As usual, nagising na naman ako nung may nagtext sa kin.. it was already 10 in the morning.. ibang # pero alam ko na agad kung sino. It was Bullit, nasa tapat ng bahay namin. Galing daw sila ng mga friends nya sa Tagaytay tapos don sila drinop malapit sa amin kaya pumunta na lang siya dito sa bahay. Nasa isip ko, baka makikitulog.. Hala! dali-dali kong inayos ang kama, pati yung kaha nung yosi na matagal ng nasa sahig, naitapon ko tuloy. Ok lang.. kumbaga sa pagkain, panis na yon.
Pagdating ko sa shop, nakikipag-usap siya sa labas namin.. Siguro, namiss din nila si panget... Ayon, kwento siya ng adventure nila sa Tagaytay tapos nagpunta din daw sila the other day sa Intramuros.. Nakakatuwa din, parang kelan hindi ko siya kilala. Pakiramdam ko, wala na siya sa buhay ko. Tapos eto na naman siya, kasama ko.. katawanan ko.
Puyat na puyat si papa.. sabi ko nga ihahatid ko na lang siya sa kanila kasi nakakaawa yung itsura, sabi nya.. wag na lang daw kasi kaya siya pumunta dito eh para dalawin ako.. Di pagsilbihan siya. Natuwa naman ako. Medyo mapurol ata ang sungay ngayon ni panget. :D
Naglunch kami sa kila Tin tapos kwentuhan ulit ng problema dito sa shop. Hanggang sa pinilit ko na siya na idadaan ko na siya sa bahay kasi mukha na siyang plastado. Ayoko naman sa bahay ko kasi mahirap na.. Ayaw man nya kasi dadaanan naman daw siya ng friend nya dito eh pinilit ko pa din.. Di reasonable ang oras.. Habang on the way, kwentuhan kami tungkol sa Pugad baboy.. tawa kami ng tawa sa mga jokes ni pm. Die hard fan talaga. Napagkwentuhan ulit namin si Jun, ewan ko ba don kung bat gusto nya yon kesa kay Chris... samantalang ako.. wala akong gusto ni isa sa kanila. hahaha!! Dumaan kami sa Mc do tapos binilhan nya ako ng meryenda.. :) I appreciate yung pupukpukin nya ako kasi wala akong vitamins na iniinom, kahit ascorbic lang.. Kaya pag-uwi ko, bumili agad ako ng ascorbic at vit. e. Namiss ko yon.. yung kasama ko siya sa sasakyan.. yung kwentuhan na walang patid kahit abutin pa kami ng sikat ng araw. Namiss ko din yung kinakagat nya ako sa braso.. pati yung kinikiliti nya ako na halos magkanda-untog untog ako kakaiwas. Namiss ko yung company nya.
Dati, pag nabubwisit ako sa kanya at gusto kong makipagbreak.. ang rason lagi sa isip ko eh "siguro, mas maganda pa na maging magkaibigan na lang tayo.. masarap ka kasing maging bestfriend kesa maging boyfriend".. parang tama ata yung iniisip ko dati. Natatakot lang ako sa consequence dahil mahal na mahal ko siya at parang di ko ata kaya na makita siya na may kasama siyang iba.
Hay! si Bullit na namang kinukwento ko. 4 months na Jo.. move on.
Actually, I'm moving on kahit nandyan siya. Sayang yung pinagsamahan namin ng ilang taon na kahit friendship di kayang isalba. Siguro, di ko na masyadong mafeel yung pain kasi natanggap ko na sa sarili ko na tapos na ako sa chapter na yon. It's not all because of Bullit kung bakit ayaw ko na munang makipag-relasyon. Siguro, ayaw ko lang talaga muna.
Masaya naman eh.. I can be as praning as I can be..
Me and Bullit
it was taken yesterday..
1 comment:
do not desire to forget the past but desire to overcome it... for our past experiences have to much guidance to offer.. ;) ano daw sabi ko? :lol:
Post a Comment