Ewan ko ba.. Parang pagod na pagod ako today. Nagbukas na ako ng shop around 10 am. Parang gusto ko pang magbabad sa kama kaso di naman puede. Kala ko dati, pag nagkaron na ko ng sariling negosyo.. di na ako magkakayod marino tulad dati. Pero ganon din pala. Buti pa don sa business ni mama, puede akong di pumasok pag pagod na pagod talaga ako the whole day. Dito, ihi lang ang pahinga ko. (ay! may iba akong naaalala.. bwahaha!) Sana before wednesday, mapanood ko yung Chronicles of Riddick. As in magsasara ako ng 9:30! Pramis! (to myself)
Matuloy kaya sila friendly friends dito next week? Naku.. Magluluto talaga ako pag puede sila. :)
Syempre, konti lang ang maiinvite ko kasi di naman kami kasya sa munting dampa ko.
I had a great time last night. Nakakatuwa yung munting salo-salo namin ng mga friends ko. hay! pictures! sana bigyan nila ako. Oo! di ko pa kayang kantahin yung "Almost over you!". hehehe! Tama nga si Jeff sa sagot nya sa crabalita.. nagyayabang-yabangan lang ako. :(
Ngunit datapwat subalit... alam kong malalagpasan ko din ulit to. Kuntento na ako sa crush crush. Hanggang don na lang muna ko.
Nagswimming pa kami ng family ko sa laguna yesterday. Nagdrive ako back and forth... pero enjoy naman. Minsan lang naman kasi maglambing si mama na sumama ako. Nakakatuwa yung mga pamangkin ko habang nagsi-swimming.. pag tinitingnan ko si mama na nilalaro yung mga apo nya, naiisip ko.. sana magkaron na din ako ng little joanne na nagpapasaya kay mama. Wish me luck! Kelangan ko pa atang tumulay sa alambre bago mangyari yon o sumayaw kay Sta. Clara.
Oo nga naman.. bago magkaanak.. hahanapan ko muna sila ng tatay nila. hahaha! AS IN NILA.. dahil pangarap kong magkaron ng isang basketball at volleyball team, isama mo na din ang referee. lol!
Bakit ba ang sarap magcompose ng blog pag online? Puede ko namang gawin to sa notepad at isalin na lang dito pag online na.
Natatawa ako sa 2 customers ko. Actually mag-ama sila. Ang kwento nyan eh.. yung tatay, sinusundo ang anak dito sa shop last week dahil alas 9 na. Ang time ng anak nya bago matapos is 9:15. So, syemppre.. nahiya ang ama sa akin at nakinood sa anak. Kinabukasan, ganon ulit ang drama ng mag-ama. Nakinood na si tatay sa laro ng mga bata bago umuwi. The third day, at dahil naengganyo siya.. akala ko susunduin ang anak nya.. Umupo sa isang computer, maglalaro daw siya. Inextend pa ng 30 minutes yung laro ng anak nya at naglaro siya ng 1 hr. Kinabukasan.. mas maaga pa siyang dumating sa anak nya dito sa shop. Siguro kung susumahin ko yung oras ng laro nya.. Umaabot siya ng 3 hrs sa laro everyday (pero di tuloy-tuloy). Inumpisahan nya ng Counter strike, tapos Vice city naman, at ngayon.. naloloko siya sa Need for Speed. At ang anak, di na binibigyan ng pera (minsan na lang maglaro) kasi siya na ang naglalaro. Ngayon, di na siya ang nangsusundo. Siya na ang sinusundo ng asawa nya... kasama ang bunsong anak nya. Hahaha!
Naku! Yari ang Zoe.. nandito ang isang bf kanina. Nakaninong kandungan kaya ang bruha?! Tsk.. tsk.. Nakakaramdam ako ng bibisita within this week.
Gusto kong maligo! gusto kong magbabad sa tubig at magkuskos!! Kanina ko pa iniimagine ang sarili ko na nagsa-shower pero ala namang shower sa bahay. Kanina ko pa din inisip na ba't di kaya bumili ako ng outlet para sa shower. Ano nga bang tawag don? Magpalagay kaya ako non sa bahay para masarap ang paligo.
Hmmm... Good idea yan panget. Sige! Pag mayaman ka na. :D
No comments:
Post a Comment