lang daw silang nag-iiyakan. I feel sad for my father.. syempre, sa kapatid ko din. Kahit half lang, galing pa din yon sa tatay ko. Maybe, may iba pang plan si God para sa kanila.. pero sana malagpasan nila tong pagsubok na dumating sa buhay nila. Sana makarecover agad sila.

Medyo disappointed din ako sa mga boys. Di na pumasok yung isa kanina.. lagas na kami. 2 na lang kami ni Kim dito sa shop. May nadiskubre kasi ako kagabi eh.. nung wala ako. Kaya pala ang laki ng bill namin sa kuryente. Pag wala pala ako, yung mga kaibigan nung isa sa mga boys eh libre sa laro. Minsan kasi nakikisama na lang ako sa kanila na kahit wala ng tao sa gabi eh hinahayaan ko lang sila na maglaro kahit abutin kami ng madaling araw (yung 3 boys ko lang). Lately, lagi akong wala sa shop.. siguro, ganon na nga ang nangyayari. Actually, di ko na siya kinompronta. Di ko lang kinakausap kanina kasi gusto ko, kung kakausapin ko sila eh sa closing time na para walang mapapahiya sa harap ng customer. Di na siguro siya nakatiis kasi guilty siya at alam nyang nakarating na sa kin yung ginawa nya.. di na siya pumasok. Nalulungkot ako kasi may pinagsamahan din naman kami ng mga bata na to. Di ko na din naman sila tinuturing na iba. Pero bakit may ganong mga tao? Umaabuso pag pinakitaan mo ng maganda. Minsan, naiinis ako pag dumadating sya dito sa shop.. late na nga siya tapos ang harap agad nya eh yung computer. Ano bang iniisip nya? Palaruan tong shop ko? Kinuha ko siya para magtrabaho.. di para maglaro. Kaya minsan, di ko na lang siya pinapansin. Hinihintay ko yung timing.. siguro eto na nga kasi si Tin pa yung nagsalita sa kanya kung ganon siya ka-iresponsable. Natatakot din ako sa sarili ko, natatakot ako sa galit ko. Baka kasi pag ako ang nagsalita sa kanya, isumpa nya na nakilala nya ako.

Hay buhay! parang life... Ganyan talaga. Charge to experience ulit.

2 comments:

Missy said...

Aww...i'm so sorry to hear that (about your dad's baby). Pero baka nga...God has other plans for them.

Tsaka nakaka-relat den ako dun sa isa mong "boys". Haay...ganyan talaga...may tao talagang ganyan...kaya dapt di mashado mabait (hwehehehe...magsama-sama ka na sa amin...) :lol:

Joanne said...

Thanks Lucci! hehehe!!

Nakakainis sila no? ang sarap tirisin :D