Jun 10, 2004

Ouch!

Woke up at the message tone of my celfone... si Bullit, nagtext na naman. As usual, ang opening text namin na "panget!", pag nagreply ng panget ka din.. simula na naman ng mahabang textan to.. Ganon na nga ang nangyari, he asked me kung nakakuha na ako ng birth certificate. What's with birth certificate at matagal na akong kinukulit nito na kumuha kami. Hay! Dahil sa dami ng activities ko 'till next week, I turned down his invitation. At the afternoon, habang nagpapa-check up kami ng sister ko para sa brace ng ngipin namin, nagtext ulit siya ng "panget"... Day off ata si kumag. Sabi ko "panget ka ulit.. bakit?"
Wala naman daw.. pinakikinggan daw nya yung missin you ng case, mix something ng ibang singer.. gusto daw nya yon.. Alam ko, dyosme.. yan pa nga yung kanta natin nung nasa London ka di ba? Nakakarelate daw siyang masyado. Bakit di kaya sa atoys mo sabihin yan para kiligin naman siya? Ayon, umiikot-ikot na yung kwentuhan namin sa text, na nagbago na daw siya ngayon, naiisip na din daw nya yung magsettle down. Ouch! for sure nag-iisip na yon na magpapakasal sila nung babaeng ahas. Keber! Bahala siya sa buhay nya.. at kung ano-anong plano nya.. Ang nasagot ko lang sa kanya.. "buti ngayon, naiisip mo na yan". Wala namang halong pang-iinis or pang insulto sa kanya, pero buti narealize na nya yon and sana seryoso siya don sa sinabi nya about his plans. Wish ko lang sa kanya, sana nga matupad lahat yon para di naman kawawa yung babaeng papakasalan nya. Hanggang sa kumakain na kami ng sister and brother in law to be.. text pa din kami. Aba! Mahaba to! Nairita lang ako sa sinabi nya sa kin about my mom.. yung di daw ako binigyan ni mama ng support when I was looking for a job last January.. what does he expect para sa mama ko? Lahat ng gusto ko, isusubo sa akin? Although I know, she doesn't want me na magtrabaho sa iba.. naiintindihan ko yon. And he's right, madaming plan si Mama para sa kin kahit di nya sinasabi, why should I ask my mom kung anong gusto nya para sa kin eh buhay ko to. For so long, I want to be independent.. at matagal ko ng nakuha ko na yon since college, kung siya nga ayaw nyang pinapakialaman siya sa diskarte nya sa buhay.. ako pa! Ewan ko.. basta, iba ang takbo siguro ng utak ko. Wala siyang "K" na i-question ang Mama ko para sa ganyang bagay, dahil walang magulang ang hindi nag-iisip ng para sa ikabubuti ng anak nila.

Sobrang damage tong nangyari sa buhay ko. Alam ko bumabangon ako.. pero napakalaki ng epekto nito sa outlook ko sa buhay. Minsan, pag naaalala ko si Bullit, nalulungkot ako. Kung bakit ganon yung nangyari sa amin, binalikan ba nya ako dahil mahal nya ako or ano ba yung intensyon nya. Siguro nagpadala lang talaga ako sa tamis ng dila nya. Siguro, minahal din nya ako pero may katapusan din naman ang lahat di ba. Kahit yung mga bagay na ayaw mong matapos. Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko.. para akong nagdadalaga, kinikilig sa mga crushes... pero andon yung trauma. Hindi ko alam kung hanggang kelan pero alam kong tinutulungan ako ni God para makasurvive.

Minsan, tinatanong ko ang sarili ko.. ang pagmamahal ba eh may katapusan din? I thought love lasts forever. Still naive 'til now. :(

While eating, panay ang kwentuhan din namin ng sister ko. Bonding kami, ilang taon din akong naging absentee sister sa kanya. Sabi ko nga, nawalan ako ng time sa lahat kundi para kay Bullit lang. Natutuwa ako ngayon, kasi this past 2 years pag nalabas kami nyan eh siya na ang nagbabayad ng bill.. parang wala akong pera sa mga nakalipas na taon... laging naka-save sa kung ano-ano. As I recall, may isang xmas na wala man lang akong regalong naibigay sa mga inaanak and family ko. Though I have job, masasabi ko na walang wala talaga ako for the past 2 years. Ngayon ako bumabawi sa kapatid ko.. Ewan ko, kahit topakin yang si bunso, mahal na mahal ko yan. hehehe! Lagi kong sinasabi sa sarili ko, kaisa-isa kong kapatid na babae yan kaya dapat kong syang alagaan. Hay!

Medyo may hangover pa ako ng kapraningan ko kahapon.. super hyper ako sa lahat ng bagay.. Pati katakawan ko! ay! pano ba naman ako makakapag diet nito? :(

Lately, panay ang panaginip ko na may bf na daw ako. Siguro, the whole week, yon lang ang panaginip ko. Hmm... Am I longing for a companion na ba? Siguro... Parang nasanay na akong may kasama. Pero parang ayaw ko pa. Ngayon pa lang ako nag-eenjoy.

Alam ko may magtatanong, pano kung dumating na siya? Kaya naman siguro nyang maghintay di ba? :)

Nga pala.. I haven't smoke for 1 1/2 week na din pala.. Hahaha!! Ang galing! :D

No comments: