Dec 23, 2004

Merry Xmas To Everyone

"2 days to go.. Christmas na pala. Ang bilis ng panahon. Parang bukas pag gising ko, bday ko na. Awww... tatanda na naman ako."
Yan yung naiisip ko kanina habang naglalakad ako papuntang SM para bumili ng regalo sa monito ko.

Wala ata kong ginawa ngayong week na to kundi mag-shopping para pang-regalo. Wow! Parang ang yaman ko.. pashopping-shopping.. rega-regalo. Bwahaha!
Pinag-ipunan ko talaga yung event for tomorrow. Xmas Party dito sa shop.. at may pa-raffle pa.
Eto na naman ako... excited na naman.

Wala naman masyadong happenings this Christmas. Medyo malungkot kasi sa Bicol mag spent ang aking mga folks. Ilang araw na ding di kumpleto ang araw ko.. wala akong nanay na binubwisit... and I'm starting to miss her. Sobrang tahimik ng bahay, wala ding pamangkin na nangungulit sa kin dito sa shop. Hay!! Di bale, babawi na lang kami.. kasi dito daw sila magcecelebrate sa New Year. Dumating kasi yung Uncle and Auntie ko from Belgium... kaya para naman mabuo yung family ni Mama, nagsiuwian silang magkakapatid don. Gusto sana namin sumamang magkakapatid pero walang mag-aasikaso ng negosyo. Hay! Sacrifice. Ok lang, tutal masaya naman sila doon eh.

I have a mixed emotion lately. Ok naman ako sa lahat ng aspect.. except for one thing.
Ehem... Basta, yon pa din yon.
Sana, sa kasama ng pagpasok ng taon tapos na ko sa feelings na to.
Sana matapos na yung dapat matapos.
Sana makalimutan na yung dapat kalimutan.
Sana...

Alimasag Virtual Party

I had fun awhile ago. Ganon pala yon. First time kong makaexperience ng virtual party... at nanalo pa kami sa contest. Magaling si Dobby eh..
This year is productive for Alimasag...

*Alimasag Tshirt (hopefully, next year na ang printing)
*Alimasag Exchange Xmas Card (I'm glad, madaming sumali)
*Alimasag Monito - Monita
*Alimasag Virtual Party (na pagkasaya-saya)
pero actually eh nag-aalburuto ako kanina kasi late na ko nakajoin dahil nagloloko ang isp ko, panay ang disconnect at sobrang bagal dahil sa mga pictures na nilagay namin. Pero nag-enjoy talaga ako.
*Nabuhay ang Alam nyo ba thread
*We have a new tanod - Ate Suplada
*Bumalik din si Jokla
*Sangkatutak na gimik with the alimasag peeps.. sana mas madami pa next year.
*Bumalik yung mga old timers ng barrio dahil sa blind items ni Jok.
*Nagkaron ng gimik and mga baguhan kasama yung mga old timers..
*and napromote ako to Kapitan del Barrio.

Merry Christmas to All of You and Your Family. .


Dec 12, 2004

Ate Thess...

I would like to thank Ate Thess for this wonderful blog skin...

Ate... there's no words I could express right now..
Alam kong nahirapan kang isipin kung anong magandang skin para loka-lokang tulad ko.
hehehe!
You're the best!! :)

Thank you so much!! Love yah!!


Dec 7, 2004

Laugh with Me

If you haven't read this at Tawa ng Tanghalan @ Alimasag.com

Halloween party sa house nila Bullit..
Masaya kaming nagkukwentuhan ng mother ni Bullit, his friends, and of course, him.

JR: Tita, ano tawag dyan sa isdang kinilawin?
B's mom: Tanigue
B: Favorite ko to eh..
J: Tita, anong ingredients nito?
sabay bulong kay Bullit..
"Eto na naman ako, nanghihingi ng ingredients.. hehehe!"

JR: Ano po? Paniki?

B's mom: Hindi.. tanigue..
dahil maingay sa background.. nakisakay yung isang friend..

Jonas: Paniki.. Oo paniki yan...

Bonakid: Ay.. Paniki pala yan..

biglang binitawan ang tinidor..
at dahil cool si mommy...


B's mom: ay! hindi ka ba nakain ng paniki? masarap yon hijo!

JR: Ayoko po non..

J: Ay.. paniki ba yan?
nakikisakay din..

B's mom: Ay! ano ba kayo.. di ba kayo kumakain ng exotic food? Yung aso nga, mas malinis pa sa karne ng baboy o baka..

JR and J: Ewwww...

B's mom: Eh yung kambing, di kayo nakain?

J: ay tita! nakakain na ko kaso parang mapanghe ang lasa.

Bonakid: hindi talaga ko nakain ng mga ganyan..
feeling sick with our topic

B's mom: Ay naku.. hija, pag ako ang gumawa.. Naku.. hindi mo malalasahan yon.. magaling akong magluto ng kambing.

*B: feeling proud to mom

Bonakid: Ayoko na..

J's mom: Daga? Palaka? nakakain ka na?
referring to Bonakid

at sabay sabad ang nalalasing na "ako"...

J:
Ay tita.. Nung palaka pa lang ako.. kumakain ako ng bata!.....

ooppppssss..


B: ano? bwahahahaa!!!

Imaginin nyo na lang yung tawa and buska nilang lahat after ng line kong yon.....



with bullit, his mother, sister-in-law,and jonas.





Dec 5, 2004

Why Are You Still Single

Joanne, you're single because you don't want to settle

You, more than others, have a fairy tale fantasy of how things should be. Ever since you were a kid, you've probably dreamed of the perfect wedding, coming home to a white picket fence, dog, and 2.2 kids (how does that work, anyway?). When someone asks what you're looking for, you don't skip a beat: You're likely to have a handy checklist that details your perfect partner.

Hair and eye color, height, religion, education, career, interests, the list goes on. While it's great to have standards — Hey, you shouldn't have to settle, after all — there's one slight glitch in your master plan: No one has made the grade in real life — at least not yet. Next time you're out with someone, keep yourself from mentally checking that list, and give love — and others — a chance. That special someone who you've written off may be perfect for you after all...

Hmm.... somehow I have to agree with the standard thing....
but as of now, I'm really not thinking of falling inlove..
nor seeking for the one who will love me... I have a lot of plans 'til next year,
and when I'm done with that....
Maybe, that would be the right time to give love a chance. ;)
________________________________________________________

At last!!!
Take a sneak on my shop...
with my new babies....

My technician Ian and his girlfriend.

As you can see, wala yung front cover ng casing kasi dinodouble check nya yung trabaho ko. :D
Yung may babae na nakatalikod, yung ginagamit nyang pc eh yung server ko. Naka-open na yung casing talaga nyan all the time kasi pumutok na yung ic nya :(
Yan na lang ang pinag-iipunan ko.

My brother Garry and our bunso... Tin.




Oh siya... Bawal na ang ngumiti bukas.. hehehe!
wala na kong mata... natakpan na ng eyebug ko kasi 3 days kaming walang tulog nyan... and syempre, masaya kami kasi natapos na din lahat-lahat at puede na kaming matulog.

As you can see... pinangalanan ko talaga yang mga pc ko ng mga favorite character ko sa Pugab Baboy. Nagsawa na din siguro ako sa numbers..
Minsan kasi nakakatawang isipin pag binanggit mo yung..
"hoy! yung nakaupo kay Brosia... time ka na!"
or kaya..
"Ate, may save ako kay Barbie."
or..
"Over time ka na! Kakagatin ka ni Dobermaxx pag di ka pa tumayo dyan." :p

Gusto ko sana yung mga pangalan ng mga chicks.. kaso mga bata tong naglalaro dito.
Ayaw ko silang magkaron ng malisya sa edad nilang yan. :)
Mas maganda na yung iniiwas sila di ba. ;)

As of now.. wala pa din akong kasama dito sa shop. May nag-apply yesterday, nag work na din sa computer shop pero masama ang vibes ko... hindi naman sa nangdidiscriminate ako ng gender kasi gay siya, pero nakakatakot magtiwala sa panahon na to. Konting sacrifice pa siguro, pasasaan ba't makakakita din ako ng bagong kasama dito.

Jun call on me awhile ago..
Ay grabe! Namiss ko siya.. it's been 2 months na din pala since our last talk.
Nakakarefresh din. :)
I want to see him.. sana magkita kami pagbalik nya dito sa Pinas.


*Minsan, inaabot talaga ko ng katangahan...
tagboards and some links wouldn't be available for a few days...
nabura ko po :(


Nov 24, 2004

. Grateful

After 8 months, nafulfill ko din ang not so long term plan ko. Kumpleto na din yung empty pc slot ko dito sa shop.
Last friday when we bought the 3 pc's, I just couldn't believe that "this is it" thing again. Sometimes, I still can't believe myself that I already have a computer shop... it's really like a dream come true.

Medyo matagal lang talaga yung process ng installation namin.. which took us 3 days to complete pero ok lang. Sobrang hirap ng pinagdaanan namin ni Ian, nireformat lahat ng pc pati ang server... Yung brownout pati ang puyat. Pero bilib ako sa kanya kasi nakayanan nyang di matulog for 2 nights. I just have a little problem with one of my new pc kasi corrupt ata yung video card nya :( Yan kasi yung ginagawa namin nung panay ang brownout. Siguro nasira siya dahil don.. Di ko tuloy magamit kasi naghahang. Gusto ko mang ibalik sa binilhan ko (which I have a 1 year warranty)... Wala na kong kasama dito sa shop. Di na siya napasok for 3 days na din, at ang hirap pa nyan... nag-cash advance siya sa kin. :( Hay! ba't ba may mga taong ganyan.

May ka-compete na din ako dito... Nagbukas siya 2 weeks ago. Ang medyo masakit lang sa loob, katabing-katabi ko lang siya. Oh well.. kanya-kanyang diskarte na lang yan. Challenge nga naman. :) Pero nung first 3 days nya eh kala ko last day na ng shop. Sobrang tumal talaga.. Pero ngayon, medyo nabalik na din yung mga customers ko atsaka sa kin pa di naman napunta yung mga students sa harap.
Ganyan talaga ang buhay... parang life.

Nov 7, 2004

Drowning

I don't know why I feel so broken hearted today.

  • Was it because Achilles passed away, due to a vehicular accident.

I'm so sorry for my baby Achilles.. I'll surely miss him. I'll be missing those nights that he's here with me on my shop... barking on those pangets. I'll miss his company. Last night before I went home, he was here with me.. I was browsing on Alimasag, looking for someone's post and I felt like crying.. He was watching me.. and I felt his body on my legs.. maybe he's telling me not to cry.. I looked down on him and smiled with teary eyes.. I told him.. "Sige achilles, dito ka lang ha.. Bantayan mo ko. Wag mo kong iiwan ha" and I stroke my hand gently on his head. Yon na pala yung last na lambing nya sa kin.

  • or.. was it the same old Bullit heartaches again.

I'm trying to analize why am I feelin' this way. Siguro combination nila.

I'm sensing something wrong.. Basta, I feel so down and I thank that alimasag people is there to fill up my mind.

Whenever I think of him today, I feel like my heart is crushing and I keep on holding back to the memories where our relationship started and how it break apart.. I'm messed up, feeling screwed again. And this question keeps filling up my head.. "Why do you keep holding on to someone who no longer loves you. What's fucking wrong with you?! I have this feeling that I want to go back.. go back to the days that I'm so carefree. Sometimes before I go to sleep.. I often ask myself with..

  • What would be my life right now if I didn't meet him? ~natuloy kaya yung kasal namin ni -----

Oh love... love is such a crazy game.


Nov 4, 2004

Miss Tsungit on the go..

Gumimik ako yesterday with the Alimasag people..
Ok naman.. masaya siya kahit 3 lang kami.
I'm glad nakahabol si Jeff... I wasn't expecting na makakasama siya kasi di ko siya matext kahit yung mga ibang friends, nakausap ko lang sila nung naghihintay na ko for Abi sa Makati..
I'm glad to see him again. :)

here we are..

Jeff, Abi, and yours truly.


I went home around 11 pm.. at natambakan ng sangkatutak na paper works. I finished 4 book report in one seating. Grabe din tong mga customer ko. May nakakainis, may nakakatuwa. Hay! Ewan. Natapos ako around 5 am, and slept around 6.. Sobrang puyat. Nakabawi naman ako kahit papano ng tulog kanina pero mabigat pa din ang katawan ko.

A few days ago, may nagpatype sa kin ng 3 chapter ng isang pocketbook, I asked him if what is that for, ang sagot... "summary report daw". Muntik na akong malaglag sa upuan. Nagpatawa na lang ako.. "Anong summary report? Eh nobela tong pinapagawa mo eh!" Mapilit siya.. eh ano bang magagawa ko, yon ang gusto ng customer di ba! Type dito.. type doon.. after 2 days, bumalik siya. Tapos na yung pinagawa nya, 16 pages and it will cost him P240.00 for the typing and printing job. Nung sinabi ko kung magkano ang bayad nya.. mukhang hindi ata kayang bayaran ni kumag. Ang nakakaasar bigla siya humirit..

"Ate, lagpas ba yan sa 600 words?"
ang sagot ko "Anong 600 words? Eh libo po kaya yan?!"
"Eh bakit ganyan kadami?"
"Sabi mo itype ko yung 3 chapter..."
"Di ah.. sabi ko sayo gawan mo ng paraan."
nairita na ko...
"Hoy sira-ulo ka.. wag mong painitin ang ulo ko ha. Sinabihan kita na nobela ang pinapagawa mo sa kin.. Sabi mo ikaw na ang bahala. Sinabi ko pa sayo na malaki ang babayaran mo pero sige ka pa din! Atsaka ano ka? Project mo yan, tapos ako ang papagawain mo?! Nagtatype lang kami dito!"

Hindi ko na napigilang pagalitan. Ang ginawa ni kumag eh pinalagay na lang sa diskette yung pinatype nya pero siningil ko pa din siya sa typing job. Until now, di ko pa din siya kinikibo.
Pano naman kasing di ako mapupuno, nung morning pa lang.. may mga estudyante na nagpatype ng book report din, 5 book report sa Dekada '70 and 2 book report sa Scarlet Letter.. Tapos nung sinisingil na sila eh walang mga pera. Samantalang nung pumunta sila dito last week eh sinabihan na sila kung magkano yung dapat nilang bayaran.. Hindi ko rin nirelease yung pinagawa nila. Bahala silang bumagsak sa subjects nila.
Medyo masakit sila sa ulo.. masakit din sa daliri at mata, mas lalo na sa bulsa.
Nasayang ang panahon at kuryente ko don. :(

Nov 1, 2004

Let me hear it from you

First of all... I would like to thank Ate Thess for the blinkies.

Haven't blog for a while.. Kaya eto na..

I have a good news..
  • 2 months na lang ang itatagal ng brace sa ngipin ko at makakakain na ko ng maluwalhati. hehehe!!!

2 days ago, nagvisit kami ng sister ko sa dentist namin at habang pinapalitan yung rubber ko.. biglang na-open ang topic sa pag-da-diet. Nag-Slimmer's world din pala si Doc.. well, effective naman talaga don kaso nung panahon na kliyente nila ako di nakayanan ng schedule ko kasi college na ko non and at the same time, lumipat ako ng Sampaloc para manirahan. Diet ang usapan, at dahil makulit ako eh.. bigla kong naijoke ang tungkol sa bf ever... Don nagsimula ang topic na "ba't ayaw mo pa kasing mag-asawa eh nasa tamang edad ka na". Napag-isip tuloy ako. Ang daming advantage ng pagiging single eh.. although I know that I'm ready to settle down in all aspect of life.. Merong kulang.. at yon ang GROOM!!!! bwahahaha!!! Naisip ko si Bullit.. pero... nah! Ayaw ko talaga munang isipin yan... PERIOD!

After sa dentist.. nagyaya ako na pumunta sa SM. I treat my sister for dinner at TokyoTokyo. We have to eat bago sumakit ang ngipin namin kasi nahigpitan nga. Actually, ako lang ang kwento ng kwento pero siya ang nagbibigay ng topic. May mga nabungkal na issues about Zsa-Zsa and her sister (my ex-bestfriend in college and padmates at Sampaloc). Kung pano nasira yung 4 years na friendship.. at hinayaan lang na ganon yung mangyari sa min. Siguro yon ang tinatawag na fate. It was hard for me to leave Sampaloc when I graduated in college because of her. Maybe, I just want to settle our misunderstanding and huwag hayaan na dumating sa point na mabalewala lahat yung lahat ng pinagsamahan namin. Oh well.. siguro ganon talaga ang buhay. Anyway, It's been 5 years... siguro nakapag move on na ko sa pagkawala nya.. but sometimes, I miss her. Wala na din naman yung sama ng loob ko eh. I just hope she's happy with her life right now.. and have her own "family".

While on our way home, may sinabi ang sister ko sa kin na medyo disturbing.. here it goes... "Ate, bat kasi ayaw mo pang mag-anak? bat ayaw mo pang mag-asawa. Dapat mag-asawa ka na... kasi dadating ang panahon na hindi na kita masasamahan sa gantong mga lakad dahil magkakaron na rin ako ng sariling buhay. Ayaw mo man, pero dadating tayo sa panahon na yon. Lumilipas ang panahon, dapat pag-isipan mo yan. Oo nga, masarap ang buhay single pero di mo pa ba napapagdaanan lahat? Di mo ba naiisip na isang araw may batang sasalubong sayo pag uwi mo.. na may makakasama ka sa pagtanda mo?" Shocking as it is.. saka ko na open sa kanya yung findings ng ob-gyne ko 2 weeks ago. It would be hard for me... but there's still a big chance kung maayos ang hormones ko. Kaya kahit gustuhin ko man.. hay!! I don't want to think about it. Dadating din yan at the right time.


Oct 16, 2004

Kapoy gid

Sobrang pagod ako the whole day. Nagpacheck up ulit ako kanina.. with Bullit as moral support. Ok naman yung result. Haay!! Nabunutan ako ng tinik pero nakakalungkot pa din isipin yung katotohanan. Next week, babalik ulit ako sa doctor. Hanggang kelan kaya matatapos to. Napag-isip isip ko kanina na siguro dapat kumuha na ko ng Health Insurance para naman just in case na mas may worst pang dumating dito eh nakahanda ako. Sana may dumating na lang na ahente dito sa shop na mapagkakatiwalaan ko tungkol dyan kasi wala na akong chance pa para makaalis since yung kasama ko dito sa shop eh pauwi na din ng Bicol next week. Sana makahanap agad ako ng kapalit nya. Sayang naman kasi kasundo ko na siya.

Pagod na pagod na talaga ko kaso may customer pa ko dito. Gusto ko sanang ibuhos na lang lahat sa gunbound kaso nag-a-update naman sila ngayon. Kaya eto, blogging ang napag-tripan ko.

Nag-iikot ikot ako sa alimasag kanina.. may thread akong nabasa about this book.. Yung "Purpose Driven Life", maganda kaya tong book na to? Medyo intriguing. Tapos kaka-ikot ko.. napunta ako sa isang thread about course nung college. Narealize ko.. parang naliko ata ako sa linya. I took BS Commerce Major in Bus. Management at bigla akong nalinya sa computer. Napractice ko naman yung course ko ng 4 1/2 years, pero kakaiba to. I have a related story about this 2 weeks ago.
Naubusan na ako ng supply ng bond paper and notebook. Habang naglalakad papuntang SM, tinanong ko yung sarili ko kung ba't ako pupunta sa National. Yon nga.. bibili ako ng mga gamit sa shop. Then, there's something inside me na biglang na-confuse ever.. yung biglang pop ng question na: "Anong shop?!".... "Computer shop.. ano ka ba! may computer shop ka na no!" Parang don lang nag-sink in sa kin na may sarili na pala akong negosyo. Medyo nagpanic pa ko ng konti kasi ano nga ba naman ang alam ko sa computer samantalang isang pc lang ang pinagpapractisan ko dati. Ah.. siguro, mabait talaga si God sa kin. Eto ako.. walang kamalay-malay sa computer tapos biglang natuto lang ng konti eh may instant negosyo na. This was my dream 3 years ago pa... and I never thought that it could happen. Oh well.. eto na siya. Thanks God. :)

Ok pala akong mapagod noh? May sense na kahit papano ang kwento ko. :D

Oct 15, 2004

Happy Couple...


Happy Couple...
Originally uploaded by bullitgurl.

Masaya naman kami pag magkasama.. kahit madaming problema.. basta magkasama kami. I don't know kung anong klase to.. pero ayaw ko na munang mag-isip ng kung ano-ano. Kung kami talaga.. eh di kami. Kung hindi.. Ok lang.

Di na naman masyadong masakit isipin kasi.. Nag move on na ako sa ganong feeling na what if di pala kami sa isa't-isa. Masaya yung company nya eh... I just love it when he's around. Ok siyang kaibigan.. Ok siyang lover...

Malaki yung influence nya sa buhay ko eh.. sobrang laki ng changes when he came into my life. Madaming painful memories.. Madami din namang masasaya.

Maybe, that's the reason why we're still with each other kahit ano yung dinanas namin sa isa't isa.

Oct 14, 2004

Gimik


rye,luch,bgurl and neo

Gumimik kami yesterday.. here's the pic. Ala si Bullit kasi siya ang nagpicture.. Sayang :(
I had a great time. Mas lalo na nung ginagawa namin yung mga cards atsaka yung don sa Neo print!! kaaliw.. Medyo mukha kaming tao don.

Anyway.. nagpacheck up ako kanina.. It's horrible. Para akong binabangungot. Eto ang pinaka-disaster sa buhay ko.


Oct 12, 2004

Sunset


1
Originally uploaded by bullitgurl.


taken at Tambognon, Catanduanez, Bicol last year.

Bigla kong namiss yung dagat... and some "PEACE OF MIND".. :)

love
Love

What Kanji word best suits you?
brought to you by Quizilla

Got this from Missy's blog.. I wonder what's wrong with me for the past 3 days, everytime my head hurts I feel like puking.

Oh God.. please.. Not this time. Bullit said, the problem might be on my new eyeglass. I tried not using it for a couple of hours, and I feel a little better. Mas gusto ko ang idea nya kesa sa tukso ni Chris sa kin.

Just had haircut and hilite awhile ago.... Putek!! Naiiyak ako sa presyo. Wala na bang mura sa Pilipinas? :(

Still overwhelmed at Alimasag. Last month, I was planning of resigning to my position, and this promotion came up. Of course, I'm happy. I guess, they are all right.. I dont have to do that just because of..... him. Oh well.. wag na siyang pag-usapan. Baka sumikat pa.

Si Bullit na lang ang topic at baka humaba pa ang wrinkles ko. Ay.. wag na nga lang.. basta, we're good friends.

I hope He could find me ASAP.. as in ASAP na talaga. I need a new love.. new adventures in life.. and a happy love.

I'm just too tired about everything.

Eto na naman ako.... bwahahaha!! Oh siya.. basta.. praning talaga ako. :p

Oct 5, 2004

Hunted dream

The boy is back and he's a ghost again in my dream.

Meron daw akong resort. Madami daw estudyante na nagsi-swimming. Nagkakatakutan silang lahat kasi may namatay daw don... and nakita ko na naman yung bata sa panaginip ko last week, at nagmumulto. Ano kayang ibig sabihin non?

Went out with Chris last night. Coffee talk.. sermon na naman ang inabot ko. Hay!!
Nakakasawa na puro tungkol kay Bullit ang sermon.. 3 years!!! Oh crap. Ayaw ko na muna siyang pag-usapan. Medyo ok na ngayon ang isip ko. Mas maganda talaga na wag na muna kaming magkita or mag-usap.

I'm happy kasi kateam up ko na si Ate Thess sa paglinis sa Ali.. di naman kaya maging berdugo sisters kami? lol!

Sep 30, 2004

What's NEXT?!

I'm feelin' good today.

Bullit texted and asked for some favor, and I reject it.
Maybe this time.. he should learn how to do things on his own.
Maybe, that's one of the reasons..
and of course I already have Sims 2... that's why I feel so damn good today!
Mind you.. medyo nawala ang pagka-adik ko sa gunbound.

I have a new friend.. hay! sobrang kulit! and he makes my mind occupied for the whole day. Ewan ko.. feeling teenager again.. pero... lagi kaming nag-aaway pero pag nakapag-usap naman.. Ok na ulit. Magulo siya eh... magulo din ako. Kaya parehas kaming nag-guguluhan. Peace babe.. hehehe!!

WAAAAAHHHH!!!
ang pagsisimangot at pagkasungit ko this past few months eh nakaapekto sa kin.
Tiningnan kong mabuti ang mukha ko sa salamin.. at nakita ko ang isang wrinkles sa noo!!

Gosh!! I don't want to look old!!! at ayaw kong dumating sa point na yon :(

At eto pa ang isang natutuwa ako.
I'm finally moving on with my life..
Napagod na din siguro na pilit kong isinasama pa din sa buhay ko si Bullit samantalang dapat hindi na.

at ang lovelife?

Bahala na muna si Batman.
Contented na ako sa gantong buhay.

wag lang sana muna akong aatakihin ng pagkapraning. ;)

Sep 26, 2004

Nightmare



Kanina, nanaginip ako... Hindi naman siya yung tinatawag na bangungot pero kakaiba ata to.

Galing daw ako sa school at kasama ko yung yaya ko papunta sa kwarto.. medyo madilim ang kwarto nung oras na yon, ang ilaw na lang namin eh yung galing sa hagdan. Habang inaayos daw namin yung kama ko biglang may kumatok sa kwarto. Natakot ako kasi kakaiba ang mga boses.. sabi "Tulungan nyo kami.. tulungan nyo kami..." Pagpunta namin sa pinto.. nakita ko yung mga humihingi ng tulong kasi may uwang na yung ilalim ng pinto ko. Isang babae dalaga na at isang bata na age 12-14 years old. Maliwanag sa isip ko yung mukha ng batang lalake kasi siya yung nasa bandang hagdan at nakikiingay sa paghingi ng tulong, samantalang yung babae eh natatakpan yung mukha ng pinto at parang nakadapa. Feeling hopeless.. kinuha ko yung celfone ko. Gusto kong humingi ng tulong sa labas pero di ko na nagawa kasi nagigiba na yung pintuan. Hinawakan namin yung pinto at nagdasal ako. Dasal na hindi ko alam kung pano ko mabibigkas dahil wala ng boses na lumalabas sa kin. Panay ang hingi nya ng tulong.. gusto kong sabihin na "hindi ko kayo kayang tulungan".. "Magdasal.. magdasal tayo." Nasira yung pinto ko.. tumakbo na daw kami palabas ng bahay. Sa hallway sa apartment namin eh puno na din pala ng multo. Nakita ko yung pamangkin ko.. kinarga ko daw siya palabas ng bahay at sabay kaming umiyak dahil wala pala sila daddy and mommy. Nagising na ko.

Alam ko yung feeling na yon nung nagising ako.. Maraming beses ng nangyari to, panaginip or sa totoong buhay... pero kakaiba talaga to.

Iniisip ko na isang senyales to na kelangan kong magsimba. So.. I decided na umattend ng 4:15 mass sa church namin. Isinama ko sa dasal ko ang nakakatakot na panaginip na yon... but what makes me freak out is this boy who sat infront of me. He's wearing a penshoppe black shirt... I know his face.. and it resembles to the boy in my dreams!

Fuck! Ayoko talaga ng gift na to!!

Gusto ko sanang lapitan yung bata after mass pero nagsesermon pa lang yung pari, umalis na siya... at siya lang mag-isa!!

Oh boy... how can I sleep tonight? : (

Sep 23, 2004

Pedicure.. anyone?

Habang nagpapamanicure/pedicure ako kanina.. napagkwentuhan na naman namin ng manicurista ko si Bullit. She's been my manicurista since I graduate kaya updated ang lola sa bawat chapter ng katangahan ko. 4 days kaming walang communication... medyo maganda na uli ang takbo ng utak ko pati na din ang kwento kay Jun, at sa isang bagong kakilala. We were texting... the new friend and Jun ng biglang may nagtext sa kin na ang pangalan ay Bullit. Nakaramdam ata na pakonti-konti na akong nawawala sa kanya. Nagtataka lang ako kasi everytime na may iba akong nakikilala at nag-eenjoy na sa sarili kong buhay eh bigla siyang sumusulpot. Baket kaya siya ganon?

Di ko maintindihan yung feeling eh.. pero di naman siya magulo. Di ko lang siguro pinag-uukulan ng pansin kasi busy ako lately and madaming nagpapa-occupy sa isip ko.

Bakit pag nagmahal tayo, pag dumating ang punto na hindi mo na kaya pero nandon ka pa din. Kahit nasasaktan ka nya, tumatahimik ka lang. Dahil ba sa duwag ka lang na harapin ang katotohanan na hindi ka na nya mahal or takot ka lang harapin na wala kang makakasama habang buhay? Siguro kaya mo naisip na panghabang buhay na siya na ang kasama mo eh dahil nai-devote mo na ang lahat ng oras mo sa kanya.. hindi lang ang oras kundi ang mundo mo. Mas close ka na nga sa mga kaibigan nya kesa sa mga kinalakihan mong kaibigan. Bakit pag dumating ang oras na ayaw mo na at gusto mo ng magsimula eh nalulungkot ka. Nakakalungkot kasi antagal nyong nagsama tapos mapupunta din pala sa wala ang lahat. Sa ilang taon na umiyak, tumawa, nagalit, nalungkot ka at siya ang nasa tabi mo.. Hindi ba't nakakalungkot isipin na hanggang doon na lang. Minsan, mahirap harapin at tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng bagay ay may katapusan.
Siguro nga hanggang don na lang.
Siguro nga, madami pa kong makikilala.
Siguro nga, madami pa akong dapat matutunan.
Malamang ganon na nga.

Yan ang naisip ko habang nagpapalinis ng kuko.

Hay.. buti na lang mabilis natapos, maglalaro pa kasi ako ng gunbound. :D
Konting experience na lang.. metal axe na ko. lol!
Naglaro kami ni Lara nung isang araw.. deads agad ako.
Di man lang ako nakapagpakitang gilas.. hahaha!!

Sep 20, 2004

Melanism

At the Miss International Contest

· The FIRST ever --
Eddie Mercado: "Angie Dickinson has insured herlegs for a million dollars, would you also do the same?"
Melanie Marquez: "No, of course no, because I am proud and contented with my long legged."

Accepting an acting award
· "Eto na po ang pinakamaligayang pasko at manigong taon sa inyonglahat." (yes, for a movie where she plays herself)

About her modeling school
· "You may want to be a model pero mas bagay ka pala maging beautyqueen, so I'll concentrate on your potential as a model."

Being a mother
· "I deserve my Miss International title kasi 'international' din angmga anak ko - may Filipino, may Arab, may Chinese at may American."
· When asked for a message to her daughter who was allegedly abused bytheir houseboy -- "Don't worry little angel, big angel is here."
· On what they should do to the houseboy who molested her kid: "Heshould be put behind bar."

On family·
"My brother is not a girl; he's a gentleman."
· "Kapatid ko pa rin siya. We are one and the same."
· "Ang tatay ko ang only living legend na buhay!"

Talk show moments
· Host: "Ano ba ang pinaka-favorite mong movie lately, Melanie?"
Melanie: "Maganda yung kay Emma Thompson at Kate Winslet, yung "Simple andSimplicity".
· Host: "Paano ka nag-susurvive sa mga trials mo?" Melanie: "Alam moate Ludz, you know, when you are alone, you really have to step yourfoot...ah , forward!"
· At a talk show after her break-up with Derek Dee, Melanie was asked if she had some words for Derek's mother (whom she partly blamed for theseparation)
. "Oo nga," said Melanie, "pero i-English-in ko para maintindihanniya." She looked into the camera and, with the peremptoriness of royalty,said, "And to you, Mrs. Dee, I have two words for you. Ang labo mo!"
· "Period na talaga; wala nang exclamation point." (When asked onS-Files if her present husband, Adam Lawyer, is her Mr. Right.).

Sa Xtra Challenge Hong Kong
· Melanie about Extra Challenge sa Hong Kong: "It's really an openeye(i.e. eye-opener)"
· "Eh nagmamadali na ko eh kaya tumawid na ko sa PEDESTRAL(pedestrian)"
· "....I think its because of the anxiety of curiosity....

"Joey vs Kris vs Melanie
· "hindi si joey ang tipong mambubugbog ng babae...talaga lang malapitsya sa mga gulo...pro-accident kasi sya eh..."
· "hindi ba kayo naawa sa kapatid ko...sa mga kwento nya? di ba kayonapersuave ng mga kinwento nya?"
· "Don't judge my brother; he's not a book."
· "...di sinungaling ang kapatid ko! sa mga pangyayari, sya pa ba angmay kasalanan? di ba nyo nakikita?! di ba nyo nakikita?! are you dep?!"
· "'Yung STD, baka sa maruming toilet lang niya nakuha yan."
· "Eh, ikaw ba naman, durugin ang ari mo... Pag di ka naman manutok ng baril."
· "We are lovers, not fighters."

· Melanie to Kris Aquino. "You're nothing w/o your parents!"

Sari-sari
· "That's why I'm a success, it's because I don't middle in other people's lives."
· "I won't stoop down to my level."
· "I am not an addict. I am the victims!"
· "I don't eat meat. I'm not a carnival."
· "Sumasakit ang migraine ko."
· While waiting backstage during a noontime show, after watching NikkiValdez do her dance number. "Nikki, you're so galing. You should go to the States. You will sell hotcakes."

My personal favorite
· "You can fool me once, you can even fool me twice, you can even foolme thrice. But you can never fool me four"

At bilang pagtatapos --
· "Bakit," Melanie said during an interview. "'Yung magagaling mag-English diyan, may Miss International title ba sila?

got this from an email...
there you go.. lol!


..................... start your week with a laugh everyone. :)

Sep 19, 2004

Scary yet Funny Saturday Night

Nanood kami ng Fengshui kagabi ni Bullit sa Megamall.. Syet!!! Mababaw lang talaga ang takot ko, napapasigaw talaga ako sa takot sa loob ng sinehan. Ok yung movie. Infairness, ok ang acting ni Kris dito and puede rin siyang pang international horror movie. When I was driving home, muntik pa kaming maaksidente. Gitgitin ba naman kami ng truck and kotse. Oh God! Hinihintay ko na lang na may marinig akong bunggo kundi deds na talaga kami. Buti na lang lumayo ng konti ang kotse. Whew!!

Eto, real life na. Pag-akyat namin sa kwarto ni Bullit, I was going to pee by then.. biglang sumigaw si Lola. Yung room ni lola eh sa baba.. sabi nya.. "Eeeeeeee!!! iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!! Lumayo kayo sa kin.. Alis.. eeeeeeeeeeeeee!!!" Sabi ni panget, ganon na daw si lola ngayon. Every night lagi siyang sumisigaw ng ganyan pero pag tiningnan mo naman sa kwarto nya, siya lang mag-isa. Umuwi ako around 2 am, hindi pa din nakakatulog si Lola. Pagsilip namin sa kwarto nya, siya lang naman ang nandon. Nakakatakot ang feeling. FYI, Lola is 100 yrs old now.
Naaawa ako sa kanya.. naisip ko, ayaw kong umabot ng ganyan katanda... mas lalo na yung may sumusundo sa kin kasi malapit na akong dumating sa katapusan ng buhay ko. I demand an instant death. lol! Ay! sabi nga pala ni Bullit, I should be careful with my wishes. Hay... napapangiwi tuloy ako.

Pag uwi ko ng bahay.. natakot na naman ako. Kung dati, natatakot ako dahil mag-isa lang ako, ibang klaseng takot yon.. it somekindda loneliness you feel at night at sa gabi, napapag-isip ka ng kung ano-ano. Ang feeling na to eh.. takot kang mag-isa kasi baka may mumu. I slept with the lights on. Alam nyo ba yung feeling na pumipikit na yung mata mo sa pagod pero pilit mong dinidilat kasi takot ka. Ayaw ko talagang matulog. Pag nafeel kong nakatulog ako, ginigising ko ang sarili ko. Nakatulog lang ako ng maayos nung sumikat na ang araw at pinatay ko na ang ilaw. Hay!! for 4 hrs na tulog, nakapanaginip pa ko, but it's a good dream. At ang meaning.. A new life with a new friend/acquaintance. :)

Sana nga.

*singit.. parang nakita ko yung cousin ni Chris kagabi sa Mega pero nahihiya naman akong pansinin. Actually, nilapitan ko na siya don pa lang sa Jollibee kaso di nya ko binati kaya dedma na lang ako. Tapos after nung movie, nakasalubong pa namin siya don sa pintuan pero dedma ulit. hmm.. Sana malaman nila na kung ano mang conflict meron kami ni Chris eh di sila damay.
Am cool...

(kahit mainit ang ulo all d time.) :p

Sep 13, 2004

Magpamisa na kayo...

Last friday pa kami huling nagkita ni Panget.. nagkasakit kasi ang pobre kaya siguro di nagyayayang lumabas. Anyway.. nagtetext and miss call naman siya.

For the past 2 days.. eto ang napuna ko. Hindi uminit ang ulo ko (yung tipo na pagsisisihan ko). Oh well, sana tuloy tuloy na to. Pasumpong-sumpong na sungit lang pero di tuloy-tuloy. May peace of mind ata ako ngayon.. or may peace of mind ako kasi di ko nakakasama si Bullit. Kung may tao nga naman na source ng galit ko.. share nya yung 75%. Maybe that's what happen when love and great shit of hate of collides.

Achilles was hit by a tricycle 3 days ago.. Napilay yung left leg nya tapos si Schat naman.. pinaglaruan ng mga salbaheng tambay 2 weeks ago, ang laki tuloy ng sugat sa leeg. :( Wag lang talaga silang papakita sa kin, babasagin ko mukha nila >:( Oh well.. ok na naman ang mga anak ko. Minsan talaga pag busy, di maiiwasan na makalabas sila ng canteen ni sisterlet. Pagaling na yung sugat ni Schat and medyo nakakalakad na din ng maayos si Achilles. Nadala sa pagmamahal na hilot ng nanay nya. :D Di na siya iika-ika ngayon.. para na lang pike kung maglakad.

Hindi nga ata sila magkapatid. Tinitingnan ko silang mabuti kagabi, parehas lang sila ng tenga pero sa mata eh iba. Atska mataas si Achilles unlike Schat na maliit and yung katawan ang humahaba.. parang hotdog. Atska green eyes si Schat, si Achilles eh ordinaryong brown lang. Kelangan ko sigurong pigain yung nagbenta sa kin kung san nya nadampot tong mga anak ko. Ok lang kung wala silang lahi or mahina na yung lahi nila kasi matatalino tong mga anak ko. :) Atsaka alam kong labs nila ako. Kaya pala nabangga si Achilles kasi one time, sinama siya dito nung sister ko nung nirenovate naming tong shop. Siguro.. hinahanap hanap ako nung gabing yon na kasalukuyang nagpipintura.. ayon.. nabangga na nga. Napatakbo tuloy ako nung sinabi sa kin yung nangyari. Hay!! Salamat na lang at yon lang. Yung aso kasi ng sister ko, namatay din sa bangga 3 months ago. Sinusundan din kasi siya non kahit san siya magpunta. Kagabi naman.. marurunong na palang pumunta dito yung mga anak ko.. Nagulat ako may sumusundot sa puwet ko.. si Schat na pala. Hehehe!! Sabi nung tindera namin, mga ilang gabi na din na pumupunta sila dito sa shop. Timing lang na bukas ang pinto ko kaya nakita nila ko.


Sep 10, 2004

Bgurl~~ as in... Busy Gurl

Been busy for awhile.. Nirenovate namin ang shop. Oh well.. mas maganda na siyang tingnan ngayon and medyo lumuwag na.

Di ako masyadong makapag-Ali ang gumawa ng entry sa blog coz since renovation, laging puno ang shop.. (THANKS GOD!!!) Masyado talagang busy ang byuti ko..

Anyway.. sasagutin ko na lang yung mga tag nyo.

@ Jeff - hello schat!! wow! parang namiss mo ko ah.. hehehe! ang haba pero nakakatuwang basahin.. I'm still thinking about that credit card pero di masyado ngayon.. Madami pa akong ginagawa. I'll call you one of these days. Grabe.. until now.. nabobroken hearted ako pag naaalala ko ang chocolate na yon. Dapat bago ako mamatay.. MAKATIKIM MAN LANG AKO KAHIT ISANG PIRASO NG CHOCOLATE NA YON!! GRRRRR!! tama ang advice mo.. at napaisip ako sa pagreject ko don sa babae sa credit card.. hehehe!! ganti ganti lang.. :D

@ Missy - waahhh!! mali po kayo!!! I went home with an empty hand.. :( Pero hello pa din.. :) usap ulit tayo next time sa phone ha..

@ Neo - lagi namang malakas ang tama nyan ni Bombi eh.. hehehe!! Hello! ano nga pala ulit ang celfone no. mo? I'm trying to call you pero wala na ata yang sim na yan.

@ Ymir a.k.a **** - hehehe!!! umamin ka na!! miss yah! ;)

Alam nyo ba, grabe talaga ang kapangitan ng ugali ko ngayon. Sobrang uncontrollable ang galit ko na pati Mama ko eh natamaan ko ng kasungitan kanina. I still feel guilty about it, though I already said sorry and nilinis ko yung dalawang aquarium.. Nagi-guilty pa din ako.
May bago kasi akong baby.. flower horn, 2 1/2 inches pa lang ang laki. Actually, gift ko yon sa Mama ko, sabi ko sa kanya na ako ang mag-aalaga. Kaso, kaninang pag-gising ko at pakakainin ko sana yung isda nakita kong may mga kasamang isda maliliit, yung pangkain nya sa arowana nya. Naaasar kasi ako sa isda na yon kasi madumi sa aquarium atsaka namamatay agad! Minsan, hinihigop pa nung pump at nagpapadumi sa tubig. Eh siya ang naglagay ng mga buset na isda. Ayon, umakyat hanggang langit ang dugo ko. Dyaske.. kaaga-agang galit. Reklamo too the max with matching lakas ng boses.. Ayon, pinagalitan ako at nilayasan ko siya. Nung mahimasmasan ako.. saka ko naramdaman kung gano ako kagagong anak. I shouldn't do that to her. Ang kapal ng mukha ko. Nung mag-sosorry na ako, umalis pala sila ni Daddy. Di na ako nag-dalawang isip.. I call her on dad's celfone at nag-sorry.. napaiyak pa ako nung nag-aapologize sa kamalditahan ko. Ayon... pag-uwi nya, pinasalubungan ako ng siopao. Peace na kami ni Madir. :) pero super guilty pa din ako until now.

Sep 3, 2004

Tantrums

I had a brunch date awhile ago with Bullit. I almost forgot that it's friday today at kakatapos pa lang ng sweldo, sobra naman talaga ang traffic. Ang kawawang Bullit, nakaranas na naman ng tantrums ko. Di pa din pala napapaayos yung aircon ni syoting kaya sobra ang init!! I regret wearing black shirt on a hot weather.. mas mainit! dyaske! Nadidisolve ang mga natutulog kong mantika. It almost took us 2 hrs bago nakarating sa G4. Hate ko talaga yang traffic na yan. Kainis! Mas naalibadbaran pa ako sa mga barumbadong driver. Muntik pa kaming masandwich and masangga ng bus. Que horror!! I was screaming talaga.. as in konti na lang!

Naaawa naman ako kay Bullit.. spoiler talaga ako sa mga times na dapat maganda para sa min. But what can I do? Last week, I also had this bad temper and I told him that maybe I need an anger management. He asked me... "Why do you have to make simple things complicated?! You don't need that.. you just have to accept it and there's nothing you can do! Oh sige.. Gusto mong palipadin tong sasakyan? sige... palipadin mo." Ok.. pissed off na siya. Not because of the traffic, kundi sa ugali kong ewan ko ba. Kahit ako minsan di ko na maintindihan.. Minsan sobrang calm tapos tatawa-tawa pa ko tapos bigla na lang nagsi-shift sa pagkabwiset.. na parang sa sobrang frustration sa traffic eh parang gusto kong kumuha ng kutsilyo at maglalaslas ako! Actually, yan ang naiisip ko pag aburido na ako sa traffic.

At sa sobrang inis ko.. parang gusto ko ng mangibang bansa. Pero pano kaya mangyayari yon? Haaa!!! Lintek na traffic yan!! Kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko!

"Come to think of it.. it almost took us 2 hrs to go here and then ilang minuto lang tayo kakain!" Bullit muttered. I just smiled on him.. at wala na yung topak ko. Yon lang ang ginawa namin sa Makati, nagbrunch and then pumasok na siya sa office...

Ah.. Oo nga, bumili pa pala kami ng cologne nya. I was on a happy mode, I saw Leonidez/s.. yung chocolate outlet na matagal ko ng pinapangarap tikman. Nangulit ako na bumili kami non.. Ayaw ni papa, ang mahal daw. Mahal naman talaga... 4 pcs for almost P200, 1x1 1/2 inch lang ang laki nya. Kabisado ko na yung itsura kasi hanggang tingin na lang ako. :(

and with our kulitan mode..
"Ano bang makukuha mo dyan sa chocolate na yan? tatangkad ka ba? papayat ka ba? gaganda ka ba? ha?!"
"gusto kong matikman yon eh!.. sige na.. bili na tayo kahit 1 pc lang!!"
"sabihin mo muna sa kin kung anong mangyayari pag nakatikim ka non.."
"eh di madadagdagan yung taba ko!".. "oh sige.. sabihin mo din sa kin kung anong makukuha mo pag nagpabango ka.."
"Oh sige.. di na lang ako bibili ng pabango"
"Oh di sige.. di na din ako bibili ng chocolate"

non-sense na usapan pero minsan nakakamiss din..

I went home without the chocolates and he went to the office with his cologne. Madaya!

I'm so happy for Chris, may computer shop na din siya. I visit his shop the other night.. napapag-isip tuloy ako na magrenovate. I like his shop. Pang-internet talaga, unlike mine na pang games naman. Oh well, kanya-kanyang trip ng customer yan :)

Gusto ko na din magdagdag ng computers, napapag-isip na din akong kumuha ng swipe it card.. :D Last month, may tinarayan pa kong babae sa telepono na every week kung tumawag, just informing me na qualified daw akong kumuha ng credit card sa kanila. Sa sobrang inis ko (kasi for 2 months, ganon na lang palagi).. I asked her.. "Miss, I've been receiving calls from your bank every week, informing me that I'm qualified to have a credit card. Can you please delete my name on that list coz I'm not interested." Hay! nakatikim ng katarayan ko. Bumalik ang karma sa kin. Nyahaha!! Oh well, di ko din naman kasi gusto yung bank kaya lagi kong nirereject. Pinag-iisipan ko pa kung san maganda kumuha ng credit card.
Hmmm... here I go again.

Sep 1, 2004

Give up

Hay! Alang magawa..

The whole day.. 2 bagay lang ang tinutukan ko..

PC.. alimasag.. blog
tv..

Nandito yung technician ko, nagawa din pala siya ng web page. Naisip ko, baka puede kong matulungan ni kumag ayusin yung blog ko. May nakita kong magandang skin kanina.. kaso gusto ko siyang iedit. Sinimulan nya kong turuan ng basic around 10... 2 am na ngayon at give up na ko. Siguro kelangan muna naming magbes0-beso ng ms frontpage para friends na kami bukas. For sure, mapapanaginipan ko to. :D

Eto na naman ako sa gabi. Kahit pagod maghapon eh hirap na naman sa pagtulog. Ba't na naman kaya. Ang gaganda pa naman ng panaginip ko lately. Di ko na matandaan.. basta.. magaan ang gising ko kinaumagahan. :)

Walang masyadong happenings.. basta, medyo relieved na din ako ngayon. Ano ba to.. lahat ng friends ko na lumalapit sa kin ngayon eh puro lovelife ang problema. At eto na naman ako.. nagmamagaling magpayo pero sa sarili, bokya naman.

Aug 29, 2004

Moody Me



too emotional, sensitive, cheerful, funny, depress lately.
Oh yes.. sometimes I cried alot.
I dont know how do to deal with this.. maybe I'm just feelin' a little crazy, tired, and bored.

Guess, I'm stressed for the whole week.

Bullit suggested that I should rearrange my routine coz I was beginning to get bored and not challenged.. Maybe, he's right...

.... or maybe I'm the one who's wrong.

Aug 24, 2004

What I feel today...

Tired
Wala na naman akong kasama dito sa shop. Wish ko lang, makakuha na ng bagong tindera si Mama para makabalik na dito si Sheryl. Ang dami ko pa namang plans. Wala naman, puro kakikayan lang. Ang mahal naman kasi magpa-hairdye sa parlor. Kaya naisip ko na kaming dalawa na lang ang magkukulayan. Oh well, napurnada ang pabyuti.

Irritated

Ewan ko.. iritadong iritado ako don sa isang babae. Hindi ba siya manhid? Ayaw na nga sa kanya nung iba eh panay pa din ang hirit nya. Hay! No further comment. Basta, inis ako sa kanya! Period!

Excited

I'm glad Ate Thess is back from her vacation. I can't wait to talk to her again. Asan na ba ang hitler at sa offline message lang kami nagkikita. :(


Wag lang sana akong masabihan ng "talk to my hand jo" :p

Disappointed

... sa result ng test ko kaninang umaga. At dumating pa ang katotohan nung lunch time na hindi talaga totoo. :( Iniisip ko na lang na ... "maybe, this is not God's plan for me".. Optimistic ako ngayon.
Kung puso ang paiiralin ko... nakakadepress talaga. Pero kung yung isip.. Tama lang.

To top it all.. my day is Good. It wouldn't be complete if I didn't feel depress and irritated. :)


paextra lang...

Punyeta!! mas naiirita ako. Ano ba naman yung respeto na tinatawag. Siya na ang humihingi ng pabor tapos tatawagin pa kaming alipores.. Bastusan na to. Though di ko cover yung forum na yon.. masakit pa din pakinggan. Hindi kami binabayaran sa site na yon para mahingan ng pabor at magpatawag ng alipores lang. Gusto kong mag reply pero ayaw kong lumaki ang gulo... pero punyeta talaga... At anong sense of humor ang gusto nya.. Matatawa ako pag tinawag yung mga kasama kong Alipores?! Pu**ngina!

Aug 23, 2004

:)



May dumating akong customer 2 nights ago. Nag-internet siya and naglaro ng games. He was smiling at me the whole time he's here.. Naisip ko, siguro friendly lang talaga. When he's done with what his doing at habang nagbabayad..

customer: Ate, naalala mo yung resume na ginawa mo sa kin dati?
I couldn't recall it.. but I remember his face..
j: oh.. Bakit?
customer: Nakapasa yung resume na ginawa mo.. Natanggap ako don sa trabaho na inaapplayan ko. Thank you ha.

Konting chika about the work he's into coz he's also studying at the same time.
Feeling accomplished ako that night. I'm happy coz nakatulong ako in my little ways. Atleast, parang naramdaman ko, may purpose pa din pala ako sa mundo. hehehe! Mas lalo na ngayon... There is something wrong... errr right. I'm a bit afraid.. excited.. worried... and paranoid. But whatever the result would be is.. I'll keep it. I don't want to regret it. Bahala na lang muna. Tutal, di pa naman sigurado.

I haven't blog for awhile.. Wala din akong maisulat masyado kasi busy kami. It's still the same as last week.. Ngayon, di ko na alam kung pano kasi bago na ang sched ni Bullit.. I'm missing him already. Sabi na nga ba eh.. ayaw kong nasasanay na nandyan lang siya. Pero ok lang naman ako.. di na irritated like before and madaming iniisip. Ayaw ko munang mag-isip isip.
I'll just watch my life goes by. :)



Aug 15, 2004

A Week Full of Happiness



Too thankful for this week.
How I wish it never end.

Since Bullit started his training in Makati, he never failed to stop over my shop after office hour. Masyado daw matraffic kaya tambay na lang daw muna siya.
I had never been so happy like this for the past few months.
I just feel complete again.. and I don't know why.
Maybe, I'm just glad that he's just around... and syempre, with the thought that you don't obliged or even invited him. Yung kusa lang na gusto nya dito.
I appreciate those wallpapers na ginawa nya, well.. every pc eh may kanya-kanyang layout. Kaya ko namang gawin yon but I don't have the time.. atsaka infairness, creative kasi siya. Di tulad ko na contented na sa plain.

For the past few days, I feel like being someone's wife again. Oh siya.. dream on but that's how I feel. When I wake up in the morning, all the thoughts in me are ... "ano kayang ulam namin mamyang gabi pagdating nya?".. "magbake kaya ako mamya".. "maaga kaya siyang uuwi?".. "magluto kaya ako.. ano kaya yung madali lang lutuin"
Hopeless case talaga but I'm happy and I never regret it coz maybe.. I accepted the fact that it's over for the both of us... and the only thing left for us is the thing we call "friendship".. with benefits? hmmm... puede pero ayaw kong isipin na ganon.

We spend the whole weekend together.. I'm glad he still have a spare clothes with me. Puro movies ang inatupag namin and very relaxing talaga. Buti na lang may kasama na din ako ditos a shop. I'm just afraid to sleep alone again tonight. Hay! mumu thing na naman. Bahala na si Batman mamya.

Tomorrow is a good day to start.
Kelangan ko na talagang mag-gym.. Aero, taebo.. kahit ano! Atsaka diet na talaga.
No more chocolates, no more ice cream!!!
Di lang para magboost ng aking confidence.. di na rin kasi magkasya yung mga damit ko sa kin. waah!!
Kung pupunta pa din siya dito tomorrow (2 weeks daw kasi siyang pang-araw), eh di GREAT!! Kung lie low muna siya... Ok din lang. There are so many things to do din naman.

I remember last week, I bought a skirt.. actually I already have a blouse na match don. Excited ever ang byuti ko pag-uwi para i-fit ang blouse. Anak ng patis!! Nagmamakaawa ang mga bilbil ko!! Oh my gulay.. Muntik pa akong malate sa kasal ng friend ko kakapalit ng outfit, buti na lang may nagkasya pa. :)

I'm having a hard time being a schezoprenic. Mahirap pala pag di ka ganon. hahaha!! So, ano ba talaga ang gagamitin ko? Yung isa na magpapawala nung image ni panget sa kin or yung matagal ko ng ginagamit na puede kong gawin lahat ng gusto ko.. kasi don ako nakilala and madali lang talagang humirit kasi ... yon ang personality ko talaga eh. Well, I can be me with the other one but I know deep inside me that there is something missing... and I am not enjoying it as well. Siguro dahil sa log in- log out na yan.

Aug 12, 2004

Si Tolerante at Suplada....

Anak ng teteng... Ay! ayoko na lang magreklamo coz I love what's happening right now.

Since Bullit left his job 3 weeks ago, we've been seeing each other often.. or let me say.. everyday. Oh no.. di ako napapagod. I'm just afraid na masanay na naman sa presence nya. He got a new job at Makati (near my place).. and he's at training right now. Awhile ago, we've been talking about my "suitors to be"... I asked him kung kikilatisin ba nya or ano yung gagawin nya when it happen. Tingnan ko na lang daw ang mukha nya. Pramis.. Ang pangit ng itsura nya. :D Pinag-isip nya ko kung ano bang gusto nyang mangyari.. Hmmm.. Maybe, the best thing with that is... I showed him na nagsisimula na akong mag-isip na papalitan ko na siya... and he needs to re-assess his self.. at kung ano ba talaga ang plano nya sa king buset siya.

Toleranteng konsensya: At ba't nga ba parang napaka-allergic ko ngayon sa term ng manliligaw. Wala lang.. tinatawanan ko lang minsan yung mga customer ko na nagtatanong kung may bf na ako.

*esep-esep*

Supladang konsensya: Pano ba naman sila makakaporma eh every week ata eh nandito ang panget of my life... Walanghiyang Bullit na to! Kaya walang nanliligaw sa kin eh!!

Masaya naman.. I'm beginning to move on with my life.... with him around. Ang ayaw ko lang sa kanya, when he reminisce. If there were things he wanted to bring back in his life, yon yung buhay pa yung dad nya.. and the second one is.. Yung bago pa lang daw kaming mag-on. Napakagulo.. I don't want to jump into conclusion after he said that. I also share my piece.. Well, yon din naman ang gusto kong balikan, yung di pa siya napunta sa London... Masaya kasi non eh para kaming honeymooners. :)
I remember going to the church every sunday with him and have a dinner on my place.. or just a plane lakwatsa sa mall. Namiss ko din yung pagkain ng isaw malapit sa kanila.. and he miss it too pero yung dito naman sa amin. We didn't fight.. we didn't argue about things.. We dont get jealous to anybody. We both have that love and respect to each other.. I don't know what hits him at nagloko na siya after he came back from London. Siguro, naiwan yung Bullit ko sa London at ibang Bullit na yung bumalik dito.
But that's life.. Some good things never lasts. At yon ang masakit na part ng buhay.

Maybe next week, di na din kami masyadong magkikita kasi pang-gabi na naman siya. Hay! Sana pang-araw na lang siya forever. Mamimiss ko naman yung dinner with him everyday... yung text nya nasa kanto na lang siya. Hmmm.. Magluto kaya ako tomorrow tapos bake naman sa friday.

Toleranteng konsensya: Good idea panget! Grab the opportunity while it's there... kung sa'n ka masaya. Sige lang.

Supladang konsensya: Yan ang sinasabi ko sayo!! Wag kang masanay na nasa tabi mo siya!!!

*opo.. buset na konsensya!!*

Right now, I'm thinking of going back to the gym.. pero ang bigat ng pwet ko para tumayo sa kama ng maaga. I'm oversleeping lately.. and that's bad. Kahit si Panget eh nagugulat sa katamaran ko. Dati, pag naka-6 hrs sleep ako eh tuwang-tuwa na ko. Pinaka-worst yung kanina.. 12 hrs!! Pero parang gusto ko din. Ang sarap managinip. Ang ayaw ko lang pag nagigising na ko kasi masakit na ang likod ko, ganon talaga ata pag napapasobra sa tulog.

Supladang konsensya: Mas maganda ngang yan na lang ang isipin mo.. kesa bullit-bullit ka dyan.

*abah! humirit pa!!*

Oh siya.. makisakay na lang kayo sa trip ko. :D




Aug 9, 2004

Back on the limelight again

after the big blow from Bullit last week that makes me feel depress so much...
that makes me decide to isolate myself from the outside world for awhile.
I know it doesn't make any sense coz it wouldn't leave me behind.. so what the heck! I have a life of my own.. Why do I have to suffer on something I didn't do.
Hell! I just love him so much that's why I am so affected.

Well, I should still be thankful:


for the sun..
for the moon..
for the sky so blue at night..
for the stars, that I've been longing to see when I'm feelin' blue...
for the air that I breathe..
for the rain..
for the water..
for my vitamins to keep me away from flu..
for my friends who keeps on praying for me..
To God who give this all to me..
for my computers, that gives me simoleons to keep me going..
for my customers...
for my mom, who let me borrow her diamond earrings on my friends wedding.. I realized, I have to invest on jewelries..
for my sister, for letting me borrow Chi-chi for awhile and accompanying me to buy a skirt and shoes awhile ago..
To Joshua, for his sarcastic remarks na sapul ako palagi..
to my brothers.. na puro kakulitan ang inaabot ko..
to Bullit, who gave me a 3100 celfone.. and giving me so much pain and loneliness..
to Bullit, whom I love so much but doesn't deserve anything from me at all...
to Bullit.. for all those happy moments and love we shared..
for my ex's.. and their wives and babies..
for this celfone, that makes me escape me for awhile...
for my dvd player who accompany me when I am bored..
for those songs who makes me sad and makes me feel worst sometimes.. but not them all...
for the creator and supporters of Blogspot...
for the Alimasag friends and administrator...
for Yahoo messenger, where i can get intouch with my friends..
for that bastard who get the key in my house, coz if not from him.. I wouldn't be blogging...
for my bed and pillows, that gives me comfort at night..
for my kumot, that keeps me warm at cold nights and stay me away from mosquito bites..
for the aircon, that keeps my shop cool...
for the electricity...
for my electric fans..
for this mouse...
for this keyboard..
for my television set...
for this dress i wore today.. sige.. lahat na lang ng outfit ko for everyday....
for GPRS!...
thanks to my friend, for inviting me on her wedding coz na-unwind ako..
thanks to Globe telecom...
for San mig light.. knocks me off to bed agad...
for the medicines I'm taking everyday to keep me alive...

Did I miss something?..

forgive me for those things I missed. Tao lang po.

I miss myself so much..
I miss the lady who stand after something hit her...
The lady who never escape the world..

I'm still feelin' broken....

I panic when something wrong happen..
I mourn when there's nothing to mourn for...
I got easily affected with something that doesn't matter on my life anymore.
I can't even fight for myself..
I can't even show him how mad I am..
or tell him how that I can't understand it anymore..
or maybe tell him it's over.. let's stop fooling around.

I'm too confused.. afraid.. and still devastated...

Sometimes, I wonder..

...... How could people get along with me?

Aug 5, 2004

Ang Puno't Dulo ng Pag-ibig



Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo diba? Pero ang linaw. Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?! May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama'y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman. Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama? Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"

At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko. Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

Aug 4, 2004

I wish I wasn't

here's a few line of our favorite song...
a song he likes so much but he doens't know it's a song for him.

I wish I could tell him to leave me alone.. but I promise him that I will stay forever by his side, no matter what happen. And now.. here I am again. So confused.. wishing my days will end.
Wish I could stay a little longer to keep my sanity with me..

I wish I wasn’t in love with you
So you couldn’t hurt me
It just ain’t fair the way you treat me
No you don’t deserve me
Wasted my time thinking about you and you ain’t never gone change
I wish I wasn’t in love with you
So I wouldn’t feel this way

When you touch me my heart melts
And everything you did wrong I forget
So you play me and take advantage
Of the love that I feel for you
Why you wanna hurt me so bad
I believed in you thats why I’m so mad
Now I’m drowning in disappointment, and it’s hard for me to even look at you
I wish that you were home
Holding me tight in your arms ooh baby
I wish I could go back
To the day before we met and skip my regret

Said you care about me, but from what I see
I ain’t feeling that, so I disagree
Gave you all my love and understanding and you treated me like your enemy
So leave me alone, don’t want nothing from you
Just go back where you came from this house is no longer your home
You can not never come no more

I wish I wasn’t in love with you so you couldn’t hurt me.

Jul 30, 2004

Broke

"Ang kawawang cowboy..
may baril walang bala.... 
May bulsa, wala namang pera."
 
Sobrang nakarelate naman ako sa kanta.. 

2 days from now.. We will have a big gathering on our house because it'll be Joshua's 4th bday.  As in big talaga.. knowing my mom.. di siya papayag ang ang first apo eh walang handa.  So, she invited all of our kamag-anak and family friends.  
I saw one of our aquarium, looking so empty because almost all of our salt water fish died coz my sister cannot maintain it anymore.  I have a little cash on my pocket last night and decided to go to SM and buy some fish...  ano nga pala yung pangalan nung petshop na yon?  Anyway, it cost me 500 simoleons para lang sa mga isda but it doesn't really matter sa kapalit na ginhawa na maibibigay non pag gusto mong mag unwind sa harap ng aquarium... and ofcourse, di lang yon ang reason.  Nakakahiya naman sa mga bisita kung mga 5 pcs na isda lang ang makikita don.
 
"it's been a while, I haven't sit and relax infront of our aquarium bcoz of my busy schedule..  it just happened awhile ago while eating my merienda.  ang sarap ng feeling na nakatingin ka sa kawalanan..."
 
I went to Greenhills awhile ago.  Ok na ang printer.  Madumi pala and naihian ng lintek na daga.  Lagot talaga sa kin yang mabait na yan pag nakita ko.  Grrrrr!!!  Ang mahal ng bayad sa repair!  Nyemas.  At the same time..  nangati ang kamay ko.  Pinag-iisipan ko lang to last night pero natuloy na din.. I bought a DVD player and konting dvd movies na din.  Gusto kong maiyak kasi halos murahin ako ng pitaka ko kasi wala ng matitira sa kanya.  Sige, ok lang yan.  Atleast, may bagong gamit at mapapakinabangan ko din naman. 

I have a pic of Chi-chi, she's here with me at ayaw umalis sa kili-kili ko... Nakakuha ba naman ng instant kama.. tulog-tulog ang pobreng unggoy.   This is courtesy of my webcam na ok na din ngayon.. Yehey!!

Uncompromising position...

i know what you're thinking... Oh no.. no.. no!!!!! 

:D


Jul 29, 2004

Bloated

As I planned yesterday... natuloy ang punta ko sa Greenhills.  The printer would take 3 days to be repaired.. sabi nung technician...  Sana nga.  I have to post it here at baka makalimutan ko na naman.

Grabe... I'm so kaka-full!  Antakaw ko today!!  :(
I had my breakfast around 10 am, as in rice talaga. 
after 3 hrs, nag shawarma ako sa Ghills.. at di pa nakunteno.. nag beef brisket rice and koapao pa ako sa Le Ching.  Di na ako makahinga sa sobrang busog.  Pramis!  Bigat na bigat ako sa tiyan ko. 

Kanina naman... nag-spag pa ako kasi bday ng bro ko.. Hay! bumalik na naman ang bigat ng tiyan ko.  Greedy!!  Parang nasa leeg ko pa yung kinain ko until now.  

Dinaanan ko din si Papa sa stall nya kanina.. wala na naman siya kundi yung wife nya.  May bago daw na stall sa Marikina.. don daw siya busy ngayon.  Kung bat kasi papalit palit siya ng sim.. di ko tuloy mahagilap ang tatay ko.  Miss ko na papa ko.  :(
Well, si Mama naman... naglalambing kanina.  I'm glad nagustuhan nya yung pasalubong kong koapao.  With matching appear pa kami kanina nung tinanong ko siya kung nagustuhan nya yon.  hehehe!! 

It's nice to catch up with Ate Armi and Jun.

Sino kaya ang mananalo sa most wanted thread this year? hmmm.... :) 

Jul 27, 2004

Nagkakamay ka ba?

Inspired by my nephew, Joshua..

It was my first time to see him eating with his hands... and without his yaya beside him.  Nakakatuwang tingnan.. Everytime I went to my mom's apartment, lagi kong hinahanap ang baby namin... I found him on our cashier's apartment at nakikikain.  At yon na nga ang naabutan ko.. tapos na silang kumain lahat at si Joshua na nakikikain na lang ang nasa table at sarap na sarap sa pagsubo.   It was his 5th round! Gosh!  Ang lakas kumain.. Well, di naman siya mataba pero grabe ang appetite nya kanina.  Natutuwa akong tingnan siya.  I rushed to my mom and tell her what Joshua is up to... Tuwang tuwa din si Mama, after 5 mins.. nasa kwarto na si Josh, and inakay ang lola nya.. Sabi nya "mommy! ang sarap kumain kila Jan-jan.. Lika!  mag thank you tayo.."  Nagugulat ako sa gesture nyang yon.  He's turning 4 on August 1..  Hay! Parang kelan lang. 

------------------

After feeling so low last night.. parang maganda ang start ng morning ko. 
ano ba to't lagi kong napapanaginipan si Jeff.... pang 4th time na sunod-sunod na to ha!  Nagtataka na ako. 

Arond 10 am, my assistant woke me coz she's having a problem on one of our customers.. internet thing kaya naparush ako ng labas ng bahay.  I'm still wearing my pantulog... at ang naabutan ko.. Isang napakacute na nilalang.. Hay! kaya naman maganda ang umaga ko.  Buti't nakapag toothbrush at suklay ako..  pero dyahe pa rin.  Actually, he's nice.  Makwento...  He's working at a Call center which reminded me of him again..  Inayos lang nya yung resume nya and then nagpa-scan ng pic ng gurl.  I thought she was his girlfriend..  sister pala.  As I was editing the picture, nagtaka ako kasi bigla siyang natawa...  pagtingin ko sa kanya.. sabi nya.. "Wala.. natatawa lang ako sa itsura ng kapatid ko.."  hmmm...  Defensive si papa.  It all started there.  When I open his resume.. nagtaka ako kasi sa excel nya ginawa.  Wow!  Naimpress ako coz he did it well.  Usually kasi sa word ang resume eh.  Kwento-kwento about his work.. na mag aapply siya sa Makati today kasi nahihirapan siya sa work nya kasi more on technical.. 
Ayon, nagbigay din ako ng tip sa mga call centers na puede nyang applyan and with good salary na din.  :) 

He's cute.. pramis!  May bago na naman akong crush.  :D

At long last!  Nakausap ko din ang b2 kanina.. napatawag ako sa kanya kasi baka may irerekomenda siya sa kin technician na marunong magkumpuni ng printer..  Walanghiyang daga yan.. sinira ang printer ko.  :(
Pati si Lino, naistorbo ko din.  Bukas, tatakbo ako sa Greenhills ng maaga..  para mapaayos ang printer.  Kung kelan naman madaming nagpapaprint na ngayon.  :(



Jul 26, 2004

Compilation nung naghibernate ako part III

7/26 Monday  

I feel terrible pag gising ko kanina.. andaming worries.  ewan ko.. parang di ako nakapagpahinga ng maayos.  Tinext ko agad si Bullit about it kasi magkasama kami kagabi. Andami kasi naming hang ups sa buhay na parang di namin alam kung ano ang solusyon.  Kung ba't kami dumadaan sa ganon.  Ok lang naman kami, di kami magkagalit. 

Bumalik na ata from Netherlands yung ubo't sipon na pinahiram ko kay Ate Sups.  Nilalagnat na pala ako kanina.. akala ko giniginaw lang ako dahil sa aircon. I'm thankful dahil may kasama na ako dito.  Nakapagpahinga din ako ng konti kaya I feel a lil better.   Sana dumating si Ian para magawan ng paraan yung pc #2 ko at maidala na sa pagawaan.

Umattend kami nila Lino and Missy sa baptismal ni Ziggy yesterday, Hazel aka Peppermintbugster's baby.  Nahihiya nga ako kasi di naman kami masyadong close ni PB... nakakaawa yung dalawa kasi yung mga dapat kasama sa binyag at kakanta eh di lahat available dahil sa trabaho.  Napaka-solemn ng binyag.  Tahimik na tahimik yung baby.. tulog na tulog :)  Sana ako din, pag nagpabinyag ng anak ko.. tahimik din siya.  hay! inggit ako. 

After kila PB, we proceed to Rockwell.. Medyo bitin kasi eh.. atsaka minsan lang ako makalabas kaya nilulubos ko na talaga.  Nagkayayaang manood ng sine.. Imelda sana kaso di puede sa time, di makakahabol si Lucci kasi kelangan pa nyang umuwi. 

Grabe yung adventure namin that day..  Laging nalolost ever ang byuti ko!!  Sa Kamuning pa lang.. lagi kaming nag-u U turn.  hehehe! Kahit nung papunta kila PB, naligaw din kami ng daan.  Napanis yung pagiging navigator ni Lucci.  hehehe! Ewan ko ba... lagi naman kami don ni Bullit dati eh parang nawala ako sa sarili ako... kaya nagkanda-ligaw ligaw kami kahit nung papunta na sa Rockwell.  Ang lakas din ng ulan.  Kung ba't kasi yung kotse ang ginamit ko. 

Rockwell

It was my 3rd time there at 2nd naman si Lino, medyo bagito kami sa lugar.   Lakad lang kami ng lakad.. hanap ng place kung san kami puedeng maghintay kay Missy.  Pagtingin namin sa schedule ng movie, medyo nagkakwentuhan ng konti don sa bench.  Feeling uncomfortable, naghanap kami ng ibang place na mas masarap magkwentuhan.  Bumagsak kami kung san kami iniwan ni Missy.. sa Auntie Anne's.  hehehe!  First time ni Lino don.  :)  I'm glad, nagustuhan naman nya. 

Oh my God! I remember the chocolates!!! Waaahhh!!!  Naiiyak pa din ako until now.. Kasi naman, napakamahal!  480.00 ang 100 grams.  Dapat bibili ako.. kaso nung nakita namin na 4pcs lang nung chocolate eh inabot na ng 300+... nakinig na ako kay Lino na di siya karapat-dapat bilhin :( 
I want that fucking dark chocolates!!!  Waaahhhh!!

May aji ichiban din pala sa Rockwell, bumili ako nung fave candy namin ni Bullit.  Ehek! di ko pala napatikim kila Lino and Missy. Sayang! next time na lang :) 

Nag enjoy naman kami habang kumakain kasi maganda yung background music, may nag-gigitara.  Tapos may dumating pang labrador na kasama ng guard.  Napaka-friendly, nakikipaglaro sa mga bata.  Sana ganon din kalaki si Achilles pag tumanda na siya... si Schat naman.. ay naku... di na ko nag-aambisyon at nagmana ata sa kin sa kaliitan.  Sana nga wag na lang siyang lumaki para forever siyang cute. 

Di naman nakakabored yung 3 lang kami.. mas lalo ko silang nakikilala.  Intimate ang usapan.. tungkol sa buhay-buhay namin.  I'm glad that I had the opportunity to meet interesting people like them.. at naging kaibigan ko pa.  Maraming salamat sa Alimasag.  :)

I'm bothered about Jeff.. parang problemado si pogi.  at bakit broken?  :(
Pogi, when you need someone who's luka-luka like me.. wag mahihiyang magsabi ha... Idaan natin yan  sa san mig lite..  :)

Buti on time dumating si Lucci pero di na kami nakahabol sa seat na medyo malayo sa screen.  We sit on the 2nd row.. at lulang lula ako.  Siguro dahil masama na ang pakiramdam ko kaya feeling nasusuka ako. Hindi ako buntis!  Pramis! Sabi ko nga sa text ko kay Jeff.. a must see movie talaga ang Irobot.  Ang galing ng twist.  Gumitna yung 2 sa kin.. naghihintay na ako ng reklamo na may nahawaan ako.  hehehe! 
Umpisa na yung movie, tinetext ko si Jeff.. kasi kung kelan naman nasa sinehan na kami eh saka nagparamdam.  Iinvite sana namin kasi alam kong toxic na siya sa aktibidades nya. 
Miss ko na ang b2 :(  

After the movie, naghiwa-hiwalay na kami.. este.. kasabay ko pala si Lino hanggang EDSA.  Binaba ko na lang siya sa Guadalupe.. dapat Makati eh, kaso naligaw na naman kami.. kaya don na kami bumagsak.  What a day!  Habang nsa parking lot, nicheck ko ang celfone at may text pala si Bullit at may kasama pang miss call.  Sabi ko kay Lino, pag nagyaya pa si Bullit, baka di na ko makasama kasi masama na ang pakiramdam ko.  At kinain ko ang sinabi ko.  Pagdating ko kila Bullit, nakisuka muna ko.  : /  Ganon talaga ako, pag nanakit ang ulo at nakafeel na nasusuka.. kelangan ko talagang ilabas para gumaan ang pakiramdam.  Ganon na nga ang nangyari.. Nagpahinga pa kami ng konti.. parang gusto ko na ngang matulog sa kanila pero makati talaga ang paa ko.  We had dinner at North Park, Makati.  Ang plano talaga is iinom pero masama ang pakiramdam ko kaya nagdinner na muna kami.  First time ko don, ang sarap ng food tapos andami pa.  Grabe naman ang friend rice!  Sayang talaga!! Next time!! di na kami magtetake out! Nanlibre pa ang panget.  :)  Sweet siya last night.  Siya pa ang nagseserve ng food ko, minsan sinusubuan pa ako.  Hay! Bullit.. sayang. 

After dinner, nagkwentuhan na lang kami, full na full kami kaya nascrap na ang Gilligan's.  Effective din ang gamot na binigay nya sa kin kaya nakapaglakwatsa pa kami sa mga place na pinupuntahan namin palagi.  Around 1 am, nakatambay na lang kami sa tapat ng haws nila..  Minsan nagrereminisce, minsan nag-aasaran.  It feels good when we're together.  We talked about babies.. kung magkaron ako ng anak sa kanya.  Sarado pa din sa isip ko yon... syempre dati gusto ko.. pero ngayon ayaw ko kasi alam ko iiwan din lang nya kami.  Gusto ko na ng ibang tao.. na makakasama ko habang buhay.  Hanggang ex fiancee na lang talaga siya.  Kung ano man yung nangyayari sa min.. ayaw kong pagsisihan..  It's my choice... no regrets na lang.. tutal mahal ko naman siya.
Nakakalito pero hanggang don na lang. 

Nga pala... wala ng kaappeal appeal ang san mig light sa kin.  Di na ako lasenggera :D

Clean living.... 

Forgiveness and Karma  

Lagi kong sinasabi na mahirap akong magpatawad.  Kanina naisip ko kung bakit  ang sama sama ko.  Pag naiisip ko yung nagawa ni Bullit sa kin dati or kung sino man na nakasamaan ko ng loob..  galit na galit ako tapos iniisip ko na lang na kakarmahin ka sa lahat ng ginawa mo sa kin.  Tapos lumuluwag ang pakiramdam ko.. iniisip ko na patawadin siya pero nandon pa din ang vengeance thru karma. 

Puede ba yung magpatawad ka ng walang iniisip na babalik sa kanya yung ginawa nya.  Ang sama ko.  Bakit ang hirap magpatawad?  Naiisip ko yung mga nakaaway.. nakasamaan ko ng loob.  May nagbubulong sa kin, patawadin ko na sila... hindi dahil sa may babalik na karma sa kanila kundi dahil sa tamang kahulugan ng pagpapatawad.. at kasama na ang pagmamahal na totoo.  Naiiyak ako.  After what happen... At eto ang konsensya ko at sinasabihan ako na patawadin sila.  Ano nga ba naman ang mangyayari sa buhay ko kung puno ako ng hatred sa puso.  How can I move on kung meron pa ding pain sa past life ko.  

Mix ang emotion ko ngayon.  Happy for God's blessings.... and sad coz I feel alone. 

Maybe, I have to admit na walang direksyon ang buhay ko ngayon.  Kumakain ako kasi nagugutom ako.. humihinga ako kasi kelangan ng katawan ko ang hangin...  Hindi ko na alam kung anong reason kung ba't pa ako nag-eexist.  

God, give me the strength to conquer all my fears.  My spirit is yearning for You.  Guide me with my journey.  Free me with hatred and heartaches.  Please let me live in a world full of love and peace.  God, I need You in my life.