One year na din pala nung mas magulo ang isip ko kesa ngayon.
Maybe, if he didn't let me go.. baka magkasama pa din kami.
Ngayon lang ako nanghinayang.
Last year, ang haba-haba ng buhok ko.
Who am I gonna choose? The one who loves me or the one I love?
Mas pinili ko yung mahal ko.
After 6 months, naghiwalay din kami.
That's life. Sometimes you have to gamble,
when you lose your card.. kelangan gandahan mo yung balasa mo para manalo ka next time.
What if napagod na ako kakabalasa? Ah.. ayoko na munang magsugal. Lagi akong talo. Tsk!
Tinawagan ko siya kanina, kinantahan ko pa ng happy bday.
Siguro magkikita kami non bukas.
I want to go back to the past..
Kung may part sa buhay ko na gusto kong ulit-ulitin eh yung inlove pa kami sa isa't isa.
I can still remember us last year, inside my car at nasa tapat lang ng bahay nila.
Kwentuhan lang ng kwentuhan.
He's advising me na ayusin namin ni Chris yung problema, balikan ko daw si Chris. Bakit ko babalikan yung taong nag-dump sa kin? Grabeng pride. Di ko ugali na ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa taong ayaw sa kin! Siguro, nararamdaman din ni Chris na magkakabalikan kami ni Bullit. Wala naman akong balak balikan si Bullit, kasi kung ako ang papipiliin, masaya na ako sa piling nya. Magulo lang ang isip ko non pero ang loyalty ko eh nasa kanya. Nung nakikipagbalikan si Chris, ayaw ko na... dahil masarap ang "pride chicken".. Pano nya ako naigive up ng ganon lang kadali.
After a month, nagkabalikan kami ni Bullit.
How could a good love goes wrong?
I miss him.
Oh my God, kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal.. lumalabas at lumalabas pa din kung ano ang totoo.
Puede palang mangyari yung mahal ko siya pero ayaw ko siyang makasama sa buhay.
Siguro, parehas ko lang ginagamit ang puso at utak ko ngayon.
Minsan nanaig ang puso.. minsan yung utak.
Natatakot lang siguro akong mag-isa.
Or namimiss ko lang yung may kasama ako... di lang kasama.. kaagapay sa hirap at ligaya.
Parang gusto kong bumalik ulit sa Bicol.
Baka pagbalik ko, bumalik din kami sa dati.
Sana di na lang ako nagbakasyon don nung November.
Simula ng pagbalik ko dito, don na naging magulo.
Baka kelangan ko ulit ng isang buwang bakasyon.
Baka don nya maisip yon pag wala na talaga ako.
Wala na siya.
Kelan ko kaya masasabi sa sarili ko na nakalagpas na ako sa trauma na to?
I'm giving up on love. Ayoko na.
Yan na ang pinaka-malaking pagbabago sa kin ngayon.
No comments:
Post a Comment