Jun 19, 2004

Ms. Snob for Real

Ms. Snob, yan ang tawag ko sa kanya at first interaction with her at Alimasag. At dahil parehas kaming maldita at tsismosa.. we get along well. Bwahaha!! At first, I was praying na sana hindi alternick tong Ms. Snob na to kasi masu-super disappoint ako. I was thinking before na baka sila Kikay, Mak, Monamon, or Istariray siya.

I was at Bicol recuperating on my recent break up kuno with Bullit when she signed up at Alimasag.. one month ako don kaya pagbalik ko.. abah! may nagrereyna-reynahan sa Tiki room! aba't sino ba tong suplada_minsan na to. Pati ako nacurious. My first interaction with her is at Tally sheet thread at Tiki.. I got curious kasi yung isa taga Singapore tapos siya, taga Netherlands.. Ganon na pala kalayo ang inaabot ng barrio :) It all started there, sa simpleng tanong na at taga-saan ka naman suplada_minsan?.. hanggang sa nauwi sa pm.. hanggang sa natututo na din akong mag-ym. Kaya kung may sisisihin ako kung bakit ako natutong magym eh siya ang dahilan! :D
pis ate.. mwah! Grabe.. taon na din pala ang inabot ng pagbobolahan namin. hahaha!!!

Pag naiisip ko yung isang taon, parang feeling ko matagal na kaming magkakilala. I remember last year crying on her because of Bullit, crying on her again because Chris broke up with me.. and cry on her when I saw my relationship with Bullit was going nowhere again. Siguro nga, kung magkasama kami.. baka ilang beses na akong binatukan ni ate. Pero napuna ko lang.. di naman kaya siya ang malas sa lovelife ko? bwahaha!! oist! hindi ha! binigyan nya nga ako ng inspiration eh! hahaha!! Chika!!

Ang dami na din pala naming pinagsamahan.. ang dami na din pala naming pinagtsismisan.. hehehe! Hindi naman kasi mahirap makapalagayan ang Suplada, nakakatawa nga kasi akala namin dati eh friend siya ng ate ni Bullit.. but it's not because of that kaya kami naging super close.. Siguro, nakita ko lang sa kanya yung hinahanap ko.. yung alaga ng isang ate na hindi ako nagkaron kahit kelan. (mahirap maging panganay) Ewan ko lang kung ano ang nakita sa kin ng Suplading at nahumaling din sa kin.. bwahaha!! Siguro sa sobrang gigil sa akin eh napamahal na ako sa kanya. hehehe!


Back to suplada_kunyari.. When I saw her yesterday, parang di ako makapaniwala. Siya na ba talaga to? I hug her.. kahit sa leeg lang kasi nanlalagkit ako sa pawis dahil medyo malayo ang nilakad namin ni Jeff at hindi ako pumayag na hindi ko siya katabi!! Selos ako! bwahaha!!! Possessive sisterlet!

*Gusto ko lang sigurong bumawi. I was disappointed last week pa kasi dapat pagdating pa lang nya eh magkasama na kami kaso nagkaron ako ng malaking problema dito sa shop kaya di ako makaalis. Wala na lahat ng mga boys. As I have said last nyt to Jeff.. madami akong plans na lakwatsa. It's up to him kung makakasama siya pero gusto kong ilabas si Ate para di maaburido at di mamiss si Kuya Bait.*

Ayon, magkatabi kaming kumain.. picture dito.. picture doon.. Naalibadbaran na ata yung mga tao don sa resto kasi panay ang litrato namin.. at panay ang hingi ng pandan iced tea nila.. Pero promise! bad trip ako sa nagseserve sa min. Ayon, kanya-kanya kaming pasalubong. Ang bait naman ni Ate Suplada, lahat kami meron :)
After don sa Oodys, nag red.. ano nga pala yon? basta, nagvideoke kami. Masaya naman.. di ako makakanta ng maayos kasi masakit na ang lalamunan ko. Yan ang withdrawal symptom ng di pagyoyosi. Sana tuloy-tuloy na tong pagmamahal ko sa sarili ko ;) Iniwan ko muna ang Suplading at nakipagkwentuhan kay rc hanggang sa kakwentuhan ko na din si jeff tapos lumipat si rc sa tabi ni Ate. It was a wonderful night. I had 2 San Mig lite.. That's why it's wonderful! hahaha!! Joke lang. Basta.. Wonderful siya. :)

this is my horoscope yesterday.
Quickie:
The fog is going to dissipate. The brightness of the illusion will recede. Stay put.

Overview:
You're the happy recipient of hugs, love notes and tender embraces -- when you least expect them. Bring it on! Revel in it. It's your turn.


totoo kaya to?

Natutuwa naman ako kay Rye, panay ang yakap sa kin... parang feeling ko tuloy eh stuffed toy ako. hihihi! nakakatuwa yung environment kagabi. Wala ng ilang-ilang.. basta ako, di ako naka-feel na naiilang kasi comfortable ako with them. Iba-iba kasi ng kwentuhan eh.. nakakatuwa. Kaso sayang yung joke ko kay Daeng.. di kumagat na ako si rei. bwahaha!! Ay! naalala ko yung food ni Jeff, ang anghang! at san ka ba naman makakakita ng california maki sa thai resto no? hehehe! kamukha lang pala. :D and for the first time!! hindi pinag-usapan ang alimasag!! :) ay.. namiss ko din pala si Jeff, buti nandon siya... pati si ymir buti humabol.

Nung pauwi na kami.. saka lang nagsi-sink in na si Ate Thess na nga to.. ang nagsasabi na pango siya pero hindi naman. Ilusyonadang pango! hahaha!! Sige! makikiride na lang ako na dapat nakatagilid siya pag magpapapicture! Idinaan ko na si Ate sa haws nya (ayan.. puede na raid-in.. :) tapos si Jeff and RC eh sa kanto na lang nila.

my horoscope for today...

Quickie:
You are dreaming of a career in the arts. And someone else is dreaming about you.

Overview:
Nobody falls in love -- or stays in love -- like you. That said, better be on guard, because today could be the day you -- or they -- stop flirting and start planning.



Oh siya.. tama na ang ilusyon.. back to topic na ako!

I was talking to her kanina. Actually, morning pa lang eh telebabad na kami. Nakalimutan ko lang tumawag ulit kasi naadik ako sa Casino na bigay nya sa kin. Ayon, afternoon.. I call her again.. and eto ulit gabi bago ako magblog. Sobra naman! talo pa namin ang maglovebirds! Narealize ko lang kanina na para kaming mga teenager na telebabad... ganyan kasi kami non nung bestfriend ko.. walang tigil ang kwentuhan sa telepono kahit kakakita lang kanina.

She's one of my best and trusted friend.. Hindi matatawaran ang pinagsamahan namin nyan kahit virtual lang.. mas lalo na ngayon nagkita na kami. I'm looking forward to meet her again sometime this week... siguro dadalas-dalasan ko kasi may kasama na din ako dito sa shop. Gusto kong sulitin yung time habang nandito pa siya. :)


----

OT

Received a call from Jun 2 days ago.. next year na daw siya babalik dito sa Pinas. Well, medyo nakakatuwa yung entrada nya na "I call you because I miss you so much" kahit istorbo siya sa maganda kong panaginip. Oh siya.. sige na nga.. namiss din kita. hehehe! Sayang, nalowbat lang ako. At dahil natuwa ako, I emailed him my recent pics.

Kanina namin, si Bullit nangungulit na pumunta daw kami ng sister ko sa Libis kasi may concert. Mag-eenjoy daw kami, feel ko nga kasi maingay don sa background nya eh. Nakakatuwa din siya kasi naalala pa nya kami.. kami ha, hindi lang ako. Well, atleast he's still there. Honestly, ako na lang naman ang umiiwas eh. Siguro pag nakapagmove on na talaga ko saka ko siya yayayain.


Nga pala...

Thankful ako kay Jeff kasi pinapark nya ako don sa office nila.. kung sa G4 pa ako nagpark, medyo malaking hassle and malamang masyado akong nagwoworry non kung dun ako nagpark. Hay! I'm glad he offer it to me.. medyo dyahe pa nga ako nung una atsaka tinotopak pa ako kasi 2x na akong umiikot sa greenbelt at di ako makahanap ng parking. Yan ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat kaya di ako mahilig gumimik sa mga bars mas lalo na kung alam kong mahirap magpark! Sungit! Di na ako masyadong magkukwento about the eb kasi nasa blog na nilang lahat. hahaha! pero magagaling silang lahat! mas lalo na si papa jeff! hay! kaka-inlove! bow ako sa pagka-kikoy ni Jethro. hahaha!! I'm glad, at ease na siya sa company namin. :)

2 comments:

Anonymous said...

elo miss bullit, napadaan lang!!! ay baket wala pa den pix para naman masilip ko yung eb nyo :( neweys paki-hi naman ako k Thess pag nagkita kayo ulit!! ingat!! ;) -cashew nut-

Joanne said...

Hello Ate Kasoy!! ;)
naku... inggit nga ako kasi wala naman akong digicam :(
yan ang rason kaya matagal bago ako mag-update ng pics kasi de-kodak lang ako. hahaha!! Excited ako don sa pics na ilalabas ni Ate Suplada_kunyari kasi mas madaming magandang kuha don. Thanks for dropping by..
mwah!!